Palalimin ang debosyon kay birheng Maria, paanyaya ng MOP sa men and women in uniform

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 878 total reads

Magdasal ng Santo Rosaryo bilang isang bayan at pamilya na alay sa Mahal na Birheng Maria.

Ito ang tagubilin ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio sa lahat ng mga pari, chaplains at mga civilian at men and women in uniform sa kapistahan ng pagsilang ng Mahal na Birheng Maria.

“We also enjoin yung mga pari, yung mga chaplains at saka ang lahat ng mga constituents na talagang magdasal as a nation, magdasal as a family lalong lalo na yung rosary, ialay natin sa Mahal na Birhen.” Paanyaya ni Bishop Florencio sa Radio Veritas.

Ayon sa Obispo ng Military Diocese, mahalaga ang pagkakaroon ng malalim na debosyon sa Mahal na Ina lalo na ng mga kawani ng puwersa ng pamahalaan na humaharap sa iba’t-ibang delikadong misyon.

Ipinaliwanag ni Bishop Florencio na pambihirang kapanatagan ang dulot ng debosyon sa Mahal na Inang Maria lalo na sa gitna ng kawalan ng katiyakan dahil sa kanyang pagiging katangi-tanging tagapamagitan kay Hesus.

“Napakahalaga po sa amin, napakahalaga po sa men and women in uniform ang kanilang devotion sa Mahal na Ina dahil unang-una alam natin kung meron tayong Ina ay talagang panatag tayo at alam natin na hindi tayo pababayaan dahil Ina natin yan, dapat tayong mga Katoliko ay magkaroon din ng malalim na debosyon para sa Mahal na Ina.” Dagdag pa ni Bishop Florencio.

Saklaw ng Military Ordinariate of the Philippines ang pangangasiwa sa paggabay sa buhay espiritwal ng mga kawani ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management & Penology (BJMP) at Veterans Memorial Medical Center (VMMC).

Sa datos ng Catholic Hierarchy katuwang ni Bishop Florencio sa pangangasiwa sa military diocese ang nasa 160 na mga pari sa 75 parokya sa buong bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 68,578 total reads

 68,578 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 104,087 total reads

 104,087 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 139,387 total reads

 139,387 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 365,657 total reads

 365,657 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 255,201 total reads

 255,201 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top