Karapatang-pantao, nalabag sa pagtatayo ng New Manila International Airport sa Bulacan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,126 total views

Sari-saring paglabag sa karapatang-pantao ang nararanasan ng mga apektadong residente ng Talipip, Bulakan, Bulacan dahil sa banta ng New Manila International Airport Project o Bulacan Aerotropolis ng San Miguel Corporation.

Ayon kay University of the Philippines – Diliman, Department of Community Development Assistant Professor Dr. Baleng Lagos, taong 2017 pa lamang ay humihiling na ng paliwanag at karagdagang impormasyon mula sa lokal na pamahalaan ang mga mangingisda ng Taliptip tungkol sa proyektong paliparan.

Ngunit lumipas na ang mga taon ay hindi pa rin ito nalilinaw hanggang sapilitan nang pinaalis ang mga apektadong pamilya sa kanilang mga tahanan.

“Laging nabibigo ‘yung mga dayalogo at laging sinasabing either wala pang kasiguraduhan ‘yang airport na ‘yan, hindi namin alam ang tungkol d’yan sa airport na ‘yan. Halos sabihin na nilang ‘tsismis lang ‘yan’,” ayon kay Lagos sa panayam ng Radio Veritas.

Iginiit din ni Lagos na taliwas ang pahayag ng SMC kung saan sinasabing matutulungan ng kanilang proyekto na maiangat ang buhay ng mga apektadong komunidad.

Pagbabahagi ng propesor na batay sa kanilang pakikipag-ugnayan sa mga mangingisda, wala pa rin silang natatanggap na maayos na kumpensasyon matapos na paalisin sa kanilang mga tahanan at alisan ng hanapbuhay.

Nagkakahalaga lamang ng P30,000 ang kumpensasyon mula sa kumpanya na hindi rin sasapat sa pagpapatayo ng mga bagong tahanan at pagsisimula ng pagkakakitaan.

“Actually, mas kawawa ‘yung mga napilitang tumanggap ng compensation kaysa dun sa mga naggiit na gusto nila ng relocation houses,” ayon kay Lagos.

Samantala, nananawagan naman si Fr. Francis Cortez, tagapagsalita ng Bulacan Ecumenical Forum kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr na muling suriin ang proyektong paliparan.

Sinabi ng pari na sang-ayon ang grupo sa mga layunin ng pamahalaan upang umunlad ang ekonomiya ng bansa ngunit dapat ding isaalang-alang ang magiging epekto nito sa kalikasan at mga apektadong komunidad.

Pagbabahagi ni Fr. Cortez na maliban sa mga palaisdaan lubha ring naapektuhan ng reklamasyon ang mga mangrove trees sa tabing-dagat, gayundin ang hanapbuhay ng mga magsasaka sa mga karatig na bayan at pamayanan dulot naman ng mga pagbaha.

Batay sa ulat, aabot na sa 700 pamilya ang sapilitang pinaalis sa kanilang mga tahanan at madaragdagan pa ito upang tuluyang maisakatuparan ang pagtatayo sa Bulacan Airport.

Ang Bulacan Aerotropolis ay nagkakahalaga ng P700-bilyon at may sukat na humigit-kumulang 2,500-ektarya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 53,303 total views

 53,303 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 96,911 total views

 96,911 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 180,260 total views

 180,260 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 193,428 total views

 193,428 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top