Tamang layunin ng rightsizing

SHARE THE TRUTH

 268 total views

Mga Kapanalig, isang malinaw na deklarasyon ng bagong administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr ay ang tinatawag na rightsizing ng burukrasya ng ating gobyerno. Ang rightsizing ay ang pag-aangkop ng laki at istruktura ng burukrasya upang maihatid ng mga ahensya ang mga serbisyong dapat nilang ibinibigay sa taumbayan sa paraang epektibo at hindi nag-aaksaya ng pondo.

Nang inanunsyo ang planong rightsizing, unang nabahala ang mga kawani ng gobyerno, kabilang ang maraming mga kontraktwal at mga nagtatrabaho bilang job order.  Nangangamba silang baka sila ang unang mawawalan ng trabaho. Suportado naman ng ilang mambabatas ang planong rightsizing. Maaari daw umabot sa 15 bilyong piso bawat taon ang matitipid ng gobyerno. Pwede daw gamitin ang halagang ito sa ibang mga gastusin ng gobyernong higit na kailangan ng taumbayan.

May dalawang matimbang na panig sa usaping rightsizing. Sa isang banda, dahil sa tindi at lawak ng nararanasang kahirapan ng marami nating kababayan, magiging malaking dagok ang pagkawala ng trabaho ng libu-libong mga kawani ng gobyerno kung ang rightsizing ay humantong nga sa pagtatanggal ng maraming mga empleyado. Sa kabilang banda, dapat din namang tiyaking ang limitadong pera ng gobyerno ay nagagamit nang tama upang masigurong ang kinakailangang mga serbisyo ay naipapaabot sa taumbayan.

May paraan kayang ang pagsasagawa ng rightsizing ay hahantong sa tunay na kabutihang panlahat o “common good” na ayon nga sa mga turo ng Simbahan ay ang dahilan kung bakit may gobyerno?

Kung ito ang magiging batayan, kaakibat dapat ng rightsizing ang alamin at pagkasunduan kung anu-ano ang pinakamahahalagang serbisyong kinakailangan upang mapaunlad ang buhay at kapakanan ng mga mamamayan.  Mula rito, dapat kilatisin ang mga mandato ng bawat ahensya ng gobyerno, at alamin kung paano sila nakatutulong sa layuning ito at kung may dapat pa ba silang ginagawa pero hindi nila ginagawa. Ang rightsizing ay hindi kailangang humantong sa pagbabawas ng mga trabaho dahil lamang sa gusto ng gobyernong makatipid.  Ang tamang layunin ng rightsizing ay tiyaking ang mga mahahalagang serbisyong dapat matanggap ng taumbayan ay naipapaabot sa kanila.

Kung ganito ang prinsipyo ng rightsizing, maaari pa ngang may mga bagong trabahong malikha o maaaring ang mga kasalukuyang kawani ng mga ahensiya ay madagdagan o mabago ang kanilang gagawin. Ito rin ang pagkakataong linawin ng mga ahensya ang kanilang mandato at mga kailangang mga trabaho o posisyon upang magampanan nang tama at sapat ang mga ito. Marahil ay ito pa nga ang maging pagkakataon upang gawing regular ang maraming mga kontraktwal na mga empleyado at job orders kung makitang talaga namang kailangan sila sa pagganap ng mandato ng kanilang ahensya.

Sa pagkilatis ng mga dapat na mandato ng mga ahensya, ang taumbayan ay kailangang magsalita at ipaalam kung anu-anong mga serbisyo ang mahalagang makaabot sa kanila. Ito ang matututunan natin sa kuwento ng pagpapagaling ni Hesus sa bulag na si Bartimeo sa Marcos 10:46-52. Unang-una, kahit na sinasaway sa pagsigaw si Bartimeo ng mga tao sa paligid niya, hindi siya tumahimik at lalo pa niyang nilakasan ang kanyang boses upang mapansin siya ni Hesus. Ikalawa, kahit alam na ni Hesus kung ano ang kailangang tulong ni Bartimeo, tinanong pa Niya siya: “Ano ang nais mong gawin ko para sa iyo?”

Mga Kapanalig, tularan natin si Hesus na magtanong at makinig sa mga nangangailangan ng tulong. Tularan din natin si Bartimeo na magsalita at ipaalam ang ating mga pangangailangan. Muli, dapat nilalayon ng rightsizing ang pagkakaroon ng sapat na mga trabaho at kawani upang gampanan ang mga dapat maibigay na serbisyo sa taumbayan nang hindi nag-aaksya ng pondo ng bayan. Hindi ito dapat humantong sa hindi makatarungang pagtatanggal ng mga empleyado para lamang makatipid ang gobyerno.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malnutrisyon

 4,125 total views

 4,125 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Kalidad ng Buhay sa Syudad

 8,487 total views

 8,487 total views Marahil isa sa mga dahilan kung bakit nauuso ngayon sa maraming pamilya ang pagbili ng mga farmlots o beach lots kahit ganito pa ito kaliit at kamahal ay dahil bumababa na ang kalidad ng buhay sa mga syudad habang tumataas naman ang lahat ng mga gastusin. Ngayong tag-init, mas ramdam din ng mga

Read More »

Trabaho sa kabila ng init

 19,079 total views

 19,079 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 27,303 total views

 27,303 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »

Permanent interests

 33,149 total views

 33,149 total views Mga Kapanalig, may kasabihang sa pulitika raw, “There are no permanent enemies, and no permanent friends, only permanent interests.” Positibong pangungusap ito kung ang tinutukoy na interes ay ang interes ng taumbayan o ng mga taong pinaglilingkuran dapat ng mga namumuno sa pamahalaan. Ngunit dito sa Pilipinas, mas madalas na interes ng iilang

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malnutrisyon

 4,126 total views

 4,126 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng Buhay sa Syudad

 8,488 total views

 8,488 total views Marahil isa sa mga dahilan kung bakit nauuso ngayon sa maraming pamilya ang pagbili ng mga farmlots o beach lots kahit ganito pa ito kaliit at kamahal ay dahil bumababa na ang kalidad ng buhay sa mga syudad habang tumataas naman ang lahat ng mga gastusin. Ngayong tag-init, mas ramdam din ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trabaho sa kabila ng init

 19,080 total views

 19,080 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 27,304 total views

 27,304 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Permanent interests

 33,150 total views

 33,150 total views Mga Kapanalig, may kasabihang sa pulitika raw, “There are no permanent enemies, and no permanent friends, only permanent interests.” Positibong pangungusap ito kung ang tinutukoy na interes ay ang interes ng taumbayan o ng mga taong pinaglilingkuran dapat ng mga namumuno sa pamahalaan. Ngunit dito sa Pilipinas, mas madalas na interes ng iilang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilient Education

 43,990 total views

 43,990 total views Kapanalig, kailangan maging resilient ng ating education sector. Ang resilient education kapanali, ay matibay at flexible. Sa ating bansa kung saan napakaraming mga sakuna ang dumadalaw taon-taon, napakahalaga na ang konseptong ito ay maging realidad. Kailangan ma-i-apply ito sa buong bansa sa lalong madaling panahon. Ang resilient education ay tumutukoy sa kakayahan ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 47,083 total views

 47,083 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Benepisyo ng Digital Technology

 36,788 total views

 36,788 total views Kapanalig, kapag sinabing digital technology, top of the head ang naiisip natin ay kadalasang may kaugnayan sa komunikasyon gaya ng ng internet. Ang lawak ng sakop nito, at tama lamang na tayong mga Pilipino ay maging mas maalam dito dahil napakaraming oportunidad ang nagbukas at nagbubukas pa dahil sa digital technology. Maski si

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alin ang mas matimbang?

 37,676 total views

 37,676 total views Mga Kapanalig, naghain noong isang linggo si Senadora Risa Hontiveros ng isang resolusyong inuudyukan ang Senado na imbestigahan ang pinsalang iniiwan ng mga mining at quarrying activities sa ating bansa.  Sa Senate Resolution No. 989, nais ng senadora na makita ang mga butas sa mga umiiral na batas na sanhi ng pagkamatay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kultura ng pagpapanagot

 52,979 total views

 52,979 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maging tapat sa taumbayan

 65,388 total views

 65,388 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Farm lots

 59,732 total views

 59,732 total views Kapanalig, usong uso na ang farm lots sa ngayon. Kapag sumilip ka sa social media, ang daming nagbebenta ng mga lupang agrikultural. May mga mahal, may mga mura. May mga rights lang na tinatawag, may mga may titulo o certificates. Madami ang nais bumili, kapanalig, kaya nga’t tumataas ng tumataas ang halaga ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Wage Gap

 60,938 total views

 60,938 total views Kapanalig, ang ganda ng achievement ng Pilipinas pagdating sa gender equality in education. Sa larangan kasi ng edukasyon, equal na o pantay na ang access ng babae at lalake. Sana hindi natin masayang ito kapanalig. Malaking milestone na ito pagdating sa gender issues sa ating bayan. Kaya lamang pagtapos makapag-aral ng maraming kababaihan,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Education Equality

 70,929 total views

 70,929 total views Kapanalig, ang gender equality sa Pilipinas ay isa sa mga hinahangaan sa Asya. Itong 2023, pang 16 pa nga ang bayan sa 146 countries sa buong mundo pagdating sa gender equality, ayon sa Global Gender Gap Index Report. Pang 19 tayo dito noong 2022. Tayo ang pinaka gender equal sa Asya. Apat na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bigyang-pansin ang pagpapabakuna

 56,314 total views

 56,314 total views Mga Kapanalig, ang inyong mga anak, gaya ng sabi sa Mga Awit 127:3, ay mga pagpapalang kaloob ni Yahweh. Bilang mga regalong galing sa ating Diyos, paano ninyo ipinakikita ang pagpapahalaga sa inyong mga anak? Siguro, ang pinakamadaling sagot dito ay ang pagbibigay ng kanilang mga pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain, tirahan, at

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top