Inklusibong Kaunlaran at ang Ating Senior Citizens

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 574 total reads

Kapanalig, ang inklusibong kaunlaran o inclusive growth ay lagi nating naririnig, pero hindi masyado nararamdaman o nauunawaan. Ano nga ba ito at gaano ba ito kahalaga sa para sa atin?

Ang inclusive growth kapanalig ay economic growth na patas na naibabahagi sa lipunan.  Ito ay naglilikha ng oportunidad para sa lahat. Sa ating bansa, malaking hamon pa rin ang inklusibong kaunlaran – marami pa ring sektor sa ating lipunan ang naiiwanan, masakit man sabihin, sa kangkungan.

Tingnan na lang natin ang isang sektor sa ating bayan, ang senior citizens. Iniisip natin na pagdating ng panahon ng ating retirement, makakapag-enjoy na tayo sa buhay. Tapos na ang trabaho, at marami na tayong oras para maglibang. Pero hindi ganito ang kwento ng maraming Filipino.

Sa hirap ng buhay, marami pa rin sa ating senior citizens ang nais pa ring magtrabaho kahit 65 o mahigit na sila. Kapanalig, 65 ang compulsory age of retirement sa atin. May panukala nga ngayon na nakahain sa kamara na nagsasabi na tanggalin na ito. Ayon dito, marami pang senior citizens sa ating bansa ang malakas pa ang pangangatawan at matalas pa ang pag-iisip. Marami na ring trabaho ngayon sa ating panahon ang walang age ceiling. Ang pagbibigay pagkakataon sa senior citizens na magtrabaho ay isang senyales na wala tayong diskriminasyon pagdating sa edad.

Mainam ang panukala na ito para sa maraming seniors dahil matapos ang trabaho, ang hinaharap nila ay maliit na pension lamang sa ating bansa. Liliit ang kanilang kita, at hihilahin nito ang kalidad ng kanilang buhay. May mga seniors pa nga na nasa impormal na sektor kung saan wala silang social protection, wala pang inaasahang pension. Kapag tumigil sila sa kanilang trabaho, wala na talaga silang maasahang income.

Sana’y mabigyan natin ng sapat na pagkakataon ang mga seniors sa ating bansa para mapabuti pa ang kanilang karera, lalo pa’t parami na ng parami ang bilang ng mga seniors sa ating bansa ngayon. Tinatayang 8.6% na ng ating populasyon ang mga seniors nitong 2020, at maaaring umabot ito ng 16.5% pagdating ng 2050. Sayang ang kanilang dunong at kasanayan kung ipagkakait natin sa kanila ang mga oportunidad na kaya nilang tugunan.

Ang kakulangan sa oportunidad pati pension ng ating mga seniors ay isang halimbawa ng hindi pantay-pantay na kaunlaran sa lipunan. Pagkatapos nila mag-ambag sa kaban ng bayan, maiiwanan silang walang-wala sa kalaunan. Hindi ito inclusive growth kapanalig. Kailangan natin itong pagbigyan pansin at tugon.

Binibigyang halaga at respeto ng ating Simbahan ang mga senior citizens sa ating lipunan. Para nga kay Pope Francis, ang senior citizens na gaya niya ang mga “artisans of the revolution of tenderness.” Ayon sa kanyang mensahe nitong nakaraang World Day for Grandparents and the Elderly, Old age is no time to give up and lower the sails, but a season of enduring fruitfulness; a new mission awaits us and bids us look to the future.”

Sumainyo ang Katotohanan.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 16,350 total reads

 16,350 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 17,225 total reads

 17,225 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 33,857 total reads

 33,857 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 71,234 total reads

 71,234 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 102,503 total reads

 102,503 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 177,590 total reads

 177,590 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 270,150 total reads

 270,150 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Halimbawa sa taumbayan

 33,858 total reads

 33,858 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 71,235 total reads

 71,235 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 102,504 total reads

 102,504 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 177,591 total reads

 177,591 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »
Scroll to Top