Robredo, nanguna sa Veritas Truth Survey

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,184 total reads

Nangunguna si Presidential aspirant Vice President Leni Robredo sa mga kandidatong iboboto ng mga botante batay sa kanilang Catholic values and tradition.

Sa isinagawang Veritas Truth Survey sa tanong na kung sino sa mga presidentiables ang kanilang iboboto base sa kanilang ‘Catholic values and beliefs’ ay lumabas na 48-porsyento sa 2,400 respondents ang iboboto si Robredo batay sa kanilang paniniwalang Katoliko.

Sinundan naman ito ni Ferdinand Marcos Jr. sa 38-percent, Sen. Panfilo Lacson at Manila Mayor Isko Moreno na nakakuha ng 5-percent, Sen. Manny Pacquiao sa 2-percent habang kapwa nakakuha naman ng tig-isang porsyento sina Ka Leody De Guzman at dating Defense Secretary Norberto Gonzales.

Ayon kay Radio Veritas President Father Anton CT Pascual layunin ng survey na sukatin ang pulso ng mga botante batay sa kanilang paniniwala at pananampalatayang Katoliko.

“For the Catholic Voters that served as respondents for this survey, this survey tells us that based on Catholic Values and Beliefs, VP Leni has a significant advantage over former Sen. Marcos, Jr. and that Catholic Voters are inclined to vote for her,” ang bahagi ng pahayag ni Rev. Fr. Anton CT. Pascual.

Paliwanag ng Pari, ang naturang Veritas Truth Survey ay sumasalamin na karamihan sa mga Katoliko ay naghahanap ng mga kandidato na nagtataglay ng ‘servant leader qualities’ na may tunay na hangaring maglingkod sa bayan ng tapat at may pagmamalasakit sa mamamayang Pilipino.

Pagbabahagi ni Fr. Pascual, nakapaloob sa pananampalatayang Katoliko ang mga katangian ng mga tunay na lingkod ng bayan o servant leaders na maglilingkod ng tapat at totoo sa taumbayan habang tanging kapangyarihan at posisyon lamang ang kadalasang ninanais ng mga traditional leaders na mas higit na binibigyang prayoridad ang pansariling interes at kapakanan.

“Such results are an affirmation that for most Catholic Voters, servant leader qualities are the basis of choice for these are deeply rooted in a Catholic’s values and beliefs. While traditional leadership generally involves the accumulation and exercise of power by one at the ‘top of the pyramid’, servant leadership is different. The servant-leader shares power puts the needs of others first and helps people develop and perform as highly as possible,” dagdag pa ni Fr. Pascual.

Inihayag naman ni VTS Head Bro. Clifford Sorita na kung susuriin ang tugon sa survey batay sa edad ng mga botante na 40-hanggang 60-taong gulang ay bahagyang nakakaungos si Marcos kay Robredo sa 45-porsyento kumpara sa 43-porsyento.

Sa kabila nito ayon kay Sorita ay nangunguna naman si Robredo iba’t ibang age group “VP Robredo has more voters in her favor among those ages 18–20 at42% versus 37%; ages 21-39 years old at 51% versus 35%; and 61 years old and above at 77% versus 32%.”

Nilinaw naman ni Sorita na ang nasabing survey ay hindi voting preference kundi upang makita kung ano ang mas pipiliin ng mga Catholic Respondents batay sa kanilang paniniwala at pananampalataya.

Ginanap ang VTS nationwide survey noong April 1, 2022 hanggang April 30, 2022 sa pamamagitan ng text-based at online data gathering.

Patuloy namang pinaiigting ng Radio Veritas at social communication ministry ng Archdiocese of Manila ang One Godly Vote election campaign na layuning gabayan ang may 67-milyong botante na matalino at maka-Diyos na kilatisin at kilalanin ang bawat kandidato sa nalalapit na halalan sa May 9, 2022.

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 19,052 total reads

 19,052 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 212,424 total reads

 212,424 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 244,155 total reads

 244,155 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 345,978 total reads

 345,978 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 386,540 total reads

 386,540 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 398,742 total reads

 398,742 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top