VeritasPH

The Word, The Truth

PAKIKILAKBAY SA LANDAS NI KRISTO (Pyestang Sta Clara)

SHARE THE TRUTH

 307 total views

Homiliya para sa Ika-22 Linggo ng Karaniwang Panahon, 28 Agosto 2022, Luk 14: 1, 7-14

Sta Clara Parish, Malabon city.l

Tema: “Sta Clara, modelo ng pakikilakbay tungo sa kaganapan ng buhay”

Obvious sa akin ang pinagkuhanan ng inspirasyon ng temang ito: si Pope Francis—and Santo Papang nanawagan para sa isang simbahang “mas higit na SINODAL.” Ibig sabihin, simbahang nakikilakbay sa iisang landas, at ang landas na iyon ay walang iba kundi si Kristo mismo. Walang mataas at mababa, walang unahan at wala ding iwanan. Siya na nagsabing “Naparito ako upang bigyan kayo ng buhay, ganap na buhay.” (Jn 10:10)

Pero dahil ipinagdiriwang natin bilang parokya ang pyesta ni Sta Clara, tinatanong natin kung paano natin siya matutularan bilang “modelo ng pakikilakbay tungo sa kaganapan ng buhay”. Hindi natin mapag-uusapan si Sta Clara kung din natin ipapasok sa eksena si St Francis of Assisi—ang pinagkuhanan niya ng inspirasyon sa pakikilakbay kay Kristo, sa pagsunod sa landas niya.

Ano ba ang landas na ito? Ito’y isang simpleng prinsipyo na sinunod ni St Francis, at nakita niya bilang susi ng pagbabago sa simbahan noong kapanahunan niya. Ang narinig kasi niyang mensahe nang tawagin siya ni Hesus ay “Francis, rebuild my Church.” Narinig daw niya iyon sa San Damiano habang nakatitig sa larawan ni Kristo sa krus sa loob ng isang gumuhong simbahan. Akala niya simbahang bato ang pinatatayong muli ni Hesus sa kanya. Iyon pala ang sambayanan ng mga alagad ang tinutukoy niya—na tulungan silang makabalik sa landas ni Kristo, makilakbay sa kanya, dahil ang simbahan noon ay para bang napalayo na, nalihis nang landas. Naging isang institusyon na walang ibang pinagkakaabalahan kundi ang mapanatili ang sariling otoridad at impluwensya sa daigdig at sa lipunan.

Palagay ko ang Gospel reading natin ngayon ang isa sa mga nagbigay liwanag at bagong direksyon sa buhay ni Francisco, at ng kaibigan niyang si Clara. Ang pinakabuod ng mabuting balita ng landas o prinsipyong itinuro ni Hesus sa kanyang mga alagad: dalawang punto: Una, “Ang nagtataas ng sarili ay ibababa.” Pangalawa, “Ang natututong magpakumbaba ay itataas.”

Una, “Ang nagtataas ng sarili ay ibababa.”

Pagtataas ng sarili—ito ang diwa ng karamihan sa mga makamundong ambisyon—ang yumaman, ang sumikat (makilala), ang maging makapangyarihan. In short, ang tatlong K; kayamanan, kapangyarihan at katanyagan. Ito ang madalas na gamitin ni Satanas na pambingwit sa tao simula’t sapul. Di ba ito ang liyang binigkas niya kina Adan at Eba sa Gen 3 nang turuan niya silang sumuway sa Diyos at kumain ng bungang kahoy na ipinagbawal ng Diyos sa kanila dahil ikamamatay daw nila ito?

Sabi ng ahas: “hindi kayo mamamatay; mabubuksan ang mga mata ninyo at magiging katulad kayo ng Diyos, malalaman na rin ninyo ang mabuti at masama.” Sa madaling salita, Kapangyarihan ang alok ng ahas. Pag natamo mo ito, hindi mo na kailangan ang Diyos dahil Diyos ka na. At nahulog nga ang tao sa tukso. Hanggang ngayon, marami pa rin ang nahuhulog sa tuksong ito na lumihis ng landas ng Diyos at sumunod sa landas ni Satanas: kayamanan, katanyagan, kapangyarihan para sa sarili.

Nagsimula ang kwento nina St Francis at St. Clare sa isang krisis. Akala ng mga tao nasiraan na sila ng ulo. Si St. Francis talaga namang nagka-depression siya. Parang nawalan ng kabuluhan sa kanya ang lahat ng dating tinuturing na makahulugan ng kanyang pamilya, ng lipunan, pati na rin ng simbahan. Di niya alam, ang akala niyang breakdown ay magiging breakthrough pala. Bibigyan siya ng mahalagang papel ng Diyos sa pagkukumpuni sa simbahan.

Nagsimula ang lahat nang talikuran nina San Francisco at Sta Clara ang tatlong K ng daigdig, upang hanapin ang tunay na K, na tatlo din: kabutihan, kagandahan, katotohanan—ang mga pundasyon ng tunay nating karangalan, bilang tinawag na maging mga anak ng Diyos kung matutuhan nating makilakbay kay Kristo sa kaganapan ng buhay. At may isa pang K na idinagdag si St. Francis: kalikasan o kapaligiran.

Dumako na tayo ngayon sa second part ng summary ng ebanghelyo: ang pangalawang prinsipyo, “Ang natututong magpakumbaba ay itataas.”

Kaya pala nang makatagpo ni Hesus si Zaqueo, ang mensahe niya sa kanya ay: “BUMABA KA. “ Ito kasi ang paraan ni Hesus. Alam ni Hesus na ang ginagawang paraan ni Zaqueo upang tumaas siya sa lipunan at mapansin ay ang pag-akyat (na simbolo ng pagtataas ng sarili). Sabi ni San Lukas: sabik daw si Zaqueo na makita si Hesus kaya umakyat siya sa puno ng sikomoro. Tiningala siya ni Hesus at sinabihan: Bumaba ka, makikikain ako sa bahay mo. Noon lang nasimulan ang tunay na pagtaas ng kanyang pagkatao: nang sabihin niyang, “Panginoon, kung may kinuha ako na hindi akin, isosoli ko ito nang makaapat na ulit.”

Walang magtataas sa tao kundi ang Diyos mismo. Tulad ng nasabi ko sa simula, hindi natin dapat itaas ang ating sariling bangko. Pagyayabang iyon. Hindi ba ang Magnificat ay sagot ni Maria kay Elisabet? Di ba’t pinakapuri-puri siya nang husto at pinakataas-taas ni Elisabet nang sabihin niya sa pinsan niya, “Mapalad ka sa babaeng lahat, at mapalad din ang dala mo sa iyong sinapupunan!” (Lk 1:42)

Sa Magnificat ang sagot ni Mama Mary ay, “Hindi ako kundi ang Diyos ang tunay na Dakila. Siya ang nagtaas sa akin, ako na isang abang alipin.” Kaya pala sa inawit niyang Magnificat, sinabi ni Mama Mary, “Ibababa niya ang mga nagmamataas at itataas niya ang mga nasa mababang kalagayan.” Hindi naman para ibaligtad ang sitwasyon nila kundi upang ipantay sila sa isa’t isa. Ito ang landas ni Kristo: sa mata ng Diyos pantay pantay ang dangal natin. Ibig niyang lahat tayo ay maging mga anak niya.

Itinuro ni Hesus ang sikreto ng tunay na pagtaas o pag-angat: hindi K (kayabangan) kundi ibang K (kababaan ng loob). Ito ang ibinigay niyang halimbawa sa kanyang pagkakatawang-tao, sa kanyang pagdurusa at kamatayan. Nag-KENOSIS muna siya. Ibinuhos nang lubos ang sarili upang punuan ang pagkukulang ng tao.

Malay natin na sa panahon natin, ang magpapaalalang muli sa diwa ng pakikilakbay na ginawa nina San Francisco at Sta Clara ay isang Heswita na tumawag na Francisco sa sarili nya nang siya’y mahalal na Santo Papa? Para bang inulit ng Panginoon kay Pope Francis ang mensaheng sinabi niya kay St. Francis sa San Damiano: Rebuild my Church, isaayos mong muli ang aking simbahan. Paano? Sa pakikilakbay sa landas tungo sa talagang magbibigay ng kaganapan ng buhay.

Ito ang prinsipyong isinabuhay nina St. Francis at St. Claire na ginawang isang panalangin at pinasikat bilang kanta: “Gusto mong maging mapalad? Maging bukas-palad ka. Gusto mong tumanggap ng patawad? Magpatawad ka. Gusto mong magkamit ng buhay na walang hanggan? Huwag mong lagyan ng hangganan ang iyong kahandaang magbigay buhay, lubhang ito’y iyong ipagdusa at ikamatay. “ Ito ang ibig sabihin ng makilakbay sa landas patungo sa kaganapan ng buhay.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Mga payaso sa sirko

 2,544 total views

 2,544 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 18,530 total views

 18,530 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 26,575 total views

 26,575 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 31,655 total views

 31,655 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 37,361 total views

 37,361 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 2,631 total views

 2,631 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 7,047 total views

 7,047 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 2,373 total views

 2,373 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 2,896 total views

 2,896 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 4,395 total views

 4,395 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 5,239 total views

 5,239 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 3,494 total views

 3,494 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 7,707 total views

 7,707 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 6,940 total views

 6,940 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 11,152 total views

 11,152 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 4,600 total views

 4,600 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 4,604 total views

 4,604 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 4,604 total views

 4,604 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD COMPACT

 4,596 total views

 4,596 total views BLOOD COMPACT Homiliya para sa Kapistahan ng Corpus Christi, 2 Hunyo 2024 Markos 14:12-16, 22-26 Sa America, lalo na noong bago nag-pandemya, sanay sila sa double species na communion sa Misa. Bukod sa ostia, umiinom din sila sa konsagradong alak. Sayang hindi natin nakasanayan ito sa Pilipinas, sa kabila ng kultura natin sa

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IBIG KO PO SANANG MAKAKITA

 4,596 total views

 4,596 total views IBIG KO PO SANANG MAKAKITA Homiliya para sa Huwebes sa Ikawalong Linggo ng Karaniwang Panahon, a-30 ng Mayo 2024, Markos 10:46-52 Tutukan natin ng pagninilay ang tungkol sa halaga ng PAKIKIRAMDAM bilang bilang simula ng pagiging alagad. Husay sa PAKIKIRAMDAM ang translation ko ng ATTENTIVENESS. Nasabi ko na minsan sa inyo na sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top