Pagpapabuti ng health sector, hamon sa mga mahahal na pinuno ng bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 915 total reads

Hinamon ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga mahahalal na kandidato sa May 9 elections na pagtuunan ang pagpapabuti sa sektor ng pangkalusugan ng bansa.

Ito’y ayon kay CBCP-Episcopal Commission on Health Care vice-chairman, Military Bishop Oscar Jaime Florencio kaugnay sa pagtugon sa mga pangangailangan hindi lamang ng mga pasyente kundi maging ng mga healthcare workers.

“Pagbigyan naman natin ng solusyon ang healthcare system dahil ito ay importante sa buhay ng bawat mamamayan,” pahayag ni Bishop Florencio sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi ni Bishop Florencio na sa pag-iral ng pandemya, napansin ang iba’t ibang suliranin na dapat tugunan sa health care system ng bansa.

Tinukoy ng obispo ang mabagal na pagtugon at pagbibigay-lunas sa mga pasyenteng mayroong COVID-19, gayundin ang hindi tamang pagbibigay ng benepisyo sa mga healthcare workers.

Batid din ng opisyal ang katiwalian sa iba’t ibang ahensya ng healthcare sector na dapat nang iwaksi ng pamahalaan.

Panawagan naman ni Bishop Florencio sa mga mananalong kandidato ay isaalang-alang ang paglalaan ng mas malaking pondo sa sektor ng kalusugan nang sa gayon ay mas makapagbahagi nang wastong serbisyong kinakailangan ng publiko.

“Dapat ang healthcare ng bansa ay pagtuunan natin at ito po ay mahalaga dahil ang katumbas nito ay buhay natin. Tingnan nila kung anong mga bagay ang maaaring gawin para sa ikabubuti ng mamamayan. We are there to serve the whole -kabuuan ng mamamayang Pilipino,” ayon sa obispo.

Dalangin pa ni Bishop Florencio ang paggabay ng Panginoon sa mamamayan upang malinaw na makapili at makaboto ng karapat-dapat na lider ng bayan na tutuparin ang mga platapormang magtataguyod para sa ikabubuti ng nakararami.

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 13,840 total reads

 13,840 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NEW NORMAL

 51,192 total reads

 51,192 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 145,419 total reads

 145,419 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 205,912 total reads

 205,912 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 219,819 total reads

 219,819 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 299,759 total reads

 299,759 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 68,345 total reads

 68,345 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top