458 total views
Tiniyak ng mambabatas ang paglikha ng mga programa para sa pagbuti ng ekonomiya ng bansa at kabuhayan sa mamamayan upang hindi na mangibang bayan.
Ito ang mensahe ni House Speaker Martin Romualdez sa pagharap sa Filipino Community sa New Jersey Performing Arts Center, kasama ang first family sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
“Your House of Representatives will work for the passage of necessary legislations to spur development and economic growth towards the realization of the vision of President Marcos, where our citizens no longer need to work abroad for lack of opportunities at home, but only may do so only as a matter of choice,” saad ni Romualdez.
Si Romualdez ay kasama sa delegado ng Pangulong Marcos Jr. na dadalo sa United Nations General Assembly (UNGA) sa New York.
Tiniyak din ng mambabatas na ipaparating sa mga pinuno ng buong mundo ang posisyon ng Pilipinas sa usapin na may kaugnayan sa climate change, food security at rule of law.
Nagpapasalamat din si Romualdez sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa malaking ambag sa ekonomiya sa pamamagitan ng remittances at kinilala bilang mga makabagong bayani ng bansa.
Ayon sa ulat nanatiling matatag ang remittances ng mga OFW na umaabot sa 2.395-million US dollars base sa pinakahuling datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas noong April 2022.
Unang nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa pamahalaan nang paglikha ng mga trabaho sa bansa upang hindi na mawalay ang mga manggagawang Filipino sa kani-kanilang pamilya.