Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,289 total reads

Kapanalig, isa sa mga pinaka-uma-aray sa mga sunod-sunod na krisis na nararamdaman ng bayan ay ang mga small, micro, and medium enterprises (MSMEs). Mula sa COVID-19, hanggang sa mabilis na pagtaas ng presyo ng gasolina at mga bilihin, ang mga MSMEs ay parang naging punching bag ng ating panahon ngayon. Hirap na hirap sila bumangon dahil nalugi na sila ng panahon ng mga lockdowns, pagbalik nila, sinalubong naman sila ng mahal na presyo ng mga supplies.

Hindi natin maaring isawalang bahala ang kapakanan ng mga MSMEs sa ating bayan. Ang MSMEs kapanalig, ay pundasyon ng ating ekonomiya. Kung wala sila o hirap sila, wala tayong maaasahang economic growth.

Ang MSMEs kapanalig, ay bumubuo ng 99.5% ng mga negosyo sa bansa. Sila ang susi ng ating economic recovery. Ano nga ba ang maaaring gawin ng ating estado at ng lipunan upang maiangat natin ang kanilang sitwasyon?

Ang digital technologies ay maari pa nating ma-harness o mapa-ibayo para magamit ng mga MSMEs. Ang maliliit na negosyo kapanalig ay flexible – nakita natin ito ng kahitikan ng COVID-19 pandemic. Maraming mga negosyo ang mabilis na nakapag-adjust sa mga restriksyon bunsond ng pandemya. Ang pangunahing gamit nila dito ay ang mga online na platforms para sa kanilang mga transaksyon.

Kailangang ma-maximize natin ang digital technologies hindi lamang sa pagbebenta at pagbabayad, kapanalig. Kailangan din ito sa iba pang elemento ng pag-nenegosyo, gaya ng supply chain at logistics. Kailangan ang angkop na digital technologies para mabilis at sistematiko ang proseso ng pag-nenegosyo. Pati sa savings at investments ng mga MSMEs, kailangan mapatibay pa ang paggamit ng digital technologies. Isa rin kasi itong paraan upang mapalago ang kapital.

Ang digital technologies para sa MSMEs ay isa ring paraan upang gawin resilient ang mga maliit na negosyo. Pumapasok dito kapanalig ang kahalagahan ng cybersecurity. Kailangang masanay na tayo kapanalig sa pag-gamit ng teknolohiya kahit sa maliit na negosyo. At isa sa mga balakid sa pag-gamit nito ay ang takot ng karaniwang tao sa mga online scams. Kung may maayos na cybersecurity framework ang negosyo, mas dadami pa ang magtitiwala sa digital technologies para sa MSMEs.

Ang pag-gamit ng digital technologies para sa kabutihan ng MSMEs ay magandang hakbang. Ipinapakita natin sa ganitong paraan ang teknolohiya bilang isang makapangyarihang pwersa para sa kabutihan. Dito, nabibigyang diin natin ang pag-gamit ng teknolohiya para sa kapakanan ng balana. Ayon nga sa Message of Pope Francis for the 48th World Communications Day: “The internet, in particular, offers immense possibilities for encounter and solidarity. This is something truly good, a gift from God.”

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 74,950 total reads

 74,950 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 109,860 total reads

 109,860 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 145,160 total reads

 145,160 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 371,429 total reads

 371,429 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 260,747 total reads

 260,747 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Just energy transition sa Semirara

 74,951 total reads

 74,951 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 109,861 total reads

 109,861 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 145,161 total reads

 145,161 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 371,430 total reads

 371,430 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »
Scroll to Top