Pagpapatigil sa E-Sabong, kinatigan ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 724 total reads

Kinatigan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang pagpapatigil ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Online-Sabong (E-Sabong).

Ayon kay Boac Marinduque Bishop Marcelino Antonio Maralit – CBCP Episcopal Commission on Social Communication Chairman ipinapakita ng desisyon ng punong ehekutibo ang pagkakaroon ng malasakit para sa mga pamilya at indibidwal na negatibong naapektuhan ng E-Sabong.

“Ibig sabihin ay hindi na lamang ang mga sinasabing financial benefits ang nakita niya, kung di pati na rin ang maraming naging at nagiging NEGATIVE EFFECTS nito sa mga taong naglalaro nito kasama ang mga taong na sa paligid nila (pamilya, kaibigan, katrabaho o kakilala), ganoon na rin sang-ayon sa nakita na pati na rin sa loob ng pamahalaan,” ayon sa mensaheng ipinadala ng Obispo sa Radio Veritas.

Paninindigan ni Bishop Maralit, kailanman ay walang mabuting maidudulot ang pagkalulong sa sugal at hindi mahihigitan ng benepisyo sa buwis mula sa e-sabong na natatanggap ng pamahalaan ang pinsalang idinulot nito sa lipunan.

“Hindi na rin kasi ito usapin lamang ng ekonomiya at legality, kung di ito din ay malinaw na usaping moral at pampamilya. The NEGATIVE EFFECTS IT HAS AND WILL HAVE CAN NEVER BE OUTWEIGHED by its supposed BENEFITS,” ayon pa kay Bishop Maralit.

Pananalangin ng Obispo na muling ng makabangon mula sa pagkalugmok ang mga nalulong sa sugal at mahanap ng kanilang kamag-anak ang mga nawawalang indibidwal.

“Sa mga kapamilya naman ng mga nawawala at sinasabing dinukot dahil sa E-Sabong, ang dasal ko po ay sana ay matagpuan na sila, magkaroon ng linaw ang lahat at maparusahan ng batas ang mga nagkasala at may gawa nito,” ayon sa pananalangin ng Obispo para sa mga pamilya.

Ito ay dahil bukod sa pagkalulong sa sugal ay umabot sa 34-indibidwal ang nawawala na inuugnay sa e-sabong ayon sa Philippine National Police.

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 12,703 total reads

 12,703 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »

Sacred music, mahalaga sa liturgy

 15,031 total reads

 15,031 total reads Binigyang-diin ni Pope Leo XIV ang mahalagang papel ng sacred music sa liturhiya, partikular sa Banal na Misa, bilang tulong upang higit na

Read More »

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 32,453 total reads

 32,453 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 581 total reads

 581 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 82,597 total reads

 82,597 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 176,822 total reads

 176,822 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 237,311 total reads

 237,311 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 251,205 total reads

 251,205 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top