PAKIKILAKBAY SA LANDAS NI KRISTO (Pyestang Sta Clara)

SHARE THE TRUTH

 283 total views

Homiliya para sa Ika-22 Linggo ng Karaniwang Panahon, 28 Agosto 2022, Luk 14: 1, 7-14

Sta Clara Parish, Malabon city.l

Tema: “Sta Clara, modelo ng pakikilakbay tungo sa kaganapan ng buhay”

Obvious sa akin ang pinagkuhanan ng inspirasyon ng temang ito: si Pope Francis—and Santo Papang nanawagan para sa isang simbahang “mas higit na SINODAL.” Ibig sabihin, simbahang nakikilakbay sa iisang landas, at ang landas na iyon ay walang iba kundi si Kristo mismo. Walang mataas at mababa, walang unahan at wala ding iwanan. Siya na nagsabing “Naparito ako upang bigyan kayo ng buhay, ganap na buhay.” (Jn 10:10)

Pero dahil ipinagdiriwang natin bilang parokya ang pyesta ni Sta Clara, tinatanong natin kung paano natin siya matutularan bilang “modelo ng pakikilakbay tungo sa kaganapan ng buhay”. Hindi natin mapag-uusapan si Sta Clara kung din natin ipapasok sa eksena si St Francis of Assisi—ang pinagkuhanan niya ng inspirasyon sa pakikilakbay kay Kristo, sa pagsunod sa landas niya.

Ano ba ang landas na ito? Ito’y isang simpleng prinsipyo na sinunod ni St Francis, at nakita niya bilang susi ng pagbabago sa simbahan noong kapanahunan niya. Ang narinig kasi niyang mensahe nang tawagin siya ni Hesus ay “Francis, rebuild my Church.” Narinig daw niya iyon sa San Damiano habang nakatitig sa larawan ni Kristo sa krus sa loob ng isang gumuhong simbahan. Akala niya simbahang bato ang pinatatayong muli ni Hesus sa kanya. Iyon pala ang sambayanan ng mga alagad ang tinutukoy niya—na tulungan silang makabalik sa landas ni Kristo, makilakbay sa kanya, dahil ang simbahan noon ay para bang napalayo na, nalihis nang landas. Naging isang institusyon na walang ibang pinagkakaabalahan kundi ang mapanatili ang sariling otoridad at impluwensya sa daigdig at sa lipunan.

Palagay ko ang Gospel reading natin ngayon ang isa sa mga nagbigay liwanag at bagong direksyon sa buhay ni Francisco, at ng kaibigan niyang si Clara. Ang pinakabuod ng mabuting balita ng landas o prinsipyong itinuro ni Hesus sa kanyang mga alagad: dalawang punto: Una, “Ang nagtataas ng sarili ay ibababa.” Pangalawa, “Ang natututong magpakumbaba ay itataas.”

Una, “Ang nagtataas ng sarili ay ibababa.”

Pagtataas ng sarili—ito ang diwa ng karamihan sa mga makamundong ambisyon—ang yumaman, ang sumikat (makilala), ang maging makapangyarihan. In short, ang tatlong K; kayamanan, kapangyarihan at katanyagan. Ito ang madalas na gamitin ni Satanas na pambingwit sa tao simula’t sapul. Di ba ito ang liyang binigkas niya kina Adan at Eba sa Gen 3 nang turuan niya silang sumuway sa Diyos at kumain ng bungang kahoy na ipinagbawal ng Diyos sa kanila dahil ikamamatay daw nila ito?

Sabi ng ahas: “hindi kayo mamamatay; mabubuksan ang mga mata ninyo at magiging katulad kayo ng Diyos, malalaman na rin ninyo ang mabuti at masama.” Sa madaling salita, Kapangyarihan ang alok ng ahas. Pag natamo mo ito, hindi mo na kailangan ang Diyos dahil Diyos ka na. At nahulog nga ang tao sa tukso. Hanggang ngayon, marami pa rin ang nahuhulog sa tuksong ito na lumihis ng landas ng Diyos at sumunod sa landas ni Satanas: kayamanan, katanyagan, kapangyarihan para sa sarili.

Nagsimula ang kwento nina St Francis at St. Clare sa isang krisis. Akala ng mga tao nasiraan na sila ng ulo. Si St. Francis talaga namang nagka-depression siya. Parang nawalan ng kabuluhan sa kanya ang lahat ng dating tinuturing na makahulugan ng kanyang pamilya, ng lipunan, pati na rin ng simbahan. Di niya alam, ang akala niyang breakdown ay magiging breakthrough pala. Bibigyan siya ng mahalagang papel ng Diyos sa pagkukumpuni sa simbahan.

Nagsimula ang lahat nang talikuran nina San Francisco at Sta Clara ang tatlong K ng daigdig, upang hanapin ang tunay na K, na tatlo din: kabutihan, kagandahan, katotohanan—ang mga pundasyon ng tunay nating karangalan, bilang tinawag na maging mga anak ng Diyos kung matutuhan nating makilakbay kay Kristo sa kaganapan ng buhay. At may isa pang K na idinagdag si St. Francis: kalikasan o kapaligiran.

Dumako na tayo ngayon sa second part ng summary ng ebanghelyo: ang pangalawang prinsipyo, “Ang natututong magpakumbaba ay itataas.”

Kaya pala nang makatagpo ni Hesus si Zaqueo, ang mensahe niya sa kanya ay: “BUMABA KA. “ Ito kasi ang paraan ni Hesus. Alam ni Hesus na ang ginagawang paraan ni Zaqueo upang tumaas siya sa lipunan at mapansin ay ang pag-akyat (na simbolo ng pagtataas ng sarili). Sabi ni San Lukas: sabik daw si Zaqueo na makita si Hesus kaya umakyat siya sa puno ng sikomoro. Tiningala siya ni Hesus at sinabihan: Bumaba ka, makikikain ako sa bahay mo. Noon lang nasimulan ang tunay na pagtaas ng kanyang pagkatao: nang sabihin niyang, “Panginoon, kung may kinuha ako na hindi akin, isosoli ko ito nang makaapat na ulit.”

Walang magtataas sa tao kundi ang Diyos mismo. Tulad ng nasabi ko sa simula, hindi natin dapat itaas ang ating sariling bangko. Pagyayabang iyon. Hindi ba ang Magnificat ay sagot ni Maria kay Elisabet? Di ba’t pinakapuri-puri siya nang husto at pinakataas-taas ni Elisabet nang sabihin niya sa pinsan niya, “Mapalad ka sa babaeng lahat, at mapalad din ang dala mo sa iyong sinapupunan!” (Lk 1:42)

Sa Magnificat ang sagot ni Mama Mary ay, “Hindi ako kundi ang Diyos ang tunay na Dakila. Siya ang nagtaas sa akin, ako na isang abang alipin.” Kaya pala sa inawit niyang Magnificat, sinabi ni Mama Mary, “Ibababa niya ang mga nagmamataas at itataas niya ang mga nasa mababang kalagayan.” Hindi naman para ibaligtad ang sitwasyon nila kundi upang ipantay sila sa isa’t isa. Ito ang landas ni Kristo: sa mata ng Diyos pantay pantay ang dangal natin. Ibig niyang lahat tayo ay maging mga anak niya.

Itinuro ni Hesus ang sikreto ng tunay na pagtaas o pag-angat: hindi K (kayabangan) kundi ibang K (kababaan ng loob). Ito ang ibinigay niyang halimbawa sa kanyang pagkakatawang-tao, sa kanyang pagdurusa at kamatayan. Nag-KENOSIS muna siya. Ibinuhos nang lubos ang sarili upang punuan ang pagkukulang ng tao.

Malay natin na sa panahon natin, ang magpapaalalang muli sa diwa ng pakikilakbay na ginawa nina San Francisco at Sta Clara ay isang Heswita na tumawag na Francisco sa sarili nya nang siya’y mahalal na Santo Papa? Para bang inulit ng Panginoon kay Pope Francis ang mensaheng sinabi niya kay St. Francis sa San Damiano: Rebuild my Church, isaayos mong muli ang aking simbahan. Paano? Sa pakikilakbay sa landas tungo sa talagang magbibigay ng kaganapan ng buhay.

Ito ang prinsipyong isinabuhay nina St. Francis at St. Claire na ginawang isang panalangin at pinasikat bilang kanta: “Gusto mong maging mapalad? Maging bukas-palad ka. Gusto mong tumanggap ng patawad? Magpatawad ka. Gusto mong magkamit ng buhay na walang hanggan? Huwag mong lagyan ng hangganan ang iyong kahandaang magbigay buhay, lubhang ito’y iyong ipagdusa at ikamatay. “ Ito ang ibig sabihin ng makilakbay sa landas patungo sa kaganapan ng buhay.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Financial Inclusion

 10,081 total views

 10,081 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »

Benepisyo ng Digital Technology

 14,326 total views

 14,326 total views Kapanalig, kapag sinabing digital technology, top of the head ang naiisip natin ay kadalasang may kaugnayan sa komunikasyon gaya ng ng internet. Ang lawak ng sakop nito, at tama lamang na tayong mga Pilipino ay maging mas maalam dito dahil napakaraming oportunidad ang nagbukas at nagbubukas pa dahil sa digital technology. Maski si

Read More »

Alin ang mas matimbang?

 21,241 total views

 21,241 total views Mga Kapanalig, naghain noong isang linggo si Senadora Risa Hontiveros ng isang resolusyong inuudyukan ang Senado na imbestigahan ang pinsalang iniiwan ng mga mining at quarrying activities sa ating bansa.  Sa Senate Resolution No. 989, nais ng senadora na makita ang mga butas sa mga umiiral na batas na sanhi ng pagkamatay ng

Read More »

Kultura ng pagpapanagot

 36,619 total views

 36,619 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »

Maging tapat sa taumbayan

 49,043 total views

 49,043 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

WALANG PINAPANIGAN?

 10,027 total views

 10,027 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikatlong Linggo ng Kuwaresma, Ika-7 ng Marso, Lk 11:14-23 Pinagaling daw ni Hesus ang isang pipi kaya nakapagsalita ito. Ang dating walang imik ngayon ay nagkaroon ng tinig. Ano ang reaksyon ng iba? Trabaho daw ng dimonyo ang pagpapagaling na ginawa niya. Madalas pa ring mangyari ang ganyan

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“TEN COMMITMENTS”

 8,859 total views

 8,859 total views Homily for Wed of the Third Week of Lent, 6 March 2024, Mt 5:17-19 May nakilala akong isang app developer. May binabalak daw siyang gawin na kakaibang app, idodonate daw niya sa Catholic Church if we are interested: “Online Confession App”. Gagawin daw niyang user-friendly. Automatic daw, magla-log-in lang ang penitent at may

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAY IT FORWARD

 8,845 total views

 8,845 total views Homily for Tuesday of the Third Week of Lent, Mt 18:21-35 Today’s Gospel reminds me of the old version of the Lord’s Prayer. I am referring in particular to that part in the prayer that says “And forgive us our sins as we forgive those who sin against us.” The old version says,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

YOU ARE THE MAN!

 8,844 total views

 8,844 total views Homily for Friday of the 2nd Week of Lent, 1 March 2024, Mt 21:33-43, 45-46 Today’s Gospel reading reminds me of that story in the 2nd book of Samuel chapter 11 about the sin of David. Remember that passage about David having an affair with Bathsheba, the wife of his soldier Uriah? How

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BANGUNGOT

 8,847 total views

 8,847 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalawang Linggo ng Kuwaresma, 29 Pebrero 2024, Lukas 16:19-31 “Bangungot” ang tawag natin sa masamang panaginip. “Nightmare” sa English. Parang bangungot ang dating ng kuwento ng mayaman sa ebanghelyo. Sorry, wala siyang pangalan. Obvious ang “bias” ng awtor—ang may pangalan sa kuwento ay ang mahirap, ang busabos na

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

YOUR WILL BE DONE

 8,849 total views

 8,849 total views Homily for Wednesday of the Second Week of Lent, 28 February 2024, Mt 20:17-28 The two disciples in today’s Gospel remind me of that dancing girl in the story of the beheading of John the Baptist. Remember that scene when the drunken governor of Gailee, Herod Antipas, after being so pleased with the

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“Ang Pagbabagong-Anyo ng Bayang Filipino”

 8,852 total views

 8,852 total views Naisip na ba ninyo, kung hindi naganap ang EDSA PPR, ano na kaya ang nangyari sa ating bayan mula sa araw na iyon ng Feb 25, 1986? Kung walang mga milyong tao na pumagitna sa mga armadong puwersa ng gubyerno at puwersa ng mga nagrebelde, baka umagos nang husto ang dugo sa EDSA.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANATA

 12,160 total views

 12,160 total views Homiliya para sa Biyernes matapos ang Miyerkoles ng Abo, 16 Pebrero 2024, Mt 9:14-15 Dahil hindi na yata matiis ng parish priest na makita ang isang babaeng lumalakad na paluhod habang nagrorosaryo, nilapitan niya ito at sinabihan, “Hindi ba pwedeng magdasal ka na lang na nakaupo o nakaluhod sa luhuran? Ba’t ba kailangan

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

AKALA KO KASI

 12,154 total views

 12,154 total views Homiliya para sa Huwebes matapos ang Miyerkoles ng Abo, 15 Pebrero 2024, Lk 9:22-25 Tungkol sa pagpili ang mga pagbasa natin ngayon. Parang ang simple simple dahil dalawa lang ang pagpipilian. Sa unang pagbasa—buhay o kamatayan, alin ang pipiliin mo? Sa Salmong Tugunan—mabuti o masama, alin sa dalawa? Sa ebanghelyo, pagkalugi o pakinabang?

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

WHAT I DID FOR LOVE

 12,156 total views

 12,156 total views Homiliya para sa Miyerkoles ng Abo, 14 Pebrero 2024, Mat 6:1-6, 16-18 Tumama sa taóng ito ng 2024 ang Valentines Day sa Ash Wednesday o Miyerkoles ng Abo, ang simula ng Kuwaresma para sa ating mga Katoliko. Sasabihin ko ba sa mga nagbabalak na mag-celebrate ng araw ng mga puso, “Sorry, wala munang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SENSE OF ENTITLEMENT

 12,123 total views

 12,123 total views Homily for Tuersday of the 6th Wk in Ordinary Time, 13 Feb 2024, Mk 8:14-21 “Nagmamaaang-maangan” is a Tagalog expression that best describes the disposition of the disciples in today’s Gospel. They did not really forget to bring bread with them. But they were pretending as if they had forgotten. I have a

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KAPANGYARIHAN NG SALITA

 20,699 total views

 20,699 total views Homiliya para sa Panlimang Linggo ng Karaniwang Panahon, Ika-4 ng Pebrero 2024, Mk 1,29-39 Sa dulo ng binasa nating ebanghelyo, sinasabi ni San Markos, “Nangangaral siya sa mga sinagoga at nagpapalayas ng dimonyo.” Hindi ito parang dalawang magkahiwalay na gawain para kay Hesus. Magkaugnay ang dalawa. Ang pumapasok sa isip ko ay ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TRUE LIGHT FROM TRUE LIGHT

 15,832 total views

 15,832 total views Homily for the Feast of the Lord’s Presentation, 02 February 2024, World Day for Consecrated Persons, Lk 2:22-40 Today’s Feast is traditionally called CANDLEMAS, or the Feast of the Holy Encounter. In his story of the presentation of the child Jesus, aside from the Holy Family, St Luke has two other important characters—

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MI CASA, SU CASA

 15,832 total views

 15,832 total views Homiliya Para sa Huwebes sa Ika-apat na Linggo ng Karaniwang Panahon, Pebrero 1, 2024, Mk 6:7-13 Huwag daw magbaon ng pagkain, o magbitbit ng bagahe. Huwag daw magdala ng pera sa bulsa, o ekstrang underwear. Ganoon? Ewan ko lang kung sa panahon natin mayroon pang mapapasunod o maisusugo si Hesus kung ganoon pa

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PREJUDICE

 15,832 total views

 15,832 total views Homily for Wednesday of the 4th Wk in Ordinary Time, 31 January 2024, Mk 6:1-6 Mark says the people of Nazareth were “amazed” about the way Jesus preached in their synagogue. They seemed to have been actually impressed at the start. But as soon as they started asking questions like “Where did he

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top