Signature campaign laban sa “seabed quarrying” sa Cavite, ilulunsad ng Diocese of Imus

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 991 total reads

Patuloy na babantayan ng Diyosesis ng Imus ang operasyon ng seabed quarrying sa baybaying sakop ng limang bayan sa lalawigan ng Cavite.

Sa liham-pastoral hinggil sa Panahon ng Paglikha, sinabi ni Bishop Reynaldo Evangelista na kailangang bantayan ng publiko ang operasyon ng San Nicolas Shoal Seabed Quarrying Project ng VIL Mines, Inc. sa baybayin ng Noveleta, Rosario, Tanza, Naic, at Ternate.

Ito’y dahil sa panganib at pinsalang maidudulot ng labis na paghigop at pagkuha ng buhangin na makakaapekto sa likas na kalagayan ng kalikasan lalo na sa karagatan, at kabuhayan ng mga nasa baybaying komunidad.

“Kamakailan lamang, ang Ministy sa Kalikasan ng Diyosesis ng Imus ay nakatanggap ng mensahe mula sa Arsidiyosesis ng Maynila na magkakaroon ng ocular inspection sa San Nicolas Shoal at public hearing tungkol sa Expanded Seabed Quarrying sa lugar na ito,” bahagi ng liham-pastoral ni Bishop Evangelista.

Nagkakahalaga ng P500-milyong ang planong pagpapalawig sa proyekto at may lawak na higit sa walong libong ektarya.

Ang San Nicolas Shoal ay isang sand bar o sand barrier na nagsisilbing proteksyon ng mga komunidad malapit sa dalampasigan laban sa malalakas na alon at pagbaha.

Iginiit ni Bishop Evangelista na kapag nagpatuloy ang seabed quarrying, tuluyan rin nitong sisirain ang tahanan ng iba’t ibang lamang dagat tulad ng isda na magdudulot naman sa kawalan ng hanapbuhay ng mga mangingisda.

Dalangin naman ng Obispo na nawa’y mabigyang-pansin ng mga kinauukulan ang panawagan laban sa mapaminsalang proyekto, at sa pamamagitan nito’y matutunan ang ecological conversion upang maipakita ang pagiging mabuting katiwala ng sangnilikha.

“Ngayong Season of Creation o Panahon ng Paglikha 2022, muli nating panibaguhin ang paanyaya ni Papa Francisoco sa pagbabagong-loob na makakalikasan (ecological conversion); manalanging kasama ang Sangnilikha at para sa Sangnilikha; mamuhay ng payak. at pangalagaan ang ating kalikasan,” ayon sa Obispo.

Una nang nagpahayag ng pagtutol si Bishop Evangelista hinggil sa seabed quarrying sa kanyang pagninilay para sa pagbubukas ng Season of Creation sa Diyosesis ng Imus.

Sinabi rin dito ng Obispo ang paglulunsad ng signature campaign bilang panawagang pigilan ang mapaminsalang proyekto sa lalawigan.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 12,856 total reads

 12,856 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 70,061 total reads

 70,061 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 155,427 total reads

 155,427 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 202,163 total reads

 202,163 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 250,035 total reads

 250,035 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 350,549 total reads

 350,549 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 170,436 total reads

 170,436 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top