Simbahan, umaapela ng dasal at tulong sa mga biktima ng bagyong Karen at Lawin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 455 total views

Nanawagan ng pagtulong sa mga nasalanta ng Super Typhoon Lawin sa Hilagang Luzon si Caloocan Bishop Emeritus Deogracias Iniguez –Chairman ng Ecumenical Bishops Forum.

Hinimok ng Obispo ang mga mamamayan na makibahagi sa pananalangin para sa kalakasan at muling pagbangon ng mga naapektuhan ng magkasunod na bagyong Karen at Lawin sa Hilagang Luzon.

Bukod dito, nagpaabot rin ng pakikiisa at panalangin si Bishop Iniguez sa mga nasalanta ng bagyo at binigyang diin ang kahalagahan ng patuloy na pananampalataya sa Panginoon sa kabila ng anumang pagsubok.

“Isa na namang bagyo ang sumalanta sa isang bahagi ng ating bansa, ito’y ating ikinalulungkot ngunit alam natin na ang Panginoon ay meron ding balak na maganda na naririto at sana ito ay manggayari kaya sa lahat ng mga nasalanta, ipinapaabot namin ang aming pakikiramay at nawa yung mga hindi nasalanta ay makiisa sa inyong kalagayan sa pananalangin at sa pagdadala ng anumang maitutulong nila para sa inyo sa katayuang ito, pero nawa manalig tayong lagi sa Panginoon na sa pagpapahintulot niya ng pangyayaring ito alam nating meron ding kabutihan na susunod”pahayag ni Bishop Iniguez sa Radio Veritas.

Sa inisyal na ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) tinatayang aabot sa 90-libong indibidwal ang naapektuhan ng super typhoon Lawin mula sa may 118-mga barangay sa mga lalawigan ng Ilocos, Cagayan, Gitnang Luzon, Bicol at Cordillera.

Tinatayang nasa higit 3,900 mga pamilya ang nawalan ng tahanan habang nasa 18-libo naman ang pansamantalang nananatili sa mga evacuation centers.

Sa tala ng PAGASA, ang Super Typhoon Lawin na ang ika-labing-dalawang bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility mula sa karaniwang higit 20-bagyo kada taon.

Sa kasalukuyan, inihahanda na ng Caritas Manila, Caritas Philippines, Quiapo church at iba pang church institutions ang tulong para sa mga naapektuhan ng magkasunod na bagyo sa Hilagang Luzon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 31,259 total views

 31,259 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 54,411 total views

 54,411 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 124,525 total views

 124,525 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 199,139 total views

 199,139 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 276,904 total views

 276,904 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Walang summer break kay Pope Leo XIV

 5,442 total views

 5,442 total views Bagama’t nasa panahon ng summer break ang Vatican, tiniyak ni Pontificio Collegio Filipino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na hindi nangangahulugang humihinto

Read More »
Scroll to Top