Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Nagdaan at kasalukuyang pangulo, bigong tugunan ang kahirapan sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

 2,065 total views

Ipinagdarasal ni Caritas Manila Executive Director at Radio Veritas 846 President Rev. Fr. Anton CT Pascual na ihahalal ng mga Filipino na mamumuno sa bansa ay tunay na may malasakit at pagmamahal sa mga mahihirap.

Ito ang inihayag ni Fr. Pascual matapos ang ginawang pagbisita sa mga mahihirap na komunidad sa Tondo Maynila kung saan patuloy na ipinatutupad ang mga programa ng Caritas Manila tulad ng feeding, scholarship at livelihood.

Ayon kay Fr. Pascual, kailangan maging prayoridad ng mga bagong pinuno ang mga mahihirap sa Pilipinas na bumubuo sa malaking prosyento ng populasyon.

Aminado ang Pari na bigo ang mga nagdaang administrasyon na mabigyan ng kongkretong programa ang maralita kaya’t marami pa din ang naghihikahos at nagtitiis sa kahirapan.

“Ang bansa natin ay bansang mahirap hindi tayo bansang mayaman kaya kung sino man ang kandidato at sa pagpili natin ng kandidato mahalaga sino ang tunay na tutulong sa mga suliranin ng kahirapan sa ating bansa sapagkat napakarami na ng nagdaang Presidente nakakalungkot [bagamat] nirerespeto natin sila pero walang impact o ginawang kongrekto para mabawasan ang kahirapan sa ating bansa” pahayag ni Fr. Pascual sa panayam ng Radio Veritas.

Kaugnay nito nagpapasalamat naman ang Pari sa mga patuloy na sumusuporta sa mga programa ng Simbahan para makatulong sa mga nasa laylayan ng lipunan.

“Sa mga kapanalig natin salamat po sa inyong mga panalangin at suporta in cash o in kind sa Caritas Manila, ang inyong NGO ng Simbahan na direktang tumutulong sa mga mahihirap na matulungan ang kanilang mga sarili at nawa sa pamamagitan ng ating pagtulong madama ng mahihirap ang pag-ibig at dakilang habag ng Panginoon.” Wika ni Fr. Pascual.

Batay sa datos, tinatayang nasa 23.7 percent ng populasyon ng Pilipinas ang mahihirap.

Mula sa 22.26 milyong maralita sa bansa tumaas ito sa 26.14 milyong bago pa man magsimula ang Covid19 pandemic.

Sa datos naman ng Commission on Election nasa 67.4 milyong Pilipino ang rehistradong bumoto ngayong May 9, 2022 Election.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THEATRE OF THE ABSURD

 17,320 total views

 17,320 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 31,380 total views

 31,380 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 49,951 total views

 49,951 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 74,712 total views

 74,712 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 33,113 total views

 33,113 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »

LAYFIMAS, pinalakas ng Pondo ng Pinoy

 46,405 total views

 46,405 total views Tinutulungan ng Pondo ng Pinoy Community Foundation Inc. ang Diocese ng Naval sa pagsasagawa ng programa para sa mga magsasaka. Ito ang ibinahagi

Read More »
Scroll to Top