Philippine Rural Development Project, tatapusin ng Department of Agriculture

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,072 total reads

Tuloy ang development projects ng Department of Agriculture para sa mga agricultural workers.

Ito ang tiniyak ni Shandy Hubilla, Deputy Director ng- DA-Philippine Rural Development Project (DA-PRDP) maging sa pagpalit ng bagong administrasyon.

Layunin ng PRDP na gumawa ng mga imprastraktura, proyekto at inisyatibo na tutulong sa mga magsasaka’, mangingisda na mapadali ang pagpapadala ng kanilang mga produkto sa mga pamilihan.

“Ang maganda po ang ating pinanggagalingan ay loan agreement so yung loan agreement po natin ay parang treaty, so regardless po kung sino po yung maging pangulo natin, in this case presumptive president Bong-Bong Marcos ay tuloy-tuloy po,” ayon kay Hubilla.

Ayon kay Hubilla, kahit pa sa pagpapalit ng administrasyon ay magpapatuloy parin ang mga nakalinyang proyekto ng PRDP hanggang 2024 dahil ito ang napagkasunduan ng World Bank at pamahalaan ng Pilipinas.

2013 ng magsimula ang PRDP sa 79-na lalawigan sa buong bansa na ginagamit ang loan mula sa World Bank.

Ibinahagi ni Hubilla na umaabot na 968-thousand agri-workers mula sa kanayunan ang naging benepisyaryo ng proyekto kung saan kanilang natanggap ang ibat-ibang uri ng tulong katulad ng mga bagong kagamitan, irigasyon sa tanimang lupa at mas pinadaling deliveries ng kanilang mga ani o produkto sa merkado.

Gayunman, inihayag ng Philippine Statistic Administration (PSA), Bayanihan sa Agrikultura,Federation of Free Farmers, Alyansa sa Agrikultura, Coalition for Agriculture and Modernization in the Philippines na ang agri-fisheries ng sector ang pinakamahirap na sector sa bansa.

Ang sector ay kumakatawan sa 30-porsiyento ng labor force sa bansa na umaabot sa 10-milyon ngunit 10.2 percent lamang ang kontribusyon sa gross domestic product (GDP).

Unang ipinabatid ng Kaniyang Kabanalang Francisco ang kahalagahan ng gawain ng mga magsasaka at mangingisda sa buong mundo dahil sila ang producer ng mga pagkain.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 32,953 total reads

 32,953 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 113,525 total reads

 113,525 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 146,973 total reads

 146,973 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 182,272 total reads

 182,272 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 407,551 total reads

 407,551 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top