Maglakbay ng sama-sama tungo kay Hesus, panawagan ni Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 560 total views

Hinimok ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalataya na isabuhay ang pakikipaglakbay sa kapwa na panawagan ng simbahan sa mamamayan.

Ito ang mensahe ng Cardinal sa vigil mass na ginanap sa Our Lady of Peñafrancia Basilica Minore and National Shrine sa Naga City bago ang kapistahan ng patron ng Bicolandia.

Binigyang diin ni Cardinal Advincula na itinatag ng Panginoong Hesus ang simbahan bilang sinodo upang anyayahan ang bawat nasasakupan na makilakbay ng sama-sama tungo kay Hesus.

“Itinatag ng Panginoong Hesus ang Simbahan bilang sinodo, at si Mahal na Ina ang ating kasama sa paglalakbay. Isabuhay natin ang diwa ng sinodo sa ating mga pamilya at mga pamayanang Kristiyano, at isabuhay natin ang Communion, Participation at Mission,” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Advincula.

Tema sa kapistahan ng Nuestra Señora de Peñafrancia ngayong taon ang ‘Mary accompanies us in our journey towards a synodal Church’ na hango sa panawagan ng Santo Papa Francisco na Synod on Synodality.

Bago ang banal na misa ay isinagawa ang dalawang oras na fluvial procession sa Naga River sa imahe ng Mahal na Birhen ng Peñafrancia at Divino Rostro na dinaluhan ng libu-libong deboto.

Ipinagdiriwang ang kapistahan ng patrona tuwing ikatlong Linggo ng Setyembre kung saan ngayong taon ito na ang ika – 312 pagdiriwang.

Ang Peñafrancia Festival sa Bicol region ang isa sa malalaking pista sa Pilipinas tulad ng Traslacion ng Nuestro Padre Jesus Nazareno ng Quiapo at Sinulog Festival ng Cebu tuwing Enero sa pagdiriwang ng kapistahan ng Sr. Sto. Niño.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 17,051 total views

 17,051 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 67,065 total views

 67,065 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 62,934 total views

 62,934 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 98,979 total views

 98,979 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 106,818 total views

 106,818 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top