VeritasPH

The Word, The Truth

‘Wag kalimutan ang sigaw para sa hustisya

SHARE THE TRUTH

 349 total views

Mga Kapanalig, ang katatapos na eleksyon ay hudyat ng pagsisimula ng pagtatapos ng termino ni Pangulong Duterte. Ngunit hindi ibig sabihin nitong ibabaon na natin sa limot ang mga naging paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng kanyang administrasyon, lalo na sa pagpapatupad nito ng giyera kontra droga o war on drugs.

Sa isang campaign rally noong nakaraang linggo, nagbiro si Pangulong Duterte na kung siya ay mamamatay na, huwag raw matakot ang mga sumusuporta sa kanya kay Satanas. Si Satanas daw ang dapat na matakot sa kanya. Aniya, kung mayroon mang eleksyon sa impyerno, sigurado raw na siya ang mananalo. Hindi ito ang unang beses na ipinagmayabang ng pangulo ang mga kasalanan ng kanyang administrasyon.

Sa simula pa lang ng kanyang administrasyon noong 2016, inihalintulad niya ang kanyang sarili kay Hitler. Magiging masaya raw siyang pumatay ng tatlong milyong tao na gumagamit ng iligal na droga katulad ng pagpatay na ginawa ni Hitler sa mga Hudyo noong Holocaust. Matatapos ang kanyang termino na may higit 6,000 katao na ang napatay (o maaaring pinatay) ng mga awtoridad sa kanilang mga anti-drug operations. Hindi pa kasama rito ang mga biktima ng mga hindi nakikilalang suspek, na ang ilan ay hinihinalang state agents. Nakalulungkot na kakaunti lamang sa mga kasong ito ang naimbestigahan, at mas kakaunti pa ang mga kasong napanagot ang mga maysala. Isa ang kaso ng pagpatay sa 17-taong gulang na si Kian delos Santos sa nabigyan ng hustisya. Mayroong katulad ng mga biktimang isinalalim muli sa autopsy na napatay sa gitna ng kampanya laban sa droga ngunit idineklarang namatay sa ibang kadahilanan.

Kailangang papanagutin ng bagong pangulo ang mga nasa likod ng mga pagpatay na ito. Kagaya ng mga biktima ng Batas Militar noong panahon ni Pangulong Marcos, hindi natin dapat kalimutan ang mga kalupitan at pagmamalabis sa kampanya laban sa iligal na droga ng administrasyong Duterte.

Ano kaya ang gagawin ng bagong pangulo sa mga pagpatay na ito?

Bilang mga Pilipino at Katolikong nagpapahalaga sa buhay, maaari nating isulong ang ilan sa mga rekomendasyon ng Human Rights Watch, isang organisasyong nagsusulong ng karapatang pantao. Ilan sa mga mungkahi nila ay ang pagtigil sa hindi makatarungang pagpatay sa mga pinaghihinalaang gumagamit at nagbebenta ng iligal na droga, pag-iimbestiga at pagpapanagot sa mga pulis na nasa likod ng mga patayan, at pagbuo ng isang multisectoral council upang bantayan ang imbestigasyon at tiyaking magiging bukás at transparent ang pamahalaan. Isa pang rekomendasyon ay ang pagbawi ng ating pag-alis sa International Criminal Court (o ICC), ang pandaigdigang korteng naglilitis sa mga kasong katulad ng genocide, crimes against humanity, war crimes, at crime of aggression. Ang mga patayan sa ilalim ng kampanya laban sa droga ay maituturing na crimes against humanity.

Kagaya ng hindi paglimot sa malagim na sinapit ng bansa sa ilalim ng Batas Militar noong panahon ni Pangulong Marcos, hindi rin dapat kalimutan ang mga pinatay sa ilalim ng war on drugs. Isa sa mga prinsipyo ng panlipunang turo ng Simbahan ang pagpapahalaga sa dignidad ng bawat tao dahil gaya ng sinabi ng Diyos sa Genesis 1:26, tayo ay nilikhang kawangis Niya. Ang dignidad na ito ay hindi nawawala sa isang tao kahit na gumagamit at nagbebenta siya ng iligal na droga. Hindi nawawala o nababawasan ang kanyang dignidad kahit pa may nagawa siyang pagkakamali. Lahat ay may dignidad na dapat nating itaguyod at protektahan sa lahat ng pagkakataon.

Mga Kapanalig, sa pagsisimula ng bagong administrasyon, magsisimula rin ang bagong hamon sa ating lahat na papanagutin ang mga nasa likod ng mga pagpatay. Pakinggan sana ng ating mga bagong lider ang mga pamilyang naulila at sumisigaw ng hustisya.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

BPO industry

 12,289 total views

 12,289 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 20,334 total views

 20,334 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 25,414 total views

 25,414 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 31,121 total views

 31,121 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 39,909 total views

 39,909 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 12,290 total views

 12,290 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 20,335 total views

 20,335 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 25,415 total views

 25,415 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 31,122 total views

 31,122 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 39,910 total views

 39,910 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 40,709 total views

 40,709 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 55,023 total views

 55,023 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 58,713 total views

 58,713 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 57,316 total views

 57,316 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 67,303 total views

 67,303 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 71,271 total views

 71,271 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 82,158 total views

 82,158 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 94,597 total views

 94,597 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 105,355 total views

 105,355 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pangangalaga sa Bata para sa Kinabukasan ng Bansa

 52,608 total views

 52,608 total views Kung nais mo makita ang kinabukasan ng bansa, kapanalig, tingnan mo na lamang kung paano natin inaalagaan ang mga bata. Ito ang magtatakda ng direksyon ng ating bayan sa darating na panahon. Ang mga bata ay kayamanan ng bawat lipunan. Sila ang magmamana at magpapatuloy ng ating mga adhikain at mithiin. Ipapasa natin

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top