VeritasPH

The Word, The Truth

Panunumbalik ng open-pit mining ban sa South Cotabato, panalangin ng Obispo

SHARE THE TRUTH

 487 total views

Umapela ng pananalangin at pag-aayuno si Marbel Bishop Cerilo Casicas upang mabigyan ng kalinawan ng pag-iisip ang mga lokal na pinuno ng South Cotabato sa panganib ng open-pit mining sa lalawigan.

Sa inilabas na pastoral letter ni Bishop Casicas, hinikayat nito ang mananampalataya na makibahagi sa pagno-nobena para sa Banal na Espiritu hanggang Hunyo 4 kasabay ng paghahanda sa Solemnity of the Pentecost o Pentecost Sunday sa ika-5 ng Hunyo.

“As a family, let us storm heavens with our prayers, begging God to intervene and pour wisdom to the decision makers,” pahayag ni Bishop Casicas.

Hinimok ng Obispo ang bawat mananampalataya na usalin ang ‘Panalangin Para sa Ating Pagmamahal sa Nilikha’ sa bawat Banal na Misa gayundin ang paggamit nito sa pagsisimula at pagtatapos ng pang-araw-araw na gawain.

Inaanyayahan din ni Bishop Casicas ang mananampalataya na mag-ayuno bilang pagsisisi sa mga nagawang kasalanan sa paglabag sa karapatan ng kalikasan.

Ginawa ng Obispo ang panawagan matapos na pahintulutan ng Sangguniang Panlalawigan ng South Cotabato na tanggalin na ang 12 taong pagbabawal sa open-pit mining sa lugar.

Ang desisyong ito ang muling magpapahintulot sa malawakang operasyon ng pagmimina sa lalawigan, kabilang na ang $5.9 bilyong Tampakan copper-gold mining project ng Sagittarius Mines, Inc.

“The decision was deeply lamentable. We balk and fight for the welfare of our common home – the Earth! We fight for the people of South Cotabato and its neighboring Municipalities,” saad ni Bishop Casicas.

Ang Tampakan mining project ay itinuturing bilang isa sa “largest untapped copper-gold deposit” sa Southeast Asia at kabilang sa pinakamalaki sa buong mundo.

Inaasahang makakakuha dito ng tinatayang 375-libo toneladang tanso at 360-libong ginto taun-taon.

Maliban sa maidudulot na malaking pinsala sa kalikasan, lubha ring maaapektuhan ng mining projects ang higit sa 1,000 mga katutubong nanganganib na paalisin sa kanilang mga katutubong lupain.

PANALANGIN PARA SA ATING PAGMAMAHAL SA NILIKHA

Diyos na lumikha,

Tinawag mo kami upang magkaroon ng mapagmahal na relasyon sa buong Mundo, mamuhay nang may paggalang sa paglikha, sa pagpili ng pag-ibig at paghanap ng katarungan sa lahat ng oras.

Sa halip, ang sangkatauhan ay namuhay sa mapoot na paraan, sa pagsasamantala sa likas na yaman, sa pagpili ng kapangyarihan at paghahanap ng kayamanan sa kasalukuyan bagkus paghandaan ang kasaganaan para sa kinabukasan. Kailangan namin ang iyong tulong upang lumaban para sa ikagaganda ng aming kinabukasan!

Tulungan mo kaming gisingin muli ang aming pagmamahal sa lyong napakagandang nilikha na kami, sampu ng aming pagkamalikhain at kaalaman, kailanman ay di namin ito maipapaliwanag.

Liwanagan Nyo po ang kaisipan ng aming mga mambabatas at mga opisyal ng gobyerno upang maisasalarawan nila ang panawagan ng Ebanghelyo at upang mapanatili ang buhay at kultura kahit ano pa man ang mangyari.

Bigyan N’yo din po ng karunungan ang aming mga pinuno upang sama-sama kaming makalikha ng isang mapagpatuloy at tapat na tugon sa napipintong krisis sa klima ng mundo.

Para sa kapakanan ng iyong marilag na nilikha, at para sa aming pagmamahal sa lahat ng relasyon,
tulungan mo kaming lumaban para sa ikagaganda ng aming kinabukasan.

Ito ang aming hiling sa pangalan ng lyong Anak, sa pagkakaisa ng Espiritu Santo, Diyos magpakailanman.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kalidad ng pagtuturo

 6,288 total views

 6,288 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 13,824 total views

 13,824 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 29,810 total views

 29,810 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 37,855 total views

 37,855 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 42,935 total views

 42,935 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Michael Añonuevo

Mananampalataya, hinikayat na makibahagi sa kapistahan ni San Kamilo de Lellis

 1,710 total views

 1,710 total views Inaanyayahan ng Camillian Philippine Province ang mga mananampalataya na makibahagi sa pagdiriwang ng kapistahan ni San Kamilo de Lellis. Dalangin ni Camillian Philippines Provincial Vicar, Fr. Dan Cancino, MI na ang kabanalan ni San Kamilo nawa’y mag-akay sa lahat ng mga naghihirap dulot ng iniindang mga karamdaman patungo sa kagalingan at pag-asang hatid

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Mamamayan, pinaalalahanan ng NFP na kumain ng masustansiyang pagkain

 2,838 total views

 2,838 total views Pinaalalahanan ng Nutrition Foundation of the Philippines (NFP) ang mamamayan na sikaping kumain ng sapat, balanse, at masustansiyang pagkain araw-araw. Ayon kay NFP Board Secretary, Nutritionist and Dietitian Rhea Benevides-de Leon, mahalaga ang pagkakaroon ng sapat na dami at wastong kombinasyon ng mga pagkain upang magkaroon ng malusog na pangangatawan. Ibinahagi ni de

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Filipino parents, hinimok ng CBCP na bigyan ng sapat na nutrisyon ang mga bata

 3,513 total views

 3,513 total views Hinimok ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care ang mga magulang na pagtuunan ang pagbibigay ng sapat na nutrisyon sa mga bata. Ayon kay CBCP-ECHC executive secretary, Camillian Father Rodolfo Vicente “Dan” Cancino, mahalagang sa tahanan pa lamang ay nauumpisahan na ang pagbibigay at pagkakaroon ng kaalaman hinggil sa

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Mananampalataya, hinimok ni Cardinal Advincula na maging saksi ni Kristo

 2,951 total views

 2,951 total views Pinaalalahanan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga mananampalataya na maging kasangkapan sa pagpapadaloy ng biyaya at pagpapatotoo kay Kristo. Sa pagninilay para sa solemn declaration ng Minor Basilica and Parish of St. John the Baptist sa Taytay, Rizal nitong Hulyo 9, hinimok ni Cardinal Advincula ang bawat isa na

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Parish of St.John the Baptist, ideklarang minor basilica

 3,264 total views

 3,264 total views Isabuhay at ipalaganap ang pagiging mapagpakumbaba katulad ni San Juan Bautista. Ito ang bahagi ng welcome message ni Antipolo Bishop Ruperto Santos para sa solemn declaration ng Minor Basilica and Parish of St. John the Baptist sa Taytay, Rizal. Ayon kay Bishop Santos, ang pagtataas sa Parokya ng San Juan Bautista bilang basilika

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Masungi Georeserve, hindi itinayo upang pagkakakitaan

 6,975 total views

 6,975 total views Nilinaw ng Masungi Georeserve Foundation, Inc. (MGFI) na hindi itinayo ang Masungi Georeserve upang pagkakitaan at magsilbing lugar-libangan. Ito ang tugon ng institusyon sa pahayag ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na nagsasaad na ang mga gawain sa loob ng Masungi Georeserve ay maituturing na labag sa batas. Ayon sa MGFI,

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Aktor na si Leonardo Di Caprio, nananawagang pangalagaan ang Masungi Geopark

 7,526 total views

 7,526 total views Nakikiisa si Hollywood actor at environmental activist Leonardo DiCaprio sa panawagang pangalagaan ang Masungi Geopark Project laban sa mga mapaminsalang pag-unlad na nakakaapekto sa itinuturing na protected area. Sa instagram post, hinikayat ni DiCaprio si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na kumilos upang mapaigting at maipagpatuloy ang hangaring mapangalagaan Masungi Geopark laban sa mga

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Mamamayan, pinag-iingat ng CBCP sa tag-ulan

 7,803 total views

 7,803 total views Muling hinikayat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care ang publiko na panatilihin ang kalinisan ng kapaligiran ngayong tag-ulan. Ayon kay CBCP-ECHC executive secretary, Camillian Fr. Rodolfo Vicente “Dan” Cancino, na ngayong tag-ulan ay inaasahan na rin ang unti-unting pagpasok ng La Niña Phenomenon kung saan higit na mararanasan

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Tularan si Apostol San Pedro at San Pablo,hamon sa mga mananampalataya

 6,846 total views

 6,846 total views Hinamon ng kura paroko ng Sts. Peter and Paul Parish, Poblacion, Makati City ang bawat isa na patatagin ang pananampalataya katulad ng ipinahayag nina Apostol San Pedro at San Pablo bilang mga tagasunod ni Kristo. Ayon kay Fr. Kristoffer Habal, ang bawat isa ay inaanyayahan na higit pang palalimin ang pananampalataya sapagkat ito

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Kaligtasan ng mga bata sa nakakalasong kemikal, pinatutukan ng BAN Toxics

 14,759 total views

 14,759 total views Pinatutukan ng BAN Toxics ang kaligtasan ng mga bata mula sa mga nakalalasong kemikal kasabay ng pagdiriwang sa National Poison Prevention Week 2024. Ayon kay BAN Toxics advocacy and campaign officer Thony Dizon, mahalagang magsimula sa mga tahanan at paaralan ang pangangalaga sa mga bata upang maiwasan ang pagkakalantad sa mga mapanganib na

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Social action ministers, hinimok ng CBCP na ire-orient ang priorities

 17,938 total views

 17,938 total views Hinimok ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang social action ministers na ituon ang pansin sa pagbabago ng lipunan kaakibat ang mga gawaing pagtulong at pag-unlad ng pamayanan. Ayon kay CBCP president, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, kabilang dito ang mga programa at inisyatibo para sa pulitika, ekonomiya, at kultura. Ginawa ni

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Love is the hallmark of what being a Christian-Bishop Bagaforo

 17,974 total views

 17,974 total views Binigyang-diin ni Caritas Philippines President Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ang kahalagahan ng pag-ibig at habag bilang katangian ng pagiging mabuting Kristiyano. Sa Banal na Misa para sa ikalawang araw ng 41st National Social Action General Assembly (NASAGA) sa Jaro, Iloilo, ibinahagi ni Bishop Bagaforo na pangunahing tanda ng pagiging tagasunod ni Kristo

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Pagtataglay ng binhi ng pananampalataya, pag-ibig at katarungan,panalangin ng Obispo sa bawat kristiyano

 21,252 total views

 21,252 total views Umaasa si Jaro Archbishop Jose Romeo Lazo na ang bawat binyagang kristiyano ay nagtataglay ng binhi ng pananampalataya, pag-ibig, at katarungan sa kanyang puso. Ayon kay Archbishop Lazo, ang binhing ito’y kailangang lumago upang patuloy na maisabuhay at maipalaganap sa bawat pamayanan tungo sa pagkakaroon ng maayos at mapayapang lipunan. Ang pagninilay ng

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Magkaroon ng social responsibility ang mga Pilipino, misyon ng ika-41 NASAGA

 21,021 total views

 21,021 total views Umaasa si Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na magdulot ng positibong epekto sa mamamayan ang mga pinagtitibay na layunin ng social, advocacy, at development arm ng simbahan para sa kaayusan ng lipunan. Ayon kay Bishop Bagaforo, nais ng simbahan na maipalaganap ang pananagutang panlipunan upang higit na maunawaan at makaangkop

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Diocesan Social Action Centers, magtitipon sa Iloilo

 19,612 total views

 19,612 total views Muling magtitipon-tipon ang mga kinatawan mula sa 85-diocesan social action centers (DSACs) sa bansa upang talakayin ang iba’t ibang usapin at programa sa mga kinasasakupan. Ito ang 41st National Social Action General Assembly (NASAGA) ng Caritas Philippines, na isasagawa mula June 17-21, 2024 sa Jaro, Iloilo City. Ang Jaro Archdiocesan Social Action Center

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top