Obispo sa mga Pilipino, tularan ang pagsasabuhay ng mga bayani sa katotohanan at kalayaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 929 total reads

Ang paggunita sa Araw ng mga Bayani ay hindi lamang patuloy na pagkilala kundi pagbalik-tanaw sa mabuting nagawa ng mga bayani na huwaran at inspirasyon ng mga Pilipino.

Ito ang paalala ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio sa mga Pilipino sa paggunita ng Araw ng mga Bayani ngayong taon.

Ayon sa Obispo, ang mga nagawa at halimbawa ng buhay ng mga bayani ay hindi lamang inspirasyon sa buhay ng bawat isa kundi maging para sa buhay espiritwal at buhay na walang hanggan.

Iginiit ni Bishop Florencio na mabuting gawing huwaran ang pagpapahalaga at pagsasabuhay ng mga bayani sa katotohanan, kalayaan, kapayapaan at dignidad ng buhay.

“Ang mas importante sa araw na ito na paggunita natin ng Araw ng mga Bayani ay ipakita din natin kung papaano nila isinabuhay ang mga bagay na ito about the sense of truth, the sense of life, dignity for life and also the highest commandment yung pagmamahal. Ngayong araw na ito tingnan natin kung ano ang pinahahalagahan natin, ano ba ang mga bagay na ito dahil ito ay magkakaroon ng kabuluhan kung bibigyan natin dahil hindi lang ito dito sa mundo but also the life to come in the other life,” pahayag ni Bishop Florencio sa panayam sa Radio Veritas.

Pinayuhan ng Obispo ang mga Pilipino na gunitain ang Araw ng mga Bayani sa pamamagitan ng spiritual perspective na binibigyang halaga ang katotohanan, buhay, at pagmamahal para sa bayan at kapwa.

“Sana ang pagdiriwang ay bigyan natin ng spiritual perspective. Unang-una, bibigyan natin ng halaga ang katotohanan, bigyang halaga ang Panginoon dahil the Lord is the Truth, God is the Truth, binibigyan natin ng halaga ang buhay dahil ang buhay ay nagmula sa Panginoon, at binibigyan natin ng kahalagahan ang pagmamahal mula sa Diyos, kung itong lahat ay tinitingnan natin as the first priority, perspective sa buhay natin then itong pagdiriwang natin ng Araw ng mga Bayani ay makabuluhan,” paglilinaw ng Obispo.

Ipinagdiriwang ang Araw ng mga Bayani bilang pagkilala sa kabayanihan ng mga Pilipinong nagbuwis ng buhay para sa kalayaan ng bansa na ginugunita tuwing ika-apat na Lunes ng Agosto.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 10,105 total reads

 10,105 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 11,509 total reads

 11,509 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 24,885 total reads

 24,885 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 62,263 total reads

 62,263 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 93,533 total reads

 93,533 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 169,189 total reads

 169,189 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 262,222 total reads

 262,222 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 25,282 total reads

 25,282 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top