Pista ng Birhen ng Salambao: Higit na pagpapala sa mga taong nananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,667 total reads

Higit sa anumang biyaya ang ibinibigay ng Diyos sa bawat taong humihiling.

Ito ang mensahe ni Fr. Ehersey Giovanni Sulit ng Nuestra Señora de Salambao Mission Parish sa Binuangan Obando Bulacan sa pagdiriwang ng kapistahan ng Mahal na Birhen.

Inihalimbawa ng pari ang karanasan ng mamamayan ng Obando na ang kabuhayan ay mula sa pangingisda ngunit ibinigay ng Diyos ang imahe ng Mahal na Birhen na maging gabay sa buong pamayanan.

“Ang gusto ng tao isda, pero ibinigay ng Diyos, Ina, na magdadasal at gagabay sa atin; tanggapin natin ang paggabay ng Mahal na Birhen, ang kanyang panalangin dahil lagi niya tayong ituturo sa kanyang anak na si Hesus,” pahayag ni Fr. Sulit sa panayam ng Radio Veritas.

Paliwanag pa ni Fr. Sulit na sa tulong ng Mahal na Ina, higit pang nabiyayaan ng maraming huling isda ang mga residente sa lugar para sa kanilang kabuhayan.

Ang Nuestra Señora de Salambao ay isa sa tatlong patron ng Obando Bulacan kasama ang San Pascual Baylon at Santa Clara ng Assissi.

Sa kasaysayan June 19, 1763 nang malambat ng mga mangingisda na sina Juan at Julian de la Cruz ang imahe ng Mahal na Birhen sa karagatan ng Hacienda Tambobong na ngayon ay Malabon City subalit pabigat nang pabigat ang imahe ng dadalhin ito sa baybayin.

Tinungo nina de la Cruz ang Obando Bulacan at inilagak ang imahe sa Parokya ng San Pascual Baylon na pinamunuan noon ni Padre Jose Martinez dela Hinojosa.

Paalala ni Fr. Sulit sa mamamayan na higit palalimin ang pakikipag-ugnayan sa Panginoon at ipagkatiwala ang anumang pangamba lalo na sa kasalukuyang karanasan.

“Kapag nasa atin si Hesus hindi lamang isda kundi mas malaki pang pagpapala ang ating matatanggap sapagkat kasama natin si Hesus,” ani Fr. Sulit.

Ipinagdiriwang ang kapistahan ng Nuestra Señora de Salambao -Mission Parish tuwing ikalawang Linggo ng Mayo kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng mga Ina.

Makalipas ang dalawang taon muling naisagawa ng parokya ang ‘pagoda festival o fluvial procession’ na nilahukan ng mga residente lulan sa kani-kanilang mga banka.

Pinangunahan ni Malolos Bishop Dennis Villarojo ang banal na misang idinaos sa gitna ng laot kung saan nalambat ang imahe ng Mahal na Birhen bilang pasasalamat at pagpaparangal ng mga mangingisda sa Mahal na Birhen na patuloy tumutulong sa pananalangin sa Panginoon para sa masaganang huli.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 94,168 total reads

 94,168 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 134,730 total reads

 134,730 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 156,927 total reads

 156,927 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 205,194 total reads

 205,194 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 223,648 total reads

 223,648 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top