Birheng Maria kaligtasan ng sangkatauhan – Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 801 total views

Inilarawan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang Mahal na Birheng Maria bilang tanda ng kaligtasan ng sangkatauhan.

Ito ang mensahe ng arsobispo sa kapistahan ng Pagsilang ni Maria sa misang ginanap sa San Bartolome De Novaliches Parish sa Quezon City.

Ayon sa cardinal, mahalagang tungkulin ang ginampanan ng Mahal na Ina para sa katubusan ng sanlibutan sapagkat kaakibat ng kanyang pagsilang ang liwanag sa buong mundo mula sa dilim ng kasalanan ng tao.

“To be the daybreak is the mission of Mary. She is the sign that God is about to fulfill His promise of salvation. Just as daybreak assures us that the day is coming, the birth of Mary is the assurance that the Light of the world is near,” ayon kay Cardinal Advincula.

Sinabi ni Cardinal Advincula na si Maria ang bukangliwayway sa umaga kung saan nagsimulang talunin ang kadiliman dahil kay Hesus na kanyang ipaglilihi.

Pinangunahan ng cardinal ang pagbukas sa taunang General Assembly ng Manila Ecclesiastical Province School System Association o MAPSA kung saan pinaalalahanan ang mga guro na tularan si Maria bilang bukang liwayway sa mga kabataan.

“We are too called to be the daybreak; this mission is apparent in our task of educating and forming the children and the young. Dear school administrators, teachers, personnel, and parents we are to be the daybreak that will bring the light of Jesus to the lives of our students,” saad ng Cardinal.

Hamon ng arsobispo sa mga tagapaghubog ng mga kabataan na itaguyod ang katotohanan at labanan ang anumang uri ng fake news at misinformation gayundin ang pagsusulong ng kabutihan, habag at pag-ibig sa kapwa.

“Let us make it our mission to ensure that our educational process becomes the daybreak for our society as we produce good, capable, truthful, compassionate, and God-fearing students who are to be lights of our world,” saad ni Cardinal Advincula.

Si Cardinal Advincula ang chairman ng MAPSA habang pangulo naman si Fr. Albert Delvo, PhD – Parish Priest ng San Bartolome De Novaliches at Superintendent ng Roman Catholic Bishop of Novaliches Educational System.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pagdanak ng dugo

 891 total views

 891 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 25,207 total views

 25,207 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 60,997 total views

 60,997 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 102,876 total views

 102,876 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 156,172 total views

 156,172 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top