HUWEBES, SETYEMBRE 29, 2022

SHARE THE TRUTH

 203 total views

Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael

Daniel 7, 9-10. 13-14
o kaya Pahayag 12, 7-12a
Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Poon, kita’y pupurihin
sa harap ng mga anghel.

Juan 1, 47-51



Feast of Saints Michael, Gabriel, and Raphael, Archangels (White)

UNANG PAGBASA
Daniel 7, 9-10. 13-14

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Daniel

Habang ako’y nakatingin, may naglagay ng mga trono. Naupo sa isa sa mga ito ang isang nabubuhay magpakailanman. Kumikinang sa kaputian ang kanyang kasuotan at parang lantay na lana ang kanyang buhok. Ang trono niya’y nagniningning. Ang mga gulong nito ay apoy na nagliliyab. Waring agos ng tubig ang apoy na bumubuga mula sa trono. Ang naglilingkod sa kanya’y isang milyon bukod pa sa milyon-milyong nakaantabay. Humanda na siya sa paggagawad ng hatol at binuksan ang aklat. Patuloy ang aking pangitain. Ang nakita ko naman ay isang tila taong nakasakay sa ulap. Bumaba ito at lumapit sa nabubuhay magpakailanman. Binigyan siya ng kapamahalaan, ng karangalan at ng kaharian. Siya ay paglilingkuran ng lahat ng tao, bansa at wika. Ang pamamahala niya ay di matatapos, at di babawiin, at hindi mawawasak ang kanyang kaharian.

Ang Salita ng Diyos.

o kaya:
Pahayag 12, 7-12a

Pagbasa mula sa aklat ng Pahayag

Sumiklab ang digmaan sa langit! Naglaban si Arkanghel Miguel, kasama ang kanyang mga anghel, at ang dragon, kasama naman ng kanyang mga kampon. Natalo ang dragon at ang kanyang mga kampon, at pinalayas sila sa langit. Itinapon ang dambuhalang dragon – ang matandang ahas na ang pangala’y Diyablo o Satanas, na dumaya sa buong sanlibutan. Itinapon siya sa lupa, pati ang kanyang mga kampon.

At narinig ko ang isang malakas na tinig buhat sa langit na nagsasabi, “Dumating na ang pagliligtas ng Diyos! Ipinamalas na niya ang kanyang kapangyarihan bilang Hari! Ipinamalas na ng Mesiyas ang kanyang karapatan! Pagkat pinalayas na sa langit ang umuusig araw at gabi sa mga kapatid natin. Nagtagumpay sila laban sa Diyablo sa pamamamagitan ng dugo ng Kordero at ng kanilang pagsaksi sa katotohanan; hindi sila nanghihinayang sa kanilang buhay. Kaya’t magalak kayo, kalangitan, at lahat ng naninirahan diyan!”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Poon, kita’y pupurihin
sa harap ng mga anghel.

Ako, Poon, buong pusong aawit ng pasasalamat
sa harap ng mga anghel, pupurihin kitang ganap
sa harap ng iyong templo ay yuyuko at gagalang,
pupurihin kita roon, pupurihin ang ‘yong ngalan.

Poon, kita’y pupurihin
sa harap ng mga anghel.

Dahilan sa pag-ibig mo at sa iyong katapatan,
ika’y tunay na dakila, pati iyong kautusan.
Noong ako ay tumawag, tinanggap ko ang tugon mo
sa lakas mong itinulong ay lumakas agad ako.

Poon, kita’y pupurihin
sa harap ng mga anghel.

Dahilan sa pangako mong narinig ng mga hari,
pupurihin ka ng lahat at ika’y ipagbubunyi;
ang lahat ng ginawa mo ay kanilang aawitin,
at ang kadakilaan mo ay kanilang sasambitin.

Poon, kita’y pupurihin
sa harap ng mga anghel.

ALELUYA
Salmo 102, 21

Aleluya! Aleluya!
Ang Panginoo’y purihin
ng lahat n’yang mga anghel
na tapat at masunurin.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 1, 47-51

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, nang makita ni Hesus si Natanael, ay kanyang sinabi, “Masdan ninyo ang isang tunay na Israelita; siya’y hindi mandaraya!” Tinanong siya ni Natanael, “Paano ninyo ako nakilala?” Sumagot si Hesus, “Bago ka pa tawagin ni Felipe, nakita na kita nang ikaw ay nasa ilalim ng puno ng igos.” “Rabi, kayo po ang Anak ng Diyos! Kayo ang Hari ng Israel!” wika ni Natanael. Sinabi ni Hesus, “Nanampalataya ka ba dahil sa sinabi ko sa iyong nakita kita sa ilalim ng puno ng igos? Makakikita ka ng mga bagay na higit kaysa rito!” At sinabi niya sa lahat, “Tandaan ninyo: makikita ninyong bukas ang langit, at ang mga anghel ng Diyos ay manhik-manaog sa kinaroroonan ng Anak ng Tao!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.



PANALANGIN NG BAYAN
San Miguel, San Gabriel, at San Rafael

Ang ating mga panalangin sa araw na ito ay inilalapit natin sa Ama sa pamamagitan ng pagkilos ng mga banal na Arkanghel, ang mga ganap na espiritu na walang tigil na naglilingkod sa Diyos at sa kanyang bayan.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Sa pamamagitan ng paglilingkod ng mga anghel,
pagpalain Mo kami, O Panginoon.

Ang mga Kristiyanong nagdurusa dahil sa pag-uusig nawa’y ipagtanggol at palakasin ni San Miguel, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagpapahayag ng katotohanan nawa’y mabuhayan ng loob sa pangangalaga ni San Gabriel, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga kapatid na maysakit at nagdurusa nawa’y aliwin ni San Rafael, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y magkaroon ng kababaan ng loob sa harap ng hiwaga ng paglikha na hindi natin nakikita, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang laging mamalayan ang pagkilos ng ating mga anghel na tagatanod, manalangin tayo sa Panginoon.

Diyos na Maylikha sa amin, tanggapin mo ang aming mga panalangin at kahilingan habang nagdiriwang kami dahil sa tulong ng mga anghel sa kalangitan na natitipon sa paligid ng dambanang ito. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

DONATE NOW
Shadow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 27,932 total views

 27,932 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 33,350 total views

 33,350 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 40,057 total views

 40,057 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 54,853 total views

 54,853 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 61,009 total views

 61,009 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

Related Story

BIYERNES, MAYO 10, 2024

 1,437 total views

 1,437 total views Biyernes sa Ika-6 ng Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Juan ng Avila, Pari at Pantas ng Simbahan Mga Gawa 18, 9-18 Salmo 46, 2-3. 4-5. 6-7 Hari ng sangkalupaan D’yos na Makapangyarihan. Juan 16, 20-23a Friday of the Sixth Week of Easter (White) or Optional Memorial of St. John of Avila,

Read More »

HUWEBES, MAYO 9, 2024

 1,705 total views

 1,705 total views Huwebes sa Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 18, 1-8 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4 Panginoong nagliligtas sa tanang bansa’y nahayag. Juan 16, 16-20 Thursday of the Sixth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 18, 1-8 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw na iyon,

Read More »

MIYERKULES, MAYO 8, 2024

 1,313 total views

 1,313 total views Miyerkules sa Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 17, 15. 22 – 18, 1 Salmo 148, 1-2. 11-12ab. 12k-14a. 14bkd Ang kadakilaan ng D’yos sa lupa’t langit ay lubos. Juan 16, 12-15 Wednesday of the Sixth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 17, 15. 22 – 18, 1 Pagbasa

Read More »

MARTES, MAYO 7, 2024

 2,313 total views

 2,313 total views Martes sa Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 16, 22-34 Salmo 137, 1-2a. 2bk-3, 7k-8 Ligtas ako sa ‘yong piling, lakas ko’y sa ‘yo nanggaling. Juan 16, 5-11 Tuesday of the Sixth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 16, 22-34 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong

Read More »

LUNES, MAYO 6, 2024

 2,661 total views

 2,661 total views Lunes sa Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 16, 11-15 Salmo 149, 1-2. 3-4. 5-6a at 9b Panginoo’y nagagalak sa hirang n’yang mga anak. Juan 15, 26 – 16, 4a Monday of the Sixth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 16, 11-15 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga

Read More »

LINGGO, MAYO 5, 2024

 2,325 total views

 2,325 total views Ikaanim na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (B) Mga Gawa 10, 25-26. 34-35. 44-48 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4 Panginoong nagliligtas sa tanang bansa’y nahayag. 1 Juan 4, 7-10 Juan 15, 9-17 Sixth Sunday of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 10, 25-26. 34-35. 44-48 Pagbasa mula sa mga Gawa ng mga Apostol

Read More »

SABADO, MAYO 4, 2024

 2,252 total views

 2,252 total views Sabado sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 16, 1-10 Salmo 99, 2. 3. 5 Purihin ng lahat ang D’yos, parangalan s’yang malugod. Juan 15, 18-21 Saturday of the Fifth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 16, 1-10 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw na

Read More »

BIYERNES, MAYO 3, 2024

 2,133 total views

 2,133 total views Kapistahan nina Apostol San Felipe at Santiago 1 Corinto 15, 1-8 Salmo 18, 2-3. 4-5 Laganap na sa daigdig ang kanilang mga tinig. Juan 14, 6-14 Feast of Saints Philip and James, Apostles (Red) UNANG PAGBASA 1 Corinto 15, 1-8 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto At ngayo’y

Read More »

HUWEBES, MAYO 2, 2024

 1,889 total views

 1,889 total views Paggunita kay San Atanasio, obispo at pantas ng Simbahan Mga Gawa 15, 7-21 Salmo 95, 1-2a. 2b-3. 10 Sa lahat ay pinahayag gawa ng Poong nagligtas. Juan 15, 9-11 Memorial of St. Athanasius, Bishop and Doctor of the Church (White) Mga Pagbasa mula sa Huwebes sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay UNANG PAGBASA

Read More »

MIYERKULES, MAYO 1, 2024

 1,755 total views

 1,755 total views Paggunita kay San Jose, manggagawa Genesis 1, 26 – 2, 3 o kaya Colosas 3, 14-15. 17. 23-24 Salmo 89, 2. 3-4. 12-13. 14 at 16 Poon kami’y pagpalain at iyong pagtagumpayin. Mateo 13, 54-58 Memorial of Saint Joseph the Worker (White) UNANG PAGBASA Genesis 1, 26 – 2, 3 Pagbasa mula sa aklat ng

Read More »

MARTES, ABRIL 30, 2024

 3,759 total views

 3,759 total views Martes sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Pio V, Papa Mga Gawa 14, 19-28 Salmo 114, 10-11. 12-13ab. 21 Talastas ng mga tao, dakilang paghahari mo. Juan 14, 27-31a Tuesday of Fifth Week of Easter (White) or Optional Memorial of St. Pius V, Pope (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 14, 19-28

Read More »

LUNES, ABRIL 29, 2024

 3,978 total views

 3,978 total views Paggunita kay Santa Catalina de Siena, dalaga at pantas ng Simbahan Mga Gawa 14, 5-18 Salmo 113 B, 1-2. 3-4. 15-16 Dapat nating papurihan ang pangalan ng Maykapal. Juan 14, 21-26 Memorial of St. Catherine of Siena, Virgin and Doctor of the Church (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes sa Ika-5 Linggo ng Pasko

Read More »

LINGGO, ABRIL 28, 2024

 4,253 total views

 4,253 total views Ikalimang Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (B) Mga Gawa 9, 26-31 Salmo 21, 26b-27. 28 at 30. 31-32 Pupurihin kita, Poon, ngayong kami’y natitipon. 1 Juan 3, 18-24 Juan 15, 1-8 Fifth Sunday of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 9, 26-31 Pagbasa mula sa mga Gawa ng mga Apostol Noong mga araw

Read More »

SABADO, ABRIL 27, 2024

 4,545 total views

 4,545 total views Sabado sa Ika-4 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 13, 44-52 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4 Kahit saa’y namamalas tagumpay ng Nagliligtas. Juan 14, 7-14 Saturday of the Fourth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 13, 44-52 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Apostol Nang sumunod na Araw ng Pamamahinga, halos

Read More »

BIYERNES, ABRIL 26, 2024

 5,223 total views

 5,223 total views Biyernes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 13, 26-33 Salmo 2, 6-7. 8-9. 10-11 Anak ng Diyos kailanman sa simula pa sumilang. Juan 14, 1-6 Friday of the Fourth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 13, 26-33 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw

Read More »
Scroll to Top