Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,443 total reads

Homiliya Para sa Ikaanim na Linggo ng Pagkabuhay, ika-22 ng Mayo 2022, Juan 14:23-29

May natutunan akong salitang Tagalog sa bokabularyo ng mga Batangueno: ang salitang MALIGALIG. Ang ibig sabihin daw pala nito para sa mga taga-Southern Tagalog ay MAKULIT, MAGULO, PROBLEMADO, o iyung tipong DI-MAPAYAPA. “Ala-e bat ba kanina ka pa parang turumpo dya-an, ba’t ba ikaw e napaka-maligaleig?”

Ang ebanghelyo natin ngayon ay tungkol sa mga bagay na nakaliligalig sa atin dito sa mundo, at ang sikretong dapat nating matutunan o pag-aralan upang tayo’y MAPAYAPA. Pero bago iyon, itanong muna natin, ano ba ang madalas na nakaliligalig sa atin, o mga bagay na nagiging dahilan kung bakit kung minsan parang nababalisa tayo, naguguluhan o parang hindi mapayapa?

Apat na dahilan ang ibinibigay ni Hesus sa ebanghelyo natin ngayon. Mga bagay na nagdudulot ng pagkaligalig ng ating kalooban. Magkakarugtong ang apat na ito.

Una, pag may binitawan tayong salita pero hindi natin tinutupad ito. Pangalawa, kapag hindi natin tinutupad ang ating salita dahil nakakalimutan natin ang mga salitang binitawan natin, o sadyang nililimot natin. Pangatlo, kapag nababalisa ang loob natin o inuusig tayo ng konsensya dahil sa di-pagtupad na dulot ng pagkalimot. At pang-apat, kapag inuunahan na tayo ng takot na mawalan—mawalan ng mahal sa buhay, ng kayamanan, ng alaala, o mawalan ng katinuan. Ang mga taong insecure sa mundo ay mananatiling maligalig.

Ang sagot ni Hesus sa lahat ng apat na ito na dahilan ng pagkaligalig ay ang regalo niyang KAPAYAPAAN. Kung napansin ninyo, sa bawat Misa, inuulit natin ang mga salitang ito ni Hesus matapos na dasalin natin ang AMA NAMIN. Una dinadasal ng pari, “Hinihiling namin na kami’y iadya sa lahat ng masama, pagkalooban ng kapayapaan araw-araw, iligtas sa kasalanan at ilayo sa kapahamakan…”

Pagkatapos, bago siya bumati ng kapayapaan, dinadasal din ng pari, “Panginoong Hesukristo sinabi mo sa iyong mga apostol: kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo…” Hiniram ang dasal na ito sa ebanghelyo natin ngayon.

Dito niya sinasabi na ang kapayapaang kaloob niya ay di-tulad ng kapayapaang dulot ng daigdig. Iyan ang tipo ng kapayapaang pinanghahawakan ng mga nananalig sa siguridad na maibibigay ng kayamanan. Iyung umaasa sa siguridad na dulot ng armas o sandata o baril bilang depensa katulad ng ginagawa ngayon ng ibang mga bansa sa Europa. Parang lahat nagpapaampon ngayon sa NATO dahil sa pag-atakeng ginawa ng Russia sa Ukraine. Ito ang mentalidad ng mga walang maisip na panlaban sa karahasan kundi karahasan. Pero ang ganyan, imbes na mapayapa, lalong naliligalig. Kasi, alam din nila na pag may nasaktan sila, gagantihan din sila ng mga ito pagdating ng panahon.

So ano ang susi ng tunay na kapayapaan para kay Hesus? Hindi ito sa atin nakasalalay kundi sa Diyos. Ito ay biyaya. At ito ang gusto niyang iregalo sa atin sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Ano ba ang ituturo sa atin ng Espiritu Santo na siya lang makapagdudulot sa atin ng kapayapaan?

Una, tuturuan niya tayong tumupad ng ating salita. Ito ang madalas na maging sanhi ng problema sa daigdig. Kapag hindi mo mapagkatiwalaan ang salita ng tao dahil laging salungat na ang sinasabi sa iniisip o ginagawa. Nadadala ang tao kapag ang mga pangako ay napapako. Hindi mabubuo ang pagkatao ng taong walang isang salita. Kaya palaang tawag natin sa mga taong marunong tumupad ng salita ay MAY INTEGRIDAD. Ibig sabihin, buo, hindi hati ang pagkatao.

Pangalawa, dahil ang madalas na maging dahilan ng hindi pagtupad sa salita ay pagkalimot, sabi ni Hesus, ang Espiritu Santo daw ang magpapaalala sa atin. Kaya siguro taon-taon sinasariwa natin ang mga pangako natin, isinasaritwal natin, sinisimbolo natin, sinusuot natin katulad ng singsing, dahil alam natin, tulad nga ng sabi ng kanta, “Ang tao’y marupok kay daling lumimot.” Hindi ba may kasabihan, “Those who do not remember the past are doomed to repeat it?”

Pangatlo, aalisin ng Espiritu ang mga takot at pangamba upang mapanatag ang atin loob. Totoo namang mga takot ang madalas maging dahilan kung bakit di tayo makatulog, hindi mapanatag, o hindi makatagpo ng katiwasayan sa buhay.

At pang-apat, tuturuan tayo ng Espiritu ng pinakamabisang susi ng kapayapaan: ang tiwala sa Diyos. Maghahanap talaga tayo ng kakapitan kapag wala tayong tiwala na may sasalo sa atin pag tayo’y nahulog. Kaya tinuturuan niya tayong bumitaw, na huwag kumapit sa mga bagay na lumilipas.

Sa buhay daw ng isang agila, kapag nabubuo na ang mga pakpak nito, unti unti siyang iniiwan ng nanay at tatay niya. Minsan, hahayaan siyang magutom at hindi muna dadalhan ng pagkain para matutong lumabas sa pugad. Hahayaan siyang mahulog mula sa pugad habang nakabantay ang tatay niya sa may kalayuan para saluhin siya sa mga unang pagkahulog. Uulit-ulitin daw ito hanggang sa matutuhan niyang gamitin ang kanyang mga pakpak. Parang malupit, pero paraan lang pala ito ng ama para turuan tayong lumipad. Iyun pala ang sinasabi ng kinakanta natin sa simbahan na galing sa Salmo:

“And He will raise you up on eagles’ wings, bear you on the breath of dawn, make you to shine like the sun and hold you in the palm of his hand.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 90,572 total reads

 90,572 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 124,024 total reads

 124,024 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 159,323 total reads

 159,323 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 385,593 total reads

 385,593 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 274,268 total reads

 274,268 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WHEN A FAMILY BECOMES A PLACE OF TRAGEDY

 14,399 total reads

 14,399 total reads Someone called my attention today to the tragic case of Caleb Flynn in the United States—a Christian worship pastor recently convicted of murdering

Read More »

THE VINEYARD IS NOT OURS

 20,048 total reads

 20,048 total reads Homily for the Closing of the Season of Creation 800th Anniversary of the Transitus of St. Francis of Assisi 27th Sunday in Ordinary

Read More »

FROM REVOLUTION TO RECONCILIATION

 19,312 total reads

 19,312 total reads My French friend Eric Nicolas, a native of Marseille, sent me a message yesterday that made me look at one particular moment of

Read More »
Scroll to Top