Pag-ibig sa paglisan

SHARE THE TRUTH

 274 total views

Habang tayo ay nagbulay-bulay sa pagpapala at biyaya ng bawat paglisan noong kamakalawang araw, noon din naman nag-trending sa social media ang hiwalayan ng mag-asawang Jason Hernandez at Moira dela Torre, dalawang sikat daw na mga mang-aawit na ni hindi ko alam ni kilala.

Sumabay din naman kinagabihan ding iyon ang desisyon ng korte pagkaraan ng anim na linggong hearing na sinubaybayan ng marami sa social media (ako po hindi) ang demandahan ng mas sikat na mga taga-Hollywood at dating mag-asawa na Johnny Depp at Amber Heard. Magandang pagkakataon ang dalawang naturang balitang showbiz upang suriin nating mabuti ating mga ugnayan o relationships at tingnan nasaan na nga ba ang pag-ibig sa isa’t isa.

Gaya ng ating napag-nilayan noong Miyerkules, ang bawat paglisan ay biyaya at pagpapala sa kapwa umaalis at naiiwan kapag ang pagpapasiyang lumisan ay napagnilayan at napagdasalang mabuti.

At higit na lumalalim ang ugnayan ng isa’t-isa at pag-ibig sa bawat paglisan kapag ito ay humahantong sa wakas ng buhay at kamatayan.

Kaya ang aking tanong na bunsod ng awit ni Bb. Cookie Chua noong dekada 90, sa bawat paglisan, sino nga ba ang may higit na pag-ibig, ang umaalis o naiiwan?

Larawan kuha ni Bb. Jing Rey Henderson sa Taroytoy, Aklan noong ika-30 ng Abril, 2022.

Palagi ko sinasabi sa bawat kinakasal ko na hindi paligsahan ang pag-ibig. Sino mang mayroong higit na pag-ibig, siyang dapat magmahal nang magmahal, umunawa at magpatawad, unang kumibo at bumati sakaling sila ay may di-pagkakasundo o tampuhan.

Hindi rin paligsahan sa pag-ibig ang aking nais mabatid sa aking naturang tanong kungdi ito’y sumagitsit sa aking puso at isip noong ilibing ng Martes kapatid ng yumao kong kaibigan.

Unang pumanaw noong Enero si Ate Priscilla sa sakit na kanser. Simple at tahimik na nakaibigan ko siya sa dati kong parokya na pinaglingkuran. Apat silang magkakapatid na mga dalaga na iniukol ang mga sarili sa mga pamangkin at simbahan. Nitong pagpasok ng 2022, nagkasakit si Ate Illa at ako pa ang nagkumbinsi sa kanyang pumasok na sa pagamutan kasi, ayaw niyang mahirapan sa pag-aalaga sa kanya at sa gastusin ang mga kapatid.

Kuha namin noong Enero 01, 2022 nang dumalaw sa akin si Ate Illa at mga kapatid. Hindi kasama si Ditseng Baby.

Ngunit huli na pala ang lahat.

Biglang lumala kanyang kalagayan at binawian ng buhay pagkaraan ng dalawang araw sa ospital. Noong kanyang lamay, palaging sinasabi ng nakababata niyang kapatid, si Ditseng Baby, na siya man ay ayaw nang pahirapan mga kapatid niya sa kanyang pagkakasakit din ng kanser. Halos magkasunod silang nagkaroon ng kanser bago mag-COVID pandemic. Hindi nga nagtagal, noong ika-27 ng Mayo, biglang inatake sa bahay si Ditseng Baby at pumanaw.

Kaya ako ay bumalik sa kanilang tahanan at simbahan upang siya naman ang Misahan at ihatid sa huling hantungan kamakailan.

Isa na namang paglisan na biglaan ngunit napaghandaan ng mga pumanaw.

Hindi naman natakot ang magkapatid na Ate Illa at Ditseng Baby sa buhay at kamatayan; katunayan sa aking pananaw, buong tapang nilang hinarap lalo ang kamatayan. Mas mahirap sa may katawan siguro ang maramdaman na ikaw ay papanaw at buong tapang itong tanggapin at sabihin.

Larawan kuha ni Dr. Mylene A. Santos, MD, 2021.

Biyaya pa rin ng Diyos ang magkaroon ng gayong lakas ng loob sa gitna ng panghihina ng katawan. At ang pangunahing biyaya na binubuhos ng Diyos sa isang lumilisan ay pag-ibig, lalo na kung ito ay hahantong sa kamatayan. Pag-ibig ang dahilan kaya ayaw na nilang mahirapan pa mga kapatid nila sa pag-aalaga at gastusin kahit mayroon silang kakayahang magpagamot. Pag-ibig hanggang sa huling sandali ang kanilang handog at ibinahagi sa lahat.

Kaya nga kapag mayroong isang taong lumilisan – pansamantala man tulad ng pangingibang- bayan o panghabang-buhay tulad ng mga naghahabilin sa banig ng karadaman – higit ang kanilang pag-ibig na binibigay sa mga naiiwan o nauulila.

Mas marami silang pabaon na pag-ibig sa mga naiiwan kung titingnan.

"Kung ang buhay ay isang umagang nakangiti
At ikaw ay ang lupang sinusuyo ng bituin
Di mo man silip ang langit
Di mo man silip, ito'y nandirito pa rin

Kung ang lahat ay may katapusan
Itong paglalakbay ay makakarating din sa paroroonan
At sa iyong paglisan, ang tanging pabaon ko
Ay pag-ibig"
- Bb. Cookie Chua ng Color It Red, "Paglisan"
Larawan kuha ng may-akda sa Sacred Heart Novitiate, Novaliches, QC, 2016.

Sino man ang magpasyang lumisan batay sa maka-Diyos na pamantayan at konsiderasyon, nakatitiyak ako siya ang mayroong higit na pag-ibig dahil handa siyang iwanan ang lahat para sa mga minamahal.

Pang-apat sa walong pagpapala o beatitudes na ipinahayag ni Hesus sa kanyang sermon sa bundok ay mayroong kinalaman sa paglisan:

“Pinagpala ang mga nagdadalamhati, sapagkat aaliwin sila ng Diyos.”

Mateo 5:4

Kapag mayroon umaalis, tayo ay nagdadalamhati, lumuluha kasi masakit ang maiwan, pansamantala man o pangmagpakailanman.

Nasaan ang pagpapalang sinasabi ni Hesus kung tayo ay lumuluha, nagdadalamhati dahil naiwan ng isang lumisan o pumanaw?

Naroon sa pag-ibig!

Pinagpala ang mga nagdadalamahati kasi mayroon silang pagmamahal, sila’y nagmamahal kaya lumuluha sa lumisan na kamag-anak o kaibigan; subalit, higit ang kanilang pagpapala dahil sila ay minahal ng lumisan!

Higit pa rin ang pag-ibig ng lumilisan kung tutuusin.

Kaya tayong naiiwan ay umiiyak, nasasaktan.

Subalit, lahat ng kalungkutan ating mararanasan sa paglisan ay pagbabadya ng higit na tuwa at kagalakan. Wika din ni Hesus sa kanyang mga alagad noong Huling Hapunan nila na mas mabuti na siya ay lumisan upang sa gayon ay maisugo niya ang Patnubay o Espiritu Santo (Jn. 16:7).

Gaya ng ating napagnilayan noong Miyerkules, ito yung ikalawang mahalagang bagay dapat nating pakaisipin sa pagpapasya kung tayo ay mananatili o lilisan: ang ating kaganapan at paglago ng katauhan (https://lordmychef.com/2022/06/01/pagpapala-sa-paglisan/).

Muli, ating makikita ang higit na pag-ibig na bigay pa rin ng lumilisan dahil sa bawat pag-alis, naroon din ang pagkakataong lumago ang katauhan ng naiiwan gaya ng lumilisan.

Larawan kuha ng may-akda sa Bolinao, Pangasinan, ika-19 ng Abril 2022.

Ganyan ang paraan paanong lumago ating pananampalatayang Kristiyano dahil sa paglisan ni Hesus, lalong nag-ibayo sa pagmamahal at pagsusumakit ang kanyang mga naiwan sa pagpapahayag sa salita at gawa ng ipinadama niyang pag-ibig para sa ating kaligtasang lahat.

Dahil sa pag-ibig na iyan ni Hesus, naging pagpapala ang bawat paglisan dahil hindi na lamang ito pagtungo sa isang dakong malayo kungdi pagpasok sa panibagong antas ng ugnayan. Wika nga ng mga kabataan, level up ang ating mga relationships.

Sa bawat paglisan, hindi tayo nababawasan o nawawalan kapag pag-ibig ang dahilan nito.

Kaya sana, ngayon pa lamang atin nang pakaingatan at pahalagahan bawat isa upang bawat paglisan ay maging makabuluhan. Nawa sa ating paglisan, bantayan at pagpalain tayo ng Diyos palagi. Mizpah (Gen.31:49)!

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 51,238 total views

 51,238 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 56,656 total views

 56,656 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 63,363 total views

 63,363 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 78,156 total views

 78,156 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 84,312 total views

 84,312 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

When we “miss communication”

 2,496 total views

 2,496 total views The Lord Is My Chef Easter Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Wednesday in the Sixth Week of Easter, 08 May 2024 Acts 17:15, 22-18:1 <*((((>< + ><))))*> John 16:12-15 Photo by Ekaterina Belinskaya on Pexels.com Your words today, Lord Jesus remind us in the most amusing way our state

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

What “joins” us?

 2,496 total views

 2,496 total views The Lord Is My Chef Easter Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Tuesday in the Sixth Week of Easter, 07 May 2024 Acts 16:22-34 <*((((>< + ><))))*> John 16:5-11 Photo by author, Sacred Heart Novitiate, Novaliches, QC, March 2023. The crowd in Philippi joined in the attack on Paul and Silas,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

God bless all women!

 2,496 total views

 2,496 total views The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Monday in the Sixth Week of Easter Season, 06 May 2024 Acts 16:11-15 ><]]]]’> + ><]]]]’> + ><]]]]’> John 15:26-16:4 Photo by author, Our Lady of the Poor (also of Banneaux), Sacred Heart Novitiate, 20 March 2024.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Love in every turn

 3,399 total views

 3,399 total views The Lord Is My Chef Easter Recipe by Fr. Nicanor F. Lalog II Sixth Sunday in the Easter Season, Cycle B, 05 May 2024 Acts 10:25-26, 34-35, 44-48 ><}}}*> 1 John 4:7-10 ><}}}*> John 15:9-17 Photo by author, Sacred Heart Novitiate, Novaliches, QC, 22 March 2023. Imagine that beautiful imagery of Jesus last

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Jesus appeared

 4,035 total views

 4,035 total views The Lord Is My Chef Easter Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Friday, Feast of Sts. Philip & James, Apostles, 03 May 2024 1 Corinthians 15:1-8 ><}}}}*> Psalms 19:2-3, 4-5 ><}}}}*> John 14:6-14 Photo by author, Sacred Heart Novitiate, Novaliches, QC, 20 March 2024. Thank You, dear Jesus in

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Silence…silence.

 4,035 total views

 4,035 total views The Lord Is My Chef Easter Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Thursday, Memorial of St. Athanasius, Bishop & Doctor of the Church, 02 May 2024 Acts 15:7-21 ><}}}}*> Psalm 96:1-2, 2-3, 10 ><}}}}*> John 15:9-11 Photo by Paco Montoya on Pexels.com Your words today, Lord Jesus, are so dramatic

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Family life is sacred

 4,034 total views

 4,034 total views The Lord Is My Chef Easter Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Wednesday, Memorial of St. Joseph the Worker, 01 May 2024 Colossians 3:14-15, 17, 23-24 >>> + <<< Matthew 13:54-58 “Childhood of Christ” painting by Gerard von Honthorst, franciscanmedia.org. Praise and glory to You, God our Father in

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Strengthening others

 5,099 total views

 5,099 total views The Lord Is My Chef Easter Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Tuesday in the Fifth Week of Easter, 30 April 2024 Acts 14:19-28 <*((((>< + ><))))*> John 14:27-31 Photo by Fr. Pop Dela Cruz, Binuangan Island, Obanda, Bulacan, 2021. Your words today, O Lord Jesus, are very comforting

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

The nearness of God

 5,098 total views

 5,098 total views The Lord Is My Chef Easter Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Monday in the Fifth Week of Easter, 29 April 2024 Acts 14:5-18 ><))))*> + ><))))*> + ><))))*> John 14:21-26 Photo by author, San Juan, La Union, July 2023. Like the Apostle Jude, I have always wanted to

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Remaining in Christ

 5,098 total views

 5,098 total views The Lord Is My Chef Easter Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Fifth Sunday in the Easter Season, Cycle B, 28 April 2024 Acts 9:26-31 ><}}}}*> 1 John 3:18-24 ><}}}}*> John 15:1-8 Photo by picjumbo.com on Pexels.com From the Good Shepherd last Sunday, Jesus today declares himself as the “true

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Failure & Faith

 6,259 total views

 6,259 total views The Lord Is My Chef Easter Recipe by Fr. Nicanor F. Lalog II Friday in the Fourth Week of Easter, 26 April 2024 Acts 13:26-33 ><]]]]’> + ><]]]]]’> + ><]]]]’> John 14:1-6 Photo by author, Anvaya Cove, 15 April 2024. When Paul came to Antioch in Pisidia, he said in the synagogue: “My

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Clothed in humility

 6,259 total views

 6,259 total views The Lord Is My Chef Easter Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Feast of St. Mark, Evangelist, 25 April 2024 1 Peter 5:5-14 ><}}}}*> + ><}}}}*> + ><}}}}*> Mark 16:15-20 “Judas Betrays Jesus With A Kiss”, painting by Russian Pavel Popov from arthive.com; notice young man fleeing from the

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Set apart…

 6,257 total views

 6,257 total views The Lord Is My Chef Easter Recipe by Fr. Nicanor F. Lalog II Wednesday in the Fourth Week of Easter, 24 April 2024 Acts 12:24-13:5 <*((((>< + ><))))*> John 12:44-50 Photo by author, Anvaya Cove, 15 April 2024. It was You, dear God, who started that beautiful process of “setting apart” day from

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

To look for…

 7,328 total views

 7,328 total views The Lord Is My Chef Easter Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Tuesday in the Fourth Week of Easter, 23 April 2024 Acts 11:19-26 ><}}}}*> + ><}}}}*> + ><}}}}*> John 10:22-30 Photo by Dra. Mylene A. Santos, MD, July 2020 in Katmon Nature Sanctuary & Beach Resort, Infanta, Quezon.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Objections…

 7,328 total views

 7,328 total views The Lord Is My Chef Easter Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Monday in the Fourth Week of Easter, 22 April 2024 Acts 11:1-18 ><))))*> + ><))))*> + ><))))*> John 10:1-10 Photo by author in Silang, Cavite, September 2020. Lord Jesus Christ, as we go back to school and

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top