COMELEC, hinimok ng Clergy for Moral Choice na panindigan ang mandato

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 739 total reads

Kinilala ng Clergy for the Moral Choice ang mahalagang papel na ginagampanan ng Commission on Elections (COMELEC) para sa kinabukasan ng bansa.

Ayon kay running priest Rev. Fr. Robert Reyes, mahalaga ang katapatan ng mga kawani ng COMELEC sa pagganap sa mandato na pangasiwaan ang kabuuang proseso ng nakatakdang National and Local Elections sa May 9, 2022.

Umaasa si Fr. Reyes na ang katapatan ng mga kawani ng COMELEC ay para sa bayan at taumbayan,at hindi sa sinumang nagtalaga sa kanila sa katungkulan.

Iginiit ng Pari na hindi dapat na magkaroon ng bahid ng pagkiling ang COMELEC sa sinumang kandidato at partido.

“Napakahalaga po ng papel ninyo at napakahalagang ipaalala sa inyo, dapat po kayo ang tinitingnan ninyo ay ang inyong mga kababayan, ang bansang Pilipinas, ang kinabukasan ng bansang ito, huwag kung sino ang nag-appoint sa inyo. Kasi lahat sila appointed na kaya kanino ang loyalty ninyo sa appointing authority o sa taumbayan? Makikita namin ito, makikita namin at kapag may nangyari na nagkaroon ng bahid ng pagkiling hindi sa taumbayan kundi sa mga makapangyarihan na naglagay sa kanila diyan [sa posisyon] kami ay magagalit.” Ang bahagi ng pahayag ni Rev. Fr. Robert Reyes sa panayam sa Radio Veritas.

Binigyan diin ni Fr. Reyes na dapat na sa Panginoon at taumbayan ang kiling at katapatan ng kawani ng mga organisasyon at mga grupo na mangangasiwa sa kabuuang proseso ng halalan at manindigan sa anumang dayaan, kamalian o kasinungalingan.

Ayon sa Pari, tuwinang nakabantay ang taumbayan, ang Clergy for the Moral Choice at maging ang Panginoon sa COMELEC na isang mahalagang institusyon para sa pagpapanatili at pagsusulong ng demokrasya ng bansa.

“Hindi namin sinasabi na mandadaya kayo, may gagawin kayong mali pero mas madaling gumawa ng mali kapag ang kiling niyo hindi sa taumbayan at lalong lalo na hindi sa Diyos, kaya yun ang binitiwan namin hamon sa kanila God is watching us, God is watching you and we are watching you the Clergy for the Moral Choice. Kaya ang problema sa atin pinababayaan natin itong institusyon na ito pero napakahalaga ng institusyon na ito kasi they make and break democracy, they make and break good candidates.” Dagdag pa ni Fr. Reyes.

Ang Clergy for the Moral Choice (CMC) na una ng nagpahayag ng suporta para sa kandidatura nina Vice President Leni Robredo at Senator Francis “Kiko” Pangilinan para sa pagka-pangulo at pangalawang pangulo ay binubuo ng may 1,400 na mga pari, Obispo, relihiyoso, relihiyosa at mga deacons na naninindigan para sa katotohanan at para sa kapakanan ng bayan para sa nakatakdang halalan.(reyn)

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 4,013 total reads

 4,013 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 27,881 total reads

 27,881 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 68,441 total reads

 68,441 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 95,037 total reads

 95,037 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 143,303 total reads

 143,303 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 164,123 total reads

 164,123 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 4,015 total reads

 4,015 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

Mga Pari, mensahero ni kristo

 8,886 total reads

 8,886 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »
Scroll to Top