Pagbuwag sa rally ng mga katutubo, hindi makatao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 568 total reads

Hindi naaangkop ang ginawang hakbang ng mga otoridad sa mga Moro at Lumad na nagprotesta sa harap ng US Embassy sa Maynila kahapon.

iginiit ni Caloocan Bishop Emeritus Deogracias Iniguez – chairman ng Ecumenical Bishops Forum na hindi makatao at asal hayop ang paggamit ng dahas ng mga otoridad sa nagpoprotestang mga katutubo na gusto lamang ipaabot ang mga hinaing sa pamahalaan.

Binigyan diin ng Obispo na dapat na respetuhin at kilalanin ang mga katutubo bilang kapwa Filipino na nararapat maging bahagi ng mga programa ng pag-unlad.

“Ito ay isang malungkot na reaksyon ng ating pamahalaan o nung mga nasa likod nitong dahilan kung bakit ang ating mga katutubo ay nakaranas ng kapahamakan pero sana ay ating makilala na ang mga katutubo ay mga kasamahan natin sa ating bansa at sila rin ay mayroon mga karapatan at sila rin ay dapat nating sikapin na mapasama sa kabutihan na dapat na tamasahin natin na sama-sama at ito sa paglilingkod ng ating pamahalaan…”pahayag ni Bishop Iniguez sa Radio Veritas.

Naunang tiniyak ni PNP Spokesperson Police Senior Superintendent Dionardo Carlos ang masusing imbestigasyon at pagpapanagot sa sinumang mapapatunayang may sala sa naging marahas na dispersal.

29 sa mga nagprotestang katutubo ang inaresto ng Manila Police District (MPD) habang nasa 50 naman ang sugatan sa naganap na pananagasa ng isang police mobile.

Ayon sa PNP nasa kustodiya na ng NCRPO si PO3 Franklin Kho na siyang nagmamaneho sa naturang sasakyan.

Samantala, binigyang diin nga ng Kanyang Kabanalan Francisco sa kanyang Encyclical na Laudato Si ang pagbibigay ng malaking pagpapahalaga sa mga katutubo na syang pangunahing tagapangalaga ng kapaligiran.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 17,418 total reads

 17,418 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 104,466 total reads

 104,466 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 151,205 total reads

 151,205 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 199,077 total reads

 199,077 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 302,244 total reads

 302,244 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top