Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 403 total views

Kapanalig, kamusta na ba ang mga siyudad sa ating bansa? Sila ba ay mga kaaya-aya pang mga lugar sa iyo?

Ang Metro Manila, kapanalig, ay ang pinaka-malaking urban agglomeration sa ating bansa. Ang mega city na ito ay binubuo ng 17 local government units- 16 na siyudad at isang munisipalidad. Ang mga ito ay ang mga lungsod ng Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela, Quezon City, Marikina, Pasig, Taguig, Makati, Manila, Mandaluyong, San Juan, Pasay, Parañaque, Las Piñas, Muntinlupa, at ang munisipalidad ng Pateros. Karamihan sa mga siyudad na ito ay bumabaybay sa Ilog Pasig, kung saan sinasabi nagsimula ang mga naunang mga komunidad ng ating kinikilalang National Capital Region o NCR ngayon. Kaya nga ang Ilog Pasig ang sinasabing piping saksi sa makulay na kasaysayan ng ating kapital.

Ang Ilog Pasig din, kapanalig, ay sumasalamin sa pagbabagong pinagdaraanan ng Metro Manila. Noon, ang ilog na ito ay napakahalaga- ito ay nagbibigay pagkain, trabaho, pati na rin transportasyon sa mga residenteng pumapaligid doon. Ito rin ay naging lugar ng local at internasyonal na kalakalan. Kaya nga’t ang ilog na ito ay tinaguriang life and blood ng Metro Manila. Ang sigla nito ay simbolo rin ng pag-usbong ng mga siyudad sa paligid nito.

Sa paglipas ng panahon, unti unting namatay ang Ilog Pasig, hanggang sa dineklara na itong biologically dead noong 1990s. At ngayon, buhay na buhay man dahil ang Metro Manila sa dami ng mga taong naninirahan at nagtatrabaho dito, ramdam mo na rin na nagde-deteriorate na ang na rin ito – maitim na ang katubigan ng ilog, kulang pa tayo sa mga luntiang espasyo. Gray o kulay abo o kulay usok ang paligid—masikip, abala, at kadalasan marumi.

Kapanalig, buhayin natin ang kabisera ng bayan. Huwag nating hayaan mas lumubha pa ang kalagayan nito. Kailangan natin ng mas inobatibo at inklusibong estratehiya upang mabalik natin ang ganda ng ating sentro ng kalakalan sa bansa.

Ilan sa ating mga dapat unahin ay pagsasaayos ng transport system sa Metro Manila. Puno ang ating mga kalye ng mga pribadong sasakyan, at ang ating public transport system ay halos hindi kayanin ang dami ng mga pasahero.

Ang slum settlements din sa ating mga siyudad ay nananatili pa ring pangunahing problema ng mga siyudad sa ating bayan. Hanggang ngayon, hindi pa rin masolusyunan ang isyung ito dahil ang ating pananaw ukol sa slum settlements ay lagi nating hinihiwalay sa ibang usaping urbanisasyon at kahirapan. Hindi natin nakikita ang koneksyon ng ating mga problema sa lungsod, kaya’t patse patse o piecemeal ang tugon ng ating mga lokal na gobyerno.

Ang masiglang kabisera, kapanalig, ay kabiserang luntian, inklusibo at sustainable. Kung magpapatuloy ang ganitong sitwasyon sa Metro Manila, tuluyan ng magde-deteriorate ang kalagayan nito, at hihilahin ang ekonomiya pababa.

Sa kanyang address para sa United Nations Environmental Programme noong 2015, nanawagan si Pope Francis sa mga estado na tiyakin ang maayos at epektibong pagpaplano ng urbanisasyon, dahil tao ang maapektuhan nito. Paalala niya: Rapid urbanisation shatters lives and dreams… disproportionate and unplanned growth of cities is unhealthy and inefficient. Ang ganitong sitwasyon, gabay ng mahal na papa, ay maaaring magdulot ng social breakdown at mas maraming insidente ng karahasan. Magdadala rin ito ng mga panibagong uri ng social aggression.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NUMBER’S GAME

 43,719 total views

 43,719 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 49,848 total views

 49,848 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 79,990 total views

 79,990 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 99,491 total views

 99,491 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 118,274 total views

 118,274 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

NUMBER’S GAME

 43,720 total views

 43,720 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 49,849 total views

 49,849 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 79,991 total views

 79,991 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 99,492 total views

 99,492 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »
Scroll to Top