25th anniversary ng Caceres Mission Aid program, ipinagdiriwang ng Archdiocese of Caceres

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 840 total reads

Ang pagpapadala ng mga misyunerong pari ng Archdiocese of Caceres sa iba’t ibang lugar ay isang paraan ng aktibong pagpapasalamat sa biyaya ng pananampalataya na ipinagkaloob ng Panginoon.

Ito ang ibinahagi ni Rev. Fr. Gerome Pelagio – Mission Director ng arkidiyosesis kaugnay sa ika-25 anibersaryo ng Caceres Mission Aid Program na nangangasiwa sa pagpapadala ng mga misyunerong lingkod ng Simbahan ng arkidiyosesis sa iba’t ibang lugar.

Ayon sa Pari, ang programa ay isa ring aktibong pagtugon ng Arkidiyosesis ng Caceres sa misyon na iniatang ng Panginoon na patuloy na palaganapin ang Mabuting Balita sa mas nakararami.

Sinabi ni Fr. Pelagio na hindi lamang natatapos ang pagmimisyon ng mga pari sa pagbabahagi ng Ebanghelyo dahil makabuluhan rin ang kanilang mga karanasan at mga natutunan mula sa mga bagong nakikilala at nakakasalamuha.

“The archdiocese sends priests as an expression of gratitude for the gift of faith. This is part the mission cooperation of the universal church. The diocesan missionary priests help in the evangelization but they are also helped in their ongoing formation.” mensahe ni Fr. sa Radio Veritas.

Ibinahagi ng Pari na simula taong 1992 ay aktibo na ang arkidiyosesis sa pagpapadala ng mga misyunerong pari sa iba’t ibang lugar at ganap na naisapormal noong May 27, 1997 ng itatag ni dating Caceres Archbishop na si Leonardo Legaspi, OP ang Caceres Mission Aid Program.

“It was on May 27, 1997, 25years ago, during a monthly assembly of priests, when Most Rev. Leonardo Legazpi, O.P., D.D., and 79 priests voted to formalize our sending of priests which had started in 1992 and called this the Caceres Mission Aid Program.” Dagdag pa ni Fr. Pelagio.

Batay sa tala ng Caceres Mission Aid Program, may kabuuang 96 na mga misyunerong Pari ang nasa misyon sa iba’t ibang lugar kung saan 24 sa mga ito ang nasa iba’t ibang diyosesis sa Pilipinas habang 72 sa iba’t ibang bansa na kinabibilangan ng Archdiocese of Castries, Saint Lucia, Archdiocese of Wellington and Diocese of Christchurch in New Zealand; Dioceses of Regina, Canada; Hsinchu, Taiwan; Pagopago, American Samoa; Dioceses of Green Bay; Greensburg; Ogdensburg; Phoenix; Reno, at Richmond, U.S.A.

Unang inihayag ni Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona na hindi karagdagang tungkulin ang pagiging misyunero ng Simbahan.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 5,591 total reads

 5,591 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 30,217 total reads

 30,217 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 70,776 total reads

 70,776 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 97,258 total reads

 97,258 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 145,524 total reads

 145,524 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 166,240 total reads

 166,240 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 5,593 total reads

 5,593 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

Mga Pari, mensahero ni kristo

 9,210 total reads

 9,210 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »
Scroll to Top