‘Special Year of Grace’, iginawad sa ika-50 taon ng Arkidiyosesis ng Lipa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,229 total reads

Umaasa ang opisyal ng Vatican na mas yumabong ang pananampalataya ng mamamayan ng Archdiocese of Lipa sa Batangas kasabay ng paggunita sa ika-50 anibersaryo ng pagkahirang na arkidiyosesis.

Ayon kay Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown marapat na pagningasin ng mananampalataya ang diwa ng pagiging isang simbahang naglalakbay tungo sa iisang mithiing purihin ang Panginoon.

Tinuran ng arosbispo ang maalab na debosyon ng mamamayan mula nang maitatag na diyosesis noong 1910 hanggang hiranging arkidiyosesis noong 1972.

“It is my earnest prayer that the vibrancy in faith, constancy in hope, and consistency in charity which have distinguished the Archdiocese of Lipa since its foundation as a diocese in 1910 and recognized its elevation in 1972 may grow always more fervent in the hearts of everyone in this archdiocese,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Brown.

Nakiisa rin si Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa pagdiriwang kung saan binigyang diin ang koneksyon bilang Capampangan o taga-Pampanga sapagkat dalawang obispo mula Pampanga ang nanguna sa transition mula diyosesis patungong arkidiyosesis.

Tinukoy ni Bishop David si dating Manila Archbishop Cardinal Rufino Santos na naging administrator ng Lipa at ang kauna-unahang arsobispo ng Lipa na si Archbishop Alejandro Olalia.

Kinilala rin ng pangulo ng CBCP ang kahalagahan ng arkidiyosesis kung saan tatlong obispo ang naging cardinal, sina Cardinal Gaudencio Rosales at Cardinal Rufino Santos na kapwa naglingkod bilang obispo ng Lipa at arsobispo ng Maynila habang si Cardinal Ricardo Vidal naman na naging arsobispo ng Cebu.

Dalangin ni Bishop David ang pagbubuklod ng mananampalataya bilang isang simbahang naglalakbay.

“I hope and pray that under the pastoral leadership of the present archbishop Most Rev. Gilbert Garcera this vibrant local church its laity, religious, and clergy will continue to grow together in communion, participation, and mission into a truly synodal church,” ani Bishop David.

Kasabay ng ika-50 anibersaryo binuksan ng arkidiyosesis ang Jubilee Doors ng San Sebastian Cathedral sa pangunguna ni Archbishop Gilbert Garcera na sinaksihan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula-ang punong tagapagdiwang sa buong selebrasyon, Archbishop Brown na panauhing pandangal, mga obispo ng Ecclesiastical Province of Manila at Lipa, mga pari at layko ng arkidiyosesis.

Ginawaran din ng Vatican ng plenary indulgence ang arkidiyosesis sa mga mananampalatayang magkaroon ng pilgrimage sa lugar kung ito ay mangungumpisal, tatanggap ng komunyon at ipanalangin ang natatanging intensyon ng Santo Papa.

Batay sa kasaysayan 1910 nang maitatag ang Dicoese of Lipa at pormal na naihiwalay sa Archdiocese of Manila habang 1972 naman ng hiranging arkidiyosesis ni St. Pope Paul VI.

Kasalukuyang pinamunuan ni Archbishop Garcera ang arkidiyosesis katuwang ang mahigit 200 mga pari na nangangasiwa sa 95-porsyentong katoliko sa tatlong milyong populasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 32,357 total reads

 32,357 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 69,058 total reads

 69,058 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 87,269 total reads

 87,269 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 171,597 total reads

 171,597 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 207,517 total reads

 207,517 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mamamayan, binalaan ni Fr.Orbos

 4,342 total reads

 4,342 total reads Nagbabala si Fr. Jerry Orbos, SVD laban sa dumadaming AI-generated fake news na gumagamit ng kanyang pangalan at imahe upang magbenta ng mga

Read More »
Scroll to Top