13th month pay at bonus, ibigay na sa mga manggagawa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 439 total views

Pinaalalahanan ng CBCP – Epicopal Commission on Migrants and Itinerant People ang mga employers na maagang ibigay ang 13th month pay at Christmas bonus ng kanilang mga manggagawa.

Ayon kay Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, chairman ng komisyon, pagpapakita ng pagpapahalaga sa mga manggagawa kung mapapa – aga ang pagbibigay sa kanilang 13th month at Christmas bonus.

Iginiit ni Bishop Santos na kung maagang maipagkaloob ito sa mga empleyado ay makapamimili sila ng in advance at makatulong sa pagluwag ng daloy ng trapiko at pagdami ng tao sa mga malls at pamilihan.

Tinitiyak ng Obispo na mas lalong maging produktibo ang mga empleyado kapag naibibigay sa oras ang kanilang benepisyo at pribilehiyong itinatakda ng batas.

Malinaw aniya ang itinatakda ng batas na dapat naibigay na sa mga empleyado ang kanilang 13th month pay ng hindi lalagpas sa Disyembre 24 ng bawat taon.

“Kung ibibigay natin kung ano ang nararapat sa manggagawa tayo ay nagbibigay ng pagpapahalaga sa kanila at sila rin bilang ganti ay magbibigay rin ng pagpapahalaga sa kanilang gawain sa pabrika at employers,”pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Samantala, sakaling mabigo naman ang isang kumpanya na ibigay ang 13th month pay sa kanilang manggagawa ay dapat maisampa agad ang reklamo sa regional labor office ng hindi lalagpas sa Enero 15 ng kasunod na taon.

Nabatid na noong December 2015 mula sa mahigit apat na libong natanggap na reklamo ng DOLE o Department of Labor and Employment ay apat lamang na complaints ang may kinalaman sa hindi pagbabayad ng 13th month pay o mas mababa sa 33 percent kumpara noong taong 2014.

Sa Laborem Exercens si Pope St. John Paul II, nakasaad na dapat kilalanin ng mga kumpanya ang karapatan ng mga manggagawa sa kanilang trabaho at hindi lamang kanilang perang kikitain.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Wellness Day

 64,202 total views

 64,202 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 87,361 total views

 87,361 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 108,635 total views

 108,635 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 274,660 total views

 274,660 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Our dear people in government

 219,388 total views

 219,388 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top