Diocese of Ilagan, nagpapasalamat sa Pondo ng Pinoy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 46,672 total reads

Nagpapasalamat ang Diocese of Ilagan sa patuloy na pagtulong ng Pondo ng Pinoy.

Ayon kay Mother Mary Peter Camille Marasigan, FLDP o kilalala sa tawag na Mo. Camille, malaking tulong ang Pondo ng Pinoy sa kanilang mga programa na ginagawa sa lalawigan ng Isabela lalu na sa Feeding at Scholarship Program.

Sinabi ni Mo. Camille na ang adhikain ng Pondo ng Pinoy ay tunay na kumakatawan sa ebanghelisasyon patungo sa kaganapan ng buhay.

“Sa akin pong karanasan ang Pondo ng Pinoy ay naka-ugat at kumakatawan sa napapanahon na ebanghelisasyon tungo sa kaganapan ng buhay o yung tinatawag natin na fullness of lfe, ito ay kasabay ng pagbuo ng ating buhay na nahuhubog ang buhay tungo sa pagtugon at pagbabahagi na nagmumula sa maliit subalit nagiging bahagi ng pang araw-araw na adhikain” pahayag ni Mo. Camille sa panayam ng programang Caritas in Action sa Radyo Veritas.

Isa sa mga programa na tinututukan ng Diocese of Ilagan katuwang ang Pondo ng Pinoy ay ang pagbibigay ng pagkakataon sa mga mahihirap na kabataan na makapag-aral.

Nagagalak ang Madre sa resulta ng kanilang mga programa kung saan nakapagpatapos sila ng cum laude sa kolehiyo.

“isa pa sa program na naisusulong namin na nagiging matingkad ngayon ay nakiktia namin ang mga mahihirap na bata na nagkaroon ng privilege na makapag-aral, meron kaming allocation na binibigay ng Pondo ng Pinoy taon-taon na na-convert namin ito na magamit sa scholarship program… Nitong nakaraang taon meron tayong 13 scholar kung saan sampu ang nasa kolehiyo at 3 ang nasa High school, mayroong dalawa doon sa College na naging Cum Laude” masayang pagbabahagi ni Mo. Camille.

Umapela ang Madre sa mga mananampalataya na patuloy na suportahan ang Pondo ng Pinoy kung saan ang natitipon na maliliit na halaga ay nagiging malalaking proyekto lalo na para sa mga mahihirap.

Magugunitang ang Pondo ng Pinoy ay sinimulan taong 2004 ng noo’y Manila Archbishop Cardinal Gaudencio Rosales kung saan nililikom nito ang mga bente sentimos sa mga Parokya o Paaralan upang itulong sa mga programa para sa mga mahihirap.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 9,488 total reads

 9,488 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 36,821 total reads

 36,821 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 77,380 total reads

 77,380 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 103,519 total reads

 103,519 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 151,786 total reads

 151,786 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 172,224 total reads

 172,224 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 107,933 total reads

 107,933 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top