Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Labanan ang pagpatay sa alaala

SHARE THE TRUTH

 278 total views

Mga Kapanalig, sa muling pagbubukas ng Kongreso, may mga mambabatas nang mukhang nagpapabango na ng kanilang pangalan kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa mga tagasuporta niya, at sa mga loyalista ng kanyang pamilya.

Martes ng nakaraang linggo nang ilabas sa media ang kopya ng House Bill No. 610 na inihain ng isang kongresista mula sa Negros Oriental. Layon ng panukalang batas na palitan ang pangalan ng pangunahing paliparan sa ating bansa, ang Ninoy Aquino International Airport (o NAIA). Ang iminumungkahing bagong pangalan ay Ferdinand E. Marcos International Airport dahil sa panahon daw ng diktador ipinatayo ang naturang paliparan. Ito raw ay isang maipagmamalaking legacy ng ama ng kasalukuyan nating presidente.

Ngunit hindi ito totoo. Ang NAIA—na ang unang pangalan ay Manila International Airport—ay sinimulang ipinatayo noong 1947 sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Manuel Roxas. Una itong ginamit bilang base ng United States Air Force. Natapos ang unang international runway at taxiway nito noong 1953 sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Elpidio Quirino. Ibig sabihin, naging operational na ang paliparan labindalawang taon bago pa umupo sa puwesto ang pinatalsik na diktador. Noong 1987, pinalitan ang pangalan ng Manila International Airport at naging NAIA sa bisa ng Republic Act No. 6639. Ito ay bilang pag-alala natin sa pagkakapatay doon kay Benigno “Ninoy” Aquino Jr. nang bumalik siya ng Pilipinas noong 1983.

Ang pagpapalit ng pangalan ng ating pangunahing airport ay maaaring maliit na bagay lamang para sa marami, lalo na sa mga masugid na tagasuporta ng kasalukuyang presidente at kanyang pamilya. Ngunit sa ganitong mga pinapangalanang istruktura at gusali, napapaalalahanan ang mga mamamayan tungkol sa kanilang kasaysayan. Nagpapatayo tayo ng mga monumentong ibinabalik sa ating gunita ang pinagdaanan ng ating bayang hindi natin dapat kinakalimutan, hindi dapat binubura.

Ang asasinasyon kay Ninoy sa Manila International Airport ang itinuturing na gumising sa kamalayan ng mga Pilipino tungkol sa kawalan ng kalayaan at panunupil sa demokrasya at karapatang pantao sa ilalim ng diktaduryang Marcos. Ang pagpatay kay Ninoy ang naging mitsa ng paghahangad ng pagkawalâ ng mga Pilipino mula sa kalasag ng pamahalaang umaabuso sa kapangyarihan, lantarang ninanakawan ang taumbayan, at binubusalan ang malayang pamamayahag. Ito ang naging mitsa ng mapayapang People Power Revolution noong 1986.

Ito ang katotohanang nais baluktutin ng mga nasa poder ngayon. Ito ang kasaysayang nais burahin sa ating mga alaala. At nagtagumpay sila nang muling makabalik sa kapangyarihan ang pamilya ng diktador. Tiyak na hindi sila titigil—gayundin ang kanilang mga kaalyado at kakampi—na ibaon sa limot ang madilim na pinagdaanan ng Pilipinas sa ilalim ng rehimeng Marcos.

Ang pagbubura ng kasaysayan ang isa sa mga pangyayaring ikinalulungkot ni Pope Francis sa kanyang ensiklikal na Fratelli Tutti. Aniya, marami ang nagsasabing dapat nang kalimutan ang nakaraan at harapin na ang kinabukasan. Mali ito, diin ni Pope Francis. Hindi tayo makauusad nang hindi inaalala ang nakalipas. Hindi tayo uunlad kung hindi tayo tapat sa ating nakaraan. Wika nga sa Isaias 46:9, “alalahanin ninyo ang mga nakaraang pangyayari” dahil ang mga pangyayaring ito ay bahagi ng planong itinakda na ng Panginoon.

Mga Kapanalig, maraming isyung kinakarahap ang ating bansa ngayon. Hindi mapakakain ang mga nagugutom at hindi mabibigyan ng trabaho ang mga walang hanapbuhay ng pagpapalit ng pangalan ng NAIA. Nawa’y mas pagtuunan ng pansin ng ating mga mambabatas ang mga panukalang batas na makatutulong na maibsan ang krisis na ating kinalalagyan ngayon. Kasabay nito, dapat pa rin tayong maging mapagbantay at mapagmatyag sa anumang hakbang na nais patayin ang alaala ng bayan nating hindi makausad dahil mabilis mapaikot ang mga mamamayan nitong walang pagpapahalaga sa kasaysayan.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bukal ng tubig, bukal ng buhay

 41,544 total views

 41,544 total views Mga Kapanalig, ramdam na ramdam natin ang tindi ng summer heat! Kapag summer, talagang masarap maligo at uminom ng pampalamig, mapawi lang ang

Read More »

Mga hakbang pagkatapos ng halalan

 54,287 total views

 54,286 total views Mga Kapanalig, isang halalan na naman ang nairaos natin. Ikinatuwa o ikinadismaya man natin ang resulta, paano kaya tayo maaaring umusad pagkatapos nito?

Read More »

May magagawa tayo

 74,211 total views

 74,210 total views Mga Kapanalig, Eleksyon 2025 na! Ayon sa Republic Act No. 7166, dapat isagawa ang isang halalan bawat tatlong taon. Ang partikular na eleksyon

Read More »

Transport Reforms

 79,396 total views

 79,395 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 84,691 total views

 84,690 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bukal ng tubig, bukal ng buhay

 41,547 total views

 41,547 total views Mga Kapanalig, ramdam na ramdam natin ang tindi ng summer heat! Kapag summer, talagang masarap maligo at uminom ng pampalamig, mapawi lang ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga hakbang pagkatapos ng halalan

 54,289 total views

 54,289 total views Mga Kapanalig, isang halalan na naman ang nairaos natin. Ikinatuwa o ikinadismaya man natin ang resulta, paano kaya tayo maaaring umusad pagkatapos nito?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

May magagawa tayo

 74,213 total views

 74,213 total views Mga Kapanalig, Eleksyon 2025 na! Ayon sa Republic Act No. 7166, dapat isagawa ang isang halalan bawat tatlong taon. Ang partikular na eleksyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 79,398 total views

 79,398 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top