100 mga bansa, dadalo sa “Economy of Francesco”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 684 total reads

Magtitipon ang higit sa 1-libong kinatawan mula sa 100 bansa sa lungsod ng Assisi sa Italya upang gunitain ang ‘Economy of Francesco’ (EOF) sa September 22 hanggang 24 na inaasahang personal na pupuntahan ni Pope Francis.

Ayon kay Diego Perez, miyembro ng Latin American Network ng EOF na patuloy ang mga isinasagawang paghahanda ng mga magiging bahagi ng EOF mula sa ibat-ibang bansa.

Ito ang unang beses makalipas ang dalawang taon na gaganapin ang face-to-face pagtitipon upang pag-usapan at isulong ang mga adbokasiya ng EOF.

“We are preparing with the EOF Latin American network a congress that is gonna be replied in many countries,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Perez.

Sa tatlong araw na pagtitipon ay hahatiin ang mga kabataan at ekonomista sa mga grupong ‘Thematic Villages’ na mayroong paksa sa kahirapan, kalikasan at kapatiran upang talakayin ang pagpapanibago ng sistema sa ekonomiya.

“There are thematic villages, Where we work with other members to build a new economy,” ayon pa sa panayam ng Radio Veritas kay Perez.

Sa September 24 o huling araw ng pagtitipon ay nakatakdang magtungo ang Santo Papa sa Assisi upang makibahagi at makipag-diyalogo sa mga dadalong kinatawan ng ibat-ibang bansa.

Taong 2019 ng manawagan si Pope Francis sa mga kabataan at economic leaders sa buong mundo na itatag ang mga inisyatibo na babaguhin ang sistema sa ekonomiya na hindi nakatuon sa personal na paglago at sa halip ay mayroong pagkalinga sa mga nangangailangan.

Matapos ang panawagan ay itinatag ng mga economic leaders mula sa Italya sa pangangasiwa ng Economist na si Luigino Bruni ang EOF kung saan naging bukas ang inisyatibo para sa mga nais makalikha ng pagbabago.

Bunsod ng banta ng COVID-19 Pandemic ay idinaos na lamang online noong 2020 at 2021 ang pagdiriwang ng EOF.

Sa Pilipinas, isa ang Living Laudato Si Philippines sa mga nangungunang organisasyon na taon-taong ginugunita ang EOF kung saan tinitipon ang mga kabataan at ekonomista na nais maging bahagi ng pagpapanibago sa sistema ng ekonomiya.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 12,544 total reads

 12,544 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 43,028 total reads

 43,028 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 83,587 total reads

 83,587 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 109,071 total reads

 109,071 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 157,338 total reads

 157,338 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 177,581 total reads

 177,581 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seafarers, kinilala ni Bishop Santos

 24,906 total reads

 24,906 total reads Kinilala ni Antipolo Bishop Ruperto Cruz Santos, CBCP Bishop Promoter of Stella Maris–Philippines, ang mga marinong Pilipino sa paggunita ng National Seafarers’ Sunday,

Read More »
Scroll to Top