Tuguegarao City, COVID free na

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 853 total reads

Ikinatuwa ng Archdiocese ng Tuguegarao ang pagiging COVID-19 free ng Tuguegarao City makalipas ang dalawang taon ng pandemya.

Ayon kay Fr. Andy Semana, social action director ng arkidiyosesis, dapat ipagpasalamat sa Panginoon na unti-unti nang bumubuti ang kalagayan hindi lamang ng lungsod, kun’di ng buong bansa mula sa epekto ng pandemya.

“Salamat sa Panginoong Diyos dahil COVID-19 free na tayo. Pero kailangan pa rin nating mag-ingat at siguro magagawa natin ito sa pamumuhay ng malinis,” pahayag ni Fr. Semana sa panayam ng Radio Veritas.

Batid ngayong panahon ng pandemya ang paglulunsad ng iba’t ibang programa partikular na sa kalinisan ng kapaligiran upang mapanatili ang kaligtasan ng tao laban sa iba’t ibang karamdaman.

Iginiit ni Fr. Semana na ang mga programang katulad nito ay hindi lamang manatili ngayong pandemya bagkus ay isabuhay at ipalaganap sa kapwa at komunidad

“Ang programang pangkalinisan ay hindi lamang ‘pag may pandemya. Kailangang isabuhay ito at maging way of life upang sa ganon maging masigla ang bawat isa at ang sambayanan,” ayon kay Fr. Semana.

Batay sa ulat ng Tuguegarao City Health Office na sa nakalipas na dalawang taon ng pandemya ay nakapagtala ang lungsod ng kabuuang 18,750 na kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Sa nasabing bilang, 606 dito ang bilang ng mga nasawi habang 18,144 naman ang mga gumaling.

Sa kabila ng zero record, hinimok ng City Health Office ang mga residente na ipagpatuloy ang pagsunod sa minimum health protocols at pagpapabakuna laban sa virus dahil ang lungsod ay nananatili pa rin sa Alert Level 1 status.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 21,440 total reads

 21,440 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 105,850 total reads

 105,850 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 200,181 total reads

 200,181 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 261,867 total reads

 261,867 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 306,541 total reads

 306,541 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 210,132 total reads

 210,132 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top