Muling pagpapaliban sa Barangay at SK election, kinundena ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,416 total reads

Kinundena ng social action arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang planong muling pagpapaliban sa nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Disyembre 5, 2022.

Ayon kay Caritas Philippines national director Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang muling pagpapaliban ng halalang pambarangay sa ikatlong pagkakataon mula noong 2016 ay maituturing na pagsasawalang bahala sa kahalagahan at tungkuling ginagampanan ng mga opisyal ng barangay.

“Pushing back the barangay and SK elections for the third time since 2016 reflects how our national political leaders undermine the importance of barangay level politics in the exercise of our democratic rights,” Bishop Bagaforo.

Ipinaliwanag ni Bishop Bagaforo na hindi dapat pigilin ng pamahalaan ang pagsasakatuparan ng halalang pambarangay na nasasaad sa batas.

Iginiit ng Obispo na mahalaga ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sapagkat mayroon itong direktang epekto sa buhay ng bawat mamamayan.

“It is not right for the government to suppress electoral processes, especially that the barangay and Sangguniang Kabataan elections are seen as the most accessible and organic form of citizen’s engagement in public service and governance,” dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Samantala binigyang diin naman ni Rev. Fr. Tony Labiao, executive secretary ng Caritas Philippines na bagamat mahalagang matutukan ang patuloy na patugon sa krisis na dulot ng COVID-19 pandemic ay hindi ito dapat maging dahilan upang maisantabi ang isa sa pinakamahalagang karapatan ng mamamayan sa isang demokratikong bansa .

Nanindigan ang Pari na hindi sapat na dahilan ang planong paglalaan ng 8-bilyong pisong pondo para sa halalang pambarangay sa COVID-19 response.

“Different government agencies still allocated funds for the ongoing COVID-19 response. And we know how even the Department of Health was not able to fully expend its budget last year. Thus, like in any other organization, our government needs to step up its game to ensure good planning and better execution, and not to use this as a lame excuse to postpone the December elections,” paliwanag ni Fr. Labiao.

Unang nanawagan ang Legal Network for Truthful Elections (LENTE) na dapat na tupdin ng pamahalaan ang nasasaad na batas sa Republic Act 11462 na pagsasagawa ng Barangay at SK Election tuwing unang Lunes ng Disyembre kada tatlong taon kung saan

Batay sa datos ng National Statistical Coordination Board (NSCB), aabot sa mahigit 42,000 ang kabuuang bilang ng mga barangay sa Pilipinas.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 4,237 total reads

 4,237 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 28,191 total reads

 28,191 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 68,751 total reads

 68,751 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 95,335 total reads

 95,335 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 143,601 total reads

 143,601 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 164,403 total reads

 164,403 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 4,239 total reads

 4,239 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

Mga Pari, mensahero ni kristo

 8,915 total reads

 8,915 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »
Scroll to Top