Gawing kasama at gabay sa paglalakbay ang Birheng Maria – Bishop Florencio

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,206 total reads

Ang kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria ay bahagi ng plano ng Panginoon para sa pagsasakatuparan ng pangakong kaligtasan ng sangkatauhan.

Ito ang bahagi ng pagninilay ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio sa misang isinagawa sa Shrine of St. Therese of the Child Jesus sa paggunita ng Simbahang Katolika sa Kapistahan ng Pagsilang ng Mahal na Birheng Maria.

Ayon sa Obispo, mahalagang gunitain ang pagsilang sa Mahal na Birheng Maria na naging daan upang maisakatuparan ang pangakong kaligtasan at buhay na walang hanggan sa sangkatauhan sa pamamagitan ng pagbibigay buhay kay Hesus.

“The whole church celebrates the Nativity of Our Lady, this celebration of the nativity of Our Lady is something that we should be happy of because of Our Lady, the Blessed Mother when she was born it was also part of the whole plan of God for our redemption. Let us thank Our Lady, because of her faithful obedience we were also able to benefit to all the blessings particularly the internal life.” pagninilay ni Bishop Florencio.

Hinimok ng Obispo ang lahat na patuloy na hilingin ang paggabay ng Mahal na Ina sa paglalakbay bilang isang pamilya, komunidad at nagkakaisang Simbahan.

Ipinaliwanag ni Bishop Florencio na mas higit na makabuluhan ang paglalakbay sa buhay ng may kasama at gabay lalo’t higit ang Mahal na Birheng Maria na matapat na tagasunod sa kaloob ng Panginoon Maykapal.

“Let us ask Our Lady today as we celebrate her nativity, her birthday let us ask her to guide us, sabayan tayo, gabayan niya tayo dito sa ating paglalakbay as a Church, as a community, as a family we are into this journey, we are synodal church, a journey in church. Hindi po maganda na sa paglalakbay natin mag-isa lang tayo, maganda na may kasama tayo lalong lalo na ang Mahal na Ina, the Blessed Mother.” Dagdag pa ni Bishop Florencio.

Unang binigyang diin ng Obispo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng malalim na debosyon sa Mahal na Ina ng mga kawani ng pwersa ng pamahalaan na humaharap sa iba’t ibang delikadong misyon at mandatong protektahan at tiyakin ang kaligtasan ng taumbayan.

READ:

https://www.veritasph.net/palalimin-ang-debosyon-kay-birheng-maria-paanyaya-ng-mop-sa-men-and-women-in-uniform/

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THE LOST LESSONS

 4,753 total reads

 4,753 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 55,128 total reads

 55,128 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 189,303 total reads

 189,303 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 274,687 total reads

 274,687 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 338,202 total reads

 338,202 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top