225 total views

22nd Sunday Cycle C

Sirach 3:17-18.20.28-29 Heb12:18-19.22-24 Lk 14:1.7-14

Nakakatagpo tayo ng mga taong mayabang. Tinatawag natin ang mga ito na mahangin. Nilalayuan natin ang mga ganitong tao. Sa mga kwentuhan, sila na lang ang bida. Sila palagi ang tama. Mas magaling sila, kaya ini-small nila ang iba. Kapag hindi nasusunod ang kanilang gusto, madali silang magalit. Sila’y matampuhin. Ang inuuna nila ay ang sarili nila – sa sila’y makilala, na sila’y mapagbigyan, na sila ang makapakinabang. Kaya magkakambal ang makasarili at ang mayabang. Mahirap pakisamahan ang mga taong ganito. Ayaw natin sa ganitong mga tao. Ayaw din ng Diyos sa kanila. Hindi sila madaling sumunod kahit na sa Diyos.

On the other hand, gusto natin sa mga taong mapagkumbaba. Hindi naman sila utu-uto pero sila ay masunurin, handang matuto at mapagbigay sa iba. Nakikita nila ang pangangailangan ng iba kasi hindi sila naka-sentro sa sarili. Hindi sarili ang hinahanap nila. Kinalulugdan sila ng mga tao at magaan ang loob natin sa mga taong mapagkumbaba. Kaya sinulat ni Sirak sa ating unang pagbasa: “Maging mapagkumbaba ka sa pagtupad ng tungkulin at mamahalin ka ng mga taong malapit sa Diyos.” Hindi lang sila magugustuhan ng mga tao. Magugustuhan din sila ng Diyos. Kaya sinulat din ni Sirak: “Habang ika’y dumadakila, lalo ka namang magpakumbaba, sa gayo’y kalulugdan ka ng Diyos.” Madaling mahulog sa kayabangan kapag may posisyon ka na, habang kinikilala ka ng mga tao dahil sa iyong galing, o kayamanan, kapangyarihan. Kaya’t malaking hamon ang manatiling mapagkumbaba habang dumadakila ka. Pero alalahahin natin: Ibinabagsak ng Diyos ang nagmamataas at dinadakila naman niya ang nagpapakumbaba.

Kinukuha ni Jesus ang lahat ng pagkakataon para maging teaching moments. Talagang siya’y isang magaling na guro. Tinuturuan niya tayo tungkol sa buhay na galing sa lahat ng pagkakataon. Sa ating ebanghelyo ngayon kinuha ni Jesus ang okasyon ng isang handaan upang magturo tungkol sa pagpapakumbaba. Nakakapagturo si Jesus at nakakakuha ng lesson sa mga pangyayari kasi siya ay mapagmasid. Kaya ang mga katuruan ni Jesus ay hango sa buhay. May dalawang aral siyang ibinigay sa mga tao – sa mga inaanyayahan at para sa nag-anyaya.

Napansin niya na marami sa inanyayahan ay naghahangad ng magandang pwesto sa handaan. Gusto nilang kilalanin ang kanilang mataas na kalagayan o posisyon. Kaya sabi ni Jesus na hayaan na natin na ang nag-anyaya sa atin ang kumilala ng ating halaga at hindi ang ating sarili. Siya na ang maglagay sa atin kung saan tayo uupo. Baka lang mapahiya tayo na may mas natatangi pa palang panauhin kaysa atin. Ito ay totoo hindi lang sa kainan, pero pati na sa ibang okasyon sa ating buhay – sa trabaho, sa anumang pagtitipon, sa mga contests, at pati na sa politika. Huwag isipin na tayo na ang pinakamagaling. I-consider natin na may mas magagaling pa kaysa atin.

Let us do our best, but let us allow others to judge our worth. Dito daw sa Pilipinas, walang natatalong kandidato sa election. Ang sinasabi ng natatalo ay sila’y dinaya. Kaya maganda ang attitude ni Leni. Noong lumabas sa COMELEC na malaki ang lamang sa kanya ng kalaban, hindi siya nagprotesta kahit na marami ang nagsasabi na may mga dahilan na magprotesta siya. Tinanggap niya ang pagkatalo at naghanap ng ibang paraan para maglingkod sa bayan. Hindi siya hinayaang maglingkod bilang presidente, nakiusap siya sa mga kakampi niya na maglingkod sila bilang isang NGO. Ang mahalaga ay mapaglingkuran ang taong bayan na malaki ang pangangailangan.

May aral din si Jesus sa leader ng mga pariseo na nag-anyaya sa kanya. Napansin niya na ang mga panauhin sa salu-salo ay ang mga dakila sa kanilang lipunan – ang mga kilalang tao o mga tanyag na kamag-anak. Sila ang inanyayahan kasi sila din ang nag-aanyaya sa kanilang handaan, o sila ang maaaring mag-anyaya din sa kanya. Iba ang pananaw ni Jesus tungkol dito. Ang tinuturo niya ay anyayahan ang mga maliliit na tao – ang mga pulubi, mga pingkaw, mga mahihirap na kamag-anak – iyong mga tao na hindi makasusukli sa kabutihan na ginawa sa kanila kasi wala naman silang kakayahan. Ang Diyos na ang gagantimpala sa kanila. Ang lahat ng kabutihan ay may nararapat na gantimpala kasi ang Diyos ay makatarungan. Anumang kabutihan na hindi magagantihan kasi hindi ito napapansin o walang kakayahan ang nakatanggap ng kabutihan, Diyos na ang gagantimpala.

Maganda ang pagsabi ng pasasalamat sa Bicol language. Ang THANK YOU sa kanila ay DIYOS MABALOS, na ang ibig sabihin, Diyos na ang maganti, parang sinasabi na hindi ko kayang gantihan ka ng sapat sa ginawa mo – DIYOS MABALOS – ang Diyos na ang gaganti sa iyo at sapat siyang gumanti!

Sa ating panahon ngayon dahan-dahan na nawawala na ang pagpapakumbaba. Ibig natin na tayo ay makilala. Parang ang pagpapakumbaba ay tanda ng kahinaan. Tinutulak din tayo na makilala at maging tanyag ng social media. Anong maliit na nangyari sa atin o ating ginawa ay pinopost natin agad sa social media. Gusto natin na i-like tayo ng maraming tao. Akala natin ay dakila tayo kasi may marami na tayong friends sa social media. Nasasaktan tayo kapag tayo ay ina-unfriend. Ang hangarin natin ay maging viral tayo. Gusto nating pansinin tayo kaya kung anu-ano na ang ginagawa – anong sayaw, anong awit o salita, basta lang mapansin – para lang maging viral. Pero ang pagiging viral ay panandalian lang. Viral tayo ngayong araw o ngayong sandali lang nga, at bukas wala na.

Ang halaga ng tao ay wala sa pagpansin sa kanya ng iba. Ang kanyang worth ay ang kanyang kabutihan at kagandahang loob, nakikita man ng iba o hindi. Nakatatak ang mga iyan sa puso ng Diyos. Ang dapat pahalagahan natin ay kung ano ba ang tingin ng Diyos sa atin. Siya ang nakakakita at nakakaalam ng tunay na halaga natin. Anumang kabutihan na nagawa natin ay alam niya at hindi niya ito kaliligtaan. May gantimpala ang lahat ng kabutihan. Hayaan natin na tayo ay kilalanin at gantimpalaan ng ating Diyos.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

BPO industry

 4,832 total views

 4,832 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 12,877 total views

 12,877 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 17,957 total views

 17,957 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 23,664 total views

 23,664 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 32,452 total views

 32,452 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 7, 2024

 6,469 total views

 6,469 total views Homily July 7, 2024 14th Sunday Ordinary Time Cycle B Ez 2:2-5 2 Cor 12:7-10 Mk 6:1-6 Talagang nakakataka. Ang mabuti ay mahirap tanggapin at mahirap gawin, pero ang masama ay madaling paniwalaan at madaling gawin. Mahirap maniwala ang tao na nakabubuti sa kanila ang kabutihan pero madali sundin ang masasamang gawain. Hindi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 30, 2024

 4,598 total views

 4,598 total views 13th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. Peter’s Pence Sunday Wis 1:13-15; 2:23-24 2 Cor 8:7. 8. 13-15 Mk 5:21-43 Napakaraming kasamaan ang nababalitaan natin at nararanasan – pag-aaway, karamdaman, bisyo, at marami pa. Ang pinakamasama na iniiwasan natin pero madalas na nangyayari at sinasadya pang gawin ay ang kamatayan. Ang Magandang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 23, 2024

 6,881 total views

 6,881 total views 12th Sunday of Ordinary time Cycle B Job 38:1.8-11 2 Cor 5:14-17 Mk 4:35-41 Nakakatakot talaga na datnan ng bagyo sa gitna ng dagat. Kahit na iyong malayo sa Diyos ay napapatawag sa kanya. Lahat ng santo ay natatawagan nila. Ang mga kasama ni Jesus ay mga mangingisda. Sanay sila sa dagat. Pero

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 16, 2024

 9,787 total views

 9,787 total views 11th Sunday of Ordinary Time Cycle B Father’s Day Ez 17:22-24 2 Cor 5:6-10 Mk 4:26-34 Happy Father’s Day sa mga tatay na nandito! Ang ikatlong Linggo kada buwan ng Hunyo ay Father’s Day. Pinapaalaala po sa atin ang mga tatay natin. Malaki ang influensiya nila sa atin at malaki ang utang na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 9, 2024

 10,726 total views

 10,726 total views Homily June 9, 2024 10th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 3:9-15 2 Cor 4:13-5:1 Mk 3:20-35 Bising-bisi si Jesus. Marami ang mga tao na pumupunta sa kanya at sa kanyang mga alagad. Marami ang dumadating upang magpagaling sa anumang karamdaman. Lalong marami ay dumadating upang makinig sa kanyang mga aral. May

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 2, 2024

 10,720 total views

 10,720 total views Homily June 2, 2024 Solemnity of the Most Holy Body and Blood of Christ Cycle B Ex 24:3-8 Heb 9:11-15 Mk 14:12-16.22-26 Napakalaki ng pag-ibig ng Diyos sa atin. Naging tao siya upang makapiling tayo. Kahit na siya ay umakyat na sa langit patuloy pa rin tayong pinangangalagaan. Ipinamamagitan niya tayo sa Ama.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 26, 2024

 14,438 total views

 14,438 total views Solemnity of the Most Holy Trinity Cycle B Basic Ecclesial Community Sunday Deut 4:32-34.39-40 Rom 8:14-17 Mt 28:16-20 Matapos ang makababalaghang karanasan ng mga Israelita sa paglikas nila sa Egipto at matapos ang mahabang paglalakbay nila sa disyerto ng apatnapung taon, pinaisip sila ni Moises bago sila pumasok sa lupaing ipinangako sa kanila.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 19, 2024

 16,284 total views

 16,284 total views Homily May 19, 2024 Pentecost Sunday Cycle B Acts 2:1-11 1 Cor12:3-7.12-13 Jn 20:19-23 Ang Pentekostes ay isang dakilang pista ng mga Hudyo, kaya mayroong maraming tao noon sa Jerusalem na galing sa iba’t-ibang bansa. Namimiesta sila. Sa kapistahan ng Pentekostes ipinagdiriwang ng mga Hudyo ang pagbibigay sa kanila ng mga batas ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 12, 2024

 16,281 total views

 16,281 total views Homily May 12, 2024 Ascension Sunday World Communications Sunday Mother’s day Acts 1:1-11 Eph 4:1-13 Mk 16:15-20 Bahagi ng buhay ng tao ay ang pag-welcome at ang pamamaalam. Kadalasan masaya tayo sa pag-welcome sa isang dakila o mabait na tao at malungkot tayo sa pag-alis niya. Masaya tayo sa pagtanggap sa auntie na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 5, 2024

 20,790 total views

 20,790 total views 6th Sunday of Easter Acts 10:25-26 1 Jn 4:7-10 Jn 15:9-17 Pag-ibig. Hinahanap-hanap ito ng marami. Ito ang nagbibigay ng kulay sa ating buhay at ito nga ang nagbibigay ng kabuluhan sa ating gawain. Kahit na mahirap at kahit na matagal, anumang hamon ay gagawin natin at magagawa natin kung tayo ay may

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 21, 2024

 26,106 total views

 26,106 total views Homily April 21, 2024 4th Sunday of Easter Cycle B Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 4:8-12 1 Jn 3:1-2 Jn 10:11-18 Taon-taon ang ika-apat na Linggo ng panahon ng Muling Pagkabuhay ay Good Shepherd Sunday. Maliwag ang sinabi ni Jesus sa atin ngayong araw: “Ako ang mabuting pastol.”

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 14, 2024

 28,264 total views

 28,264 total views Homily April 14, 2024 3rd Sunday of Easter Cycle B Acts 3:13-15.17-19 1 Jn 2:1-5 Lk 24:35-48 Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay ang tagumpay sa kasalanan. Ibinuhos na kay Jesus ang lahat ng fuersa ng kasalanan. Naranasan niya ang iba’t-ibang anyo ng kasalanan. Siya ay pinagbili ni Judas, pinagtinaksilan ni Pedro, pinagbintangan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 7, 2024

 30,422 total views

 30,422 total views Homily April 7, 2024 2nd Sunday of Easter Cycle B Divine Mercy Sunday Acts 4:32-35 1 Jn 5:1-6 Jn 20:19-31 Ang muling pagkabuhay ay hindi lang tagumpay ni Jesus. Tagumpay ito ng buong katawan ni Kristo kaya kasama tayong lahat diyan kasi kaisa tayo ng katawan ni Kristo. Narinig natin sa ating ikalawang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | April 6, 2024

 30,772 total views

 30,772 total views First Things First | April 6, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 10, 2024

 44,241 total views

 44,241 total views 4th Sunday of Lent Cycle B Laetare Sunday 2 Chr 36:14-16.19-23 Eph 2:4-10 Jn 3:14-21 Dinasal natin sa ating pambungad na panalangin: “Sa masigasig na pagsamba at matibay na pagsampalataya ang Sambayanang Kristiyano ay makadulog nawang masaya sa pagdiriwang ng dakilang kapistahan ng Pagkabuhay.” Nasa ikaapat na Linggo na tayo ng Kuwaresma. Sana

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top