Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 786 total reads

Homiliya Para sa Huwebes sa Ikaapat na Linggo ng Pagkabuhay, ika-12 ng Mayo 2022, Jn 13:16-20

Ewan kung kailan ba nagsimulang magtawagan ng PANYERO/PANYERA ang mga abogado sa isa’t-isa. Ang salitang ito ay galing sa Espanyol na salitang COMPAÑERO, na galing din sa dalawang katagang Latin: CUM, ibig sabihin “kahati o kabahagi,” at PANIS, ibig sabihin “sa tinapay.”

Sa ebanghelyong binasa natin, negatibo ang dating nito. Ang tinutukoy na kumpanyero ay si Hudas. “Ang kumpanyero ko, o kahatian ko ng tinapay, ang siya palang magtataksil sa akin.” O sa ordinaryong salita, ang tumanggap sa inalok kong tinapay ang siya palang manghu-Hudas sa akin.

Ang konteksto ng pagbasa ay ang Huling Hapunan ni Hesus kasama ang kanyang mga alagad. Kahuhugas pa lang niya ng kanilang mga paa, bagay na ikinabigla nilang lahat dahil wala namang guro o amo na gagawa ng ganito. Ang gumagampan ng ganoong gawain ay mga alipin lamang.

Nabanggit ko ito sa homiliya ko noong nakaraang Huwebes Santo. Usually, galante na dating ng maybahay kapag ipinaghanda niya ng tubig ang kanyang bagong dating na mga bisita para hugasan ang sariling mga paa nila pagpasok ng mga ito sa bahay. At ang pinaka-lubos sa pagkagalante ay kapag kumuha pa siya ng alipin na maghuhugas ng mga paa nila. Pero nang gabing iyon ng Huling Hapunan, si Hesus mismo ang naghugas sa kanilang mga paa. Inexplain din niya pagkatapos na ito’y para maintindihan daw nila ang tunay na kahulugan ng pagiging pinuno—ang pagiging UTUSAN, hindi bossing. (Magandang paalala ito sa mga bagong halal na kandidato.)

Bakit kinailangan pa niyang gawin ito? Dahil ang pinakamadaling pasukin ni Satanas ay ang mga taong nahuhumaling sa kapangyarihan, katanyagan at kayamanan, katulad ni Hudas Iskariote. Saan ba siya dinala ng mga paa niya, matapos na siya ay mahugasan? Saan pa, edi doon sa madilim na pasilyo kung saan siya tumanggap ng bayad para sa kanyang pagtataksil?

Tatlumpung pirasong pilak, bilang kapalit ng pagpapailalim ni Hudas ng sarili niya kay Satanas. At si Satanas naman, tuwang-tuwa. Panalo kasi siya; talo si Hesus. Nagpiyesta siya nang makitang napako sa krus si Hesus, namatay at nalibing. Tagumpay siya…iyon ang akala niya.

Ang laki ng pagkakamali niya. Paano kaya siyang mananalo kung hindi naman siya ang script-writer ng kuwento? E hindi pa pala iyon ang katapusan ng kuwento! Sabi ni Hesus, “Kapag nangyari na ang lahat ng ito, noon ninyo matatanto na AKO’Y SI AKO NGA!” Si “AKO NGA,” ibig sabihin, ang Diyos ang script-writer, hindi si Satanas. Kaya sa Diyos pa rin ang huling halakhak.

Pagsisisihan ng mga Hudas ang pagtanggap nila ng tatlumpung pirasong pilak bilang kapalit sa kaluluwa nila. Hindi nila alam na ang tubig na humugas sa kanilang mga paa, at ang tinapay na pinagsaluhan nila, ito ang magliligtas sa kanila. Hindi si Satanas kundi ang korderong isinakripisyo sa katayan ang talagang babangon muli upang tuldukan na ang pamamayani ng kadiliman at upang kalagin ang tanikalang nakagapos sa mga isip at puso ng mga alagad. Siya rin ang magkakalag sa lubid na nakatali sa nakabitin na Hudas. At ito ang gagamitin niyang pantali sa makamandag na bibig ng sinungaling na ahas, at titigpas sa traydor nitong ulo, upang hindi na niya pamunuan pang muli ang sanlibutan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan bago banyaga

 41,433 total reads

 41,433 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 105,271 total reads

 105,271 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 199,168 total reads

 199,168 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 282,200 total reads

 282,200 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 374,864 total reads

 374,864 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

ANAK NG TAO

 12,369 total reads

 12,369 total reads Homiliya para sa Biyernes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon, 13 Nobyembre 2026 2 Juan 4–9; Lucas 17:26–37 Sa ating unang pagbasa, may

Read More »

PREPARING THE WAY

 15,275 total reads

 15,275 total reads A Reflection as Advent Approaches I was fascinated by a little detail in Gerry O’Connell’s report on Pope Leo XIV’s visit to Peru.

Read More »

THE POPE WHO NEVER CAME HOME

 21,025 total reads

 21,025 total reads As I follow Pope Leo XIV’s apostolic journey through Argentina, I cannot help thinking of Jorge Mario Bergoglio, the man who left Buenos

Read More »

NGAYON NA!

 3,257 total reads

 3,257 total reads Homiliya para sa Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon 8 Nobyembre 2026 Karunungan 6:12–16; 1 Tes,4:13–18; Mat. 25:1–13 May isang salitang Espanyol na ginagamit

Read More »
Scroll to Top