Salitang “war” sa kampanya kontra illegal na droga, nagiging license to kill

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 407 total views

Hindi naaangkop ang paggamit ng salitang “war” sa mas pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.

Naniniwala si Diocese of Sorsogon Bishop Arturo Bastes, chairman, CBCP Episcopal Commission on Mission na dahil sa salitang ito ay nagkakaroon ng perspektibo ang mga mamamayan lalo ang mga pulis na pumatay ng mga sangkot sa kalakalan ng ipinagbabawal na gamot.

Iginiit ng Obispo na hindi katanggap-tanggap lalo na sa isang Katolikong bansa ang paggamit sa naturang salita ay nagsusulong ng karahasan sa halip na gamitin ang rehabilitasyon at pagtulong sa pagbabagong buhay ng mga biktima ng ipinagbabawal na gamot.

“Well I do not like that so called ‘war’ when it does is killing. Instead of killing them, he (Pres. Duterte) has all the power to rehabilitate them like that, but not simply because really because of his word people are encourage, policemen are encourage to prosecute people, i do not like that war because that is not the solution but war should not be in a Christian nation…” pahayag ni Bishop Bastes sa Radio Veritas.

Batay sa pinakahuling tala ng Philippine National Police, mula unang araw ng Hulyo hanggang ika-12 ng Oktubre ay tinatayang aabot na sa 740-libo ang bilang ng mga sumukong drug pushers at users sa mga otoridad habang tinatayang aabot na sa 28-libong indibidwal ang mga naaresto mula sa higit 29-na-libong operasyon na isinagawa ng mga pulis sa buong bansa.

Umaabot na sa 1,566 ang mga namatay mula sa operasyon na isinagawa ng mga pulis sa buong bansa.

Kaugnay naman nito, nagsasagawa na ng dry-run ang Department of Health sa kauna-unahang Mega Drug Treatment and Rehab Facility na may lawak na 10-ektarya na nasa sa loob ng 7th Infantry Division ng Philippine Army sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija na kayang mag-accommodate ng 10-libong pasyente.

Kahapon, pinangunahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang paglulunsad ng drug rehabilitation program ng Simbahan na tinatawag na “ Sanlakbay para sa Pagbabagong Buhay” sa Manila Cathedral.

Sinabi ni Cardinal Tagle na ang programa ay tugon ng Simbahan sa kampanya ng Duterte administration laban sa illegal na droga at pagdeklara ni Pope Francis sa 2016 bilang Year of Mercy”.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Gaslighting

 18,818 total views

 18,818 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 86,547 total views

 86,547 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 109,699 total views

 109,699 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 179,814 total views

 179,814 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 253,139 total views

 253,139 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Walang summer break kay Pope Leo XIV

 10,811 total views

 10,811 total views Bagama’t nasa panahon ng summer break ang Vatican, tiniyak ni Pontificio Collegio Filipino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na hindi nangangahulugang humihinto

Read More »
Scroll to Top