Kahirapan, tunay na problema ng Pilipinas hindi droga at kriminalidad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 651 total reads

Hindi matutugunan ng War on Drugs at pagkamatay ng mga sangkot sa kalakalan ng ipinagbabawal na gamot ang problema sa kahirapan na siyang tunay na suliranin ng bansa.

Ito ang reaksyon ni Diocese of Sorsogon Bishop Arturo Bastes – Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Mission kaugnay sa isinagawang survey ng Pulse Asia sa mga pangunahing usapin o concern ng taumbayan na nais nilang matugunan ng pamahalaan sa lalong madaling panahon.

Paliwanag ng Obispo, kahirapan ang pangunahing problema sa lipunan na nararapat agad tugunan ng pamahalaan na hindi masusolusyunan ng pagsugpo sa ilegal na droga o pagpatay sa mga sangkot sa kalakalan ng ipinagbabawal na gamot.

“What we need because of the most important concern of the Philippines today it is that many people are still poor, because they are poor no matter how many people Duterte can kill the situation will always be the same so for us drug addiction is not the real problem, the real problem is poverty…” pahayag ni Bishop Bastes sa panayam ng Radio Veritas.

Lumabas sa isinagawang Survey ng Pulse Asia mula September 25 hanggang October 1 na dagdag-sahod at hindi pagsugpo sa kriminalidad ang pangunahing concern ng taumbayan, kung saan 46-na-porsyento ang nagpahayag ng pagnanais na matugunan ang pagtaas sahod sa mga manggagawa, 38-porsyento para sa pagkakaroon ng mga karagdagang trabaho, 37-porsyento upang makontrol ang presyo ng mga bilihin habang bumaba naman sa 31-porsyento ang mga nagsasabing nararapat unahin ang pagsugpo sa mga krimen mula sa dating 52-na-porsyento noong buwan ng Hulyo.

Samantala, naunang nagpahayag ng pagsuporta ang Simbahang Katolika sa layunin ng kasalukuyang Administrasyon na masugpo ang ilegal na droga at kriminalidad, ngunit binigyang diing hindi nararapat malabag ang ano mang karapatan ng mga mamamayan higit sa lahat ay kitilin ang buhay ninuman.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 28,917 total reads

 28,917 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 115,235 total reads

 115,235 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 161,974 total reads

 161,974 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 209,846 total reads

 209,846 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 312,382 total reads

 312,382 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top