SABADO, OKTUBRE 22, 2022

SHARE THE TRUTH

 562 total views

Sabado ng Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Efeso 4, 7-16
Salmo 121, 1-2. 3-4a. 4b-5

Masaya tayong papasok
sa tahanan ng Poong D’yos.

Lucas 13, 1-9



Saturday of the Twenty-ninth Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Efeso 4, 7-16

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso

Mga kapatid, ang bawat isa sa ati’y binigyan ng tanging kaloob, ayon sa sukat na ibinigay ni Kristo. Ganito ang sinasabi ng Kasulatan,

“Nang umakyat siya sa kalangitan,
Nagdala siya ng maraming bihag,
At nagbigay ng mga kaloob sa tao.”

Ano ang ibig sabihin ng “umakyat siya?” Ang ibig sabihin niyan ay bumaba muna siya rito sa lupa. Ang bumaba ay siya rin namang umakyat sa kaitaasan, sa kabila ng mga langit, upang malaganapan ng kanyang kapangyarihan ang kalahat-lahatan. At ang iba’y ginawang apostol, ang iba’y propeta, ang iba’y ebanghelista, ang iba’y pastor at guro. Ginawa niya ito upang ihanda sa paglilingkod ang lahat ng hinirang, sa ikauunlad ng kanyang simbahan. Sa gayun, tayong lahat ay magkakaisa sa pananampalataya at pagkakilala sa Anak ng Diyos at magiging ganap ang ating pagkatao ayon sa pagiging-ganap ni Kristo. Hindi tayo matutulad sa mga batang nadadala ng bawat aral, parang sasakyang-dagat na sinisiklut-siklot ng mga alon at tinatangay ng hangin. Hindi na tayo malilinlang ng mga taong ang hangad ay ibulid tayo sa kamalian. Manapa’y sa pamamagitan ng pagsasalita ng katotohanan sa diwa ng pag-ibig, magiging ganap tayo kay Kristo na siyang ulo. Sa pamamagitan niya’y nabubuo ang katawan mula sa mga bahaging pinag-ugnay-ugnay ng kasukasuan; at kung maayos na gumaganap ng tungkulin ang bawat bahagi, ang buong katawan ay lalaki at lalakas sa pamamagitan ng pag-ibig.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 121, 1-2. 3-4a. 4b-5

Masaya tayong papasok
sa tahanan ng Poong D’yos.

Ako ay nagalak, sa sabing ganito:
“Sa bahay ng Poon ay pumasok tayo!”
Sama-sama kami matapos sapitin,
ang pintuang-lungsod nitong Jerusalem.

Masaya tayong papasok
sa tahanan ng Poong D’yos.

Yaong Jerusalem, kay ganda ng anyo,
maganda ang ayos nang muling matayo.
Dito umaahon ang lahat ng angkan,
lipi ni Israel upang magsambahan.

Masaya tayong papasok
sa tahanan ng Poon D’yos.

Ang hangad, ang Poon ay pasalamatan,
pagkat ito’y utos na dapat gampanan.
Doon din naroon ang mga hukuman
at trono ng haring hahatol sa tanan.

Masaya tayong papasok
sa tahanan ng Poong D’yos.

ALELUYA
Ezekiel 33, 11

Aleluya! Aleluya!
Hindi nais ng Maykapal
na salari’y parusahan
kundi s’ya’y magbagong-buhay.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 13, 1-9

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Dumating noon ang ilang mga tao at ibinalita kay Hesus na ipinapatay ni Pilato ang ilang Galileo samantalang ang mga ito’y naghahandog sa Diyos. Sinabi niya sa kanila, “Akala ba ninyo, higit na makasalanan ang mga Galileong ito kaysa ibang mga taga-Galilea dahil sa gayun ang sinapit nila? Hindi! Ngunit sinasabi ko sa inyo: kapag hindi ninyo pinagsisihan at tinalikdan ang inyong mga kasalanan, mapapahamak din kayong lahat. At ang labingwalong namatay nang mabagsakan ng tore sa Siloe – sa akala ba ninyo’y higit silang makasalanan kaysa ibang naninirahan sa Jerusalem? Hindi! Ngunit sinasabi ko sa inyo: kapag hindi ninyo pinagsisihan at tinalikdan ang inyong mga kasalanan, mapapahamak din kayong lahat.”

Sinabi sa kanila ni Hesus ang talinghagang ito: “May isang tao na may puno ng igos sa kanyang ubasan. Minsan, tiningnan niya kung may bunga ito, ngunit wala siyang nakita. Kaya’t sinabi niya sa tagapag-alaga ng ubasan, ‘Tatlong taon na akong pumaparito at naghahanap ng bunga sa punong ito, ngunit wala akong makita. Putulin mo na! Nakasisikip lang iyan!’ Ngunit sumagot ang tagapag-alaga, ‘Huwag po muna nating putulin sa taong ito. Huhukayan ko ang palibot at lalagyan ng pataba. Kung mamunga po ito sa darating na taon, mabuti; ngunit kung hindi, putulin na natin!’”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.



PANALANGIN NG BAYAN
Ika-29 Linggo sa Karaniwang Panahon
Sabado

Ang Diyos ay mapagtiis at mulat sa ating mga paghihirap. Manalangin tayo sa kanya upang tulungan niya tayo sa daan ng pagbabago at pagbabalik-loob.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Maging karapat-dapat nawa kami sa iyong mga biyaya, Panginoon.

Ang mga pinuno ng Simbahan nawa’y humikayat sa atin sa mas maalab na debosyon kay Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga komunidad nawa’y makamit ang bunga ng sama-samang pananalangin at pagbabalik-loob, at harapin ang luklukan ng paghahatol ng Diyos nang may katapatan ng puso at kababaan ng kalooban, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga taong may pusong hungkag at nanlalamig nawa’y mapag-alab natin, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagdurusa nawa’y magkaroon ng lakas na tumawag sa Panginoon na malapit sa atin, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y makita ang mukha ni Jesus at manatili sa kanyang presensya magpakailanman, manalangin tayo sa Panginoon.

Mapagmahal na Ama, tanggapin mo ang mga panalangin ng iyong nagbabalik-loob na bayang lumalapit sa iyo nang may kababaang-loob at pananampalataya. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

SINCE THE BEGINNING

 3,954 total views

Gospel Reading for July 27, 2026 – Matthew 13: 31-35

SINCE THE BEGINNING

Jesus proposed a parable to the crowds. “The Kingdom of heaven is like a mustard seed that a person took and sowed in a field. It is the smallest of all the seeds, yet when full-grown it is the largest of plants. It becomes a large bush, and the ‘birds of the sky come and dwell in its branches.’” He spoke to them another parable. “The Kingdom of heaven is like yeast that a woman took and mixed with three measures of wheat flour until the whole batch was leavened.” All these things Jesus spoke to the crowds in parables. He spoke to them only in parables, to fulfill what had been said through the prophet: I will open my mouth in parables, I will announce what has lain hidden from the foundation of the world.

————

In short, the Kingdom of heaven is certain to grow, even if it begins as small as a mustard seed. Jesus’ words about the Kingdom of heaven give us hope that, despite the evil around us, every good thing we do is never lost. The Kingdom of heaven will never cease, for it has existed SINCE THE BEGINNING—the eternal dwelling place of God.

Let us not waste the time God has given us on things that have no lasting value in heaven. Our journey begins here on earth, but the ultimate goal of every Christian is to reach heaven.

Lord Jesus, help us to bring a foretaste of heaven to earth by living according to your will. Amen.

Intimacy, idolatry

 4,242 total views

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Monday in the Seventeenth Week of Ordinary Time, Year II, 27 July 2026
Jeremiah 13:1-11     ><))))*> + ><))))*> + ><))))*>     Matthew 13:31-35
Photo by author, Mt. St. Paul Spirituality Center, La Trinidad, Benguet, June 2017.
How lovely and so practical,
O God,
is your portrayal to us today
of your intimacy with us
like a "linen loincloth":
the most simple and
ordinary part of our clothing
we take for granted
yet so important and crucial
because it is so close,
so intimate to our skin,
to our private parts;
an intimacy we take
for granted because
it is something hidden,
too personal.

But,
do we really care at all?

For, as close as the loincloth clings to a man’s loins, so had I made the whole house of Israel and the whole house of Judah cling to me, says the Lord; to be my people, my renown, my praise, my beauty. But they did not listen (Jeremiah 13:11).

Like that linen loincloth
you asked Jeremiah to hide
and retrieve later from a river,
ending up as "rotted, good for nothing",
we have betrayed you Lord, 
we have abandoned you
to follow our many idols
and false gods by keeping
you in name,
in rituals and rites
yet compromising your
laws and teachings
with the ways of the world;
we pretend to be close
and intimate with you,
Lord while choosing to be
fence-sitters in situations
demanding we make a stand
for you,
for what is true,
for what is good.
True intimacy with you,
O God is found 
in the most private
moments when we
choose you,
when we abide in you,
when we uphold your teachings
and live in your ways
of justice and love,
kindness and mercy
especially with those
closest to us;
may we realize, 
O Lord,
that to whom we are
most intimate
and closest in 
following and imitating
is found our Lord and God.
Or sadly,
our mammon too
for where our treasure is,
there our heart is.
Amen.
Photo by author, St. Michael Retreat House, Antipolo City, 16 June 2026.

Sino ang dapat hindi “one-sided”?

 31,247 total views

Mga Kapanalig, sa pagtatapos ng pagdinig ng impeachment court sa Article 4 na may kaugnayan sa pagbabanta umano ni Vice President Sara Duterte sa búhay ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr, may pakiusap si Senator-Judge Robin Padilla: “Sana hindi one-sided ang ating prosecution.”

Nag-ugat ang apelang ito ng senador sa pagkuha daw ng prosekusyon ng mga testigong may kinakaharap na kaso at kuwestiyonableng kredibilidad. Nang araw na iyon, nakaupo sa witness stand si NBI Director Melvin Matibag, kasunod nina NBI Senior Agent Mark Calilung at NBI Regional Director Jeremy Lotoc na tumestigo noong mga nakalipas na linggo. Sabi ng senador, may mga nakabinbing perjury case ang mga taga-NBI; ang perjury ay isang krimen ng sadyang pagsasabi ng kasinungalingan habang nakasumpa (o under oath) sa harap ng opisyal na may awtoridad na tumanggap ng sinumpaang salaysay. Paliwanag naman ng prosekusyon, napatunayan nilang walang nakabinbing mga kaso laban sa mga testigong inimbitahan mula sa NBI. 

Nahirapan lang siguro si Senador Padilla na ipaliwanag ang kanyang punto, pero mabilis na naging usap-usapan ang kanyang pakiusap. Tandaan natin: mandato ng prosekusyon sa isang impeachment trial na patunayang guilty ang akusado. Natural na one-sided sila kasi sila ang tagausig sa taong inirereklamo. Nakatuon sila sa paglalatag ng mga ebidensya, kabilang ang testimonya ng iimbitahan nilang mga testigo. Trabaho naman ng defense na ipagtanggol ang kanilang kliyente, bantayan na napoprotektahan ang karapatan niya, at magpakita ng tinatawag na reasonable doubt. Sabi nga ng House lead prosecutor na si Batangas Representative Gerville Luistro, ang impeachment trial ay “adversarial” o likás na magkakabangga ang magkabilang panig. 

Sino ang dapat hindi one-sided

Ang mga senator-judges, kabilang si Senador Padilla, ang dapat na nasa gitna. Bilang miyembro ng impeachment court, nanumpa silang maging patas at walang kikilingan. Ang kanilang magiging desisyon ay dapat alinsunod sa Konstitusyon at sa mga batas ng bansa, hindi sa kanilang katapatan sa isang tao o pamilya. Ang mga senator-judges, kabilang si Senador Padilla, ang dapat hindi one-sided.

Sa itinatakbo ng impeachment trial, marami ang nakapapansing hindi maitago ng ilang senator-judges ang kanilang pagiging biased o pagiging may kinikilingan. Sa halip na busisiin ang mga ebidensyang inihaharap sa kanila at himayin ang mga testimonyang naririnig nila, nagmimistula silang parte ng defense team ni VP Sara. Hinaharang nila ang paglalabas ng desisyong ipa-subpoena ng impeachment court ang financial at tax records ng bise presidente. Inililihis nila ang usapan palayo kay VP Sara tungo kay PBBM. May mga pagkakataon pang pinupuri nila ang defense team. Sa mga ganitong nakikita ng publiko, hindi maiwasang magduda ng ilan kung may saysay pa ba ang impeachment trial. Alam naman na raw natin kung sino ang boboto para ipawalang-sala si VP Sara.

Malayo man sa sikmura, ‘ika nga, ng mga ordinaryong Pilipino ang nagaganap na impeachment trial, may pangmatagalang epekto ito sa ating buhay. Dito nasusubok kung matatag ba ang ating mga sistema para panagutin ang mga lider nating gumagawa ng mali at umaabuso sa kanilang kapangyarihan. Kung walang impeachment, magpapatuloy ang pagnanakaw sa kaban ng bayan at malayang makapagbabanta sa buhay ng mga tao ang mga nasa posisyon. Ang mga ito dapat ang laging isinasaisip at isinasapuso ng ating mga senator-judges, hindi ang pagtanaw ng utang na loob sa kanilang mga padron sa pulitika o ang pagkapit sa mga maimpluwensyang magpapanalo sa kanila sa eleksyon.

Mga Kapanalig, akmang paalala sa ating mga senador na tumatayong hukom ngayon ang mga salitang ito sa Mga Kawikaan 24:23: “Hindi dapat magtangì sa pagpapairal ng katarungan.” Nakasalalay sa Senado kung paiiralin nila ang katarungan o kung titiklop lang ito sa mga pulitikal na interes at magiging one-sided.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sino ang dapat hindi “one-sided”?

 31,248 total views

 31,248 total views Mga Kapanalig, sa pagtatapos ng pagdinig ng impeachment court sa Article 4 na may kaugnayan sa pagbabanta umano ni Vice President Sara Duterte

Read More »

CONVERSION OF RELATIONSHIP

 147,861 total views

 147,861 total views “A Filipino culture ruined by politics, of indifference, ideology, self-interest”. Kapanalig, likas sa ating mga Pilipino ang kultura ng pakikipagkapwa o pakikitungo sa

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 176,154 total views

 176,154 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

Upper-middle income na ang Pilipinas

 222,085 total views

 222,085 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 253,766 total views

 253,766 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Miyerkules, Hulyo 29, 2026

 1,750 total views

 1,750 total views Paggunita kina Santa Marta, Santa Maria at San Lazaro 1 Juan 4, 7-16 Salmo 33, 2-3. 4-5. 6-7. 8-9. 10-11. Palagi kong pupurihin

Read More »

Martes, Hulyo 28, 2026

 3,574 total views

 3,574 total views Martes ng Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Jeremias 14, 17-22 Salmo 78, 8. 9. 11 at 13 Dahil sa ngalan mo, Poon,

Read More »

Lunes, Hulyo 27, 2026

 5,133 total views

 5,133 total views Lunes ng Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Jeremias 13, 1-11 Deuteronomio 32, 18-19. 20. 21. Ang Diyos ay tinalikdan ng kanyang mga

Read More »

Linggo, Hulyo 26, 2026

 6,033 total views

 6,033 total views Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) 1 Hari 3, 5. 7-12 Salmo 118, 57 at 72. 76-77. 127-128. 129-130. Iniibig ko nang lubos

Read More »

Sabado, Hulyo 25, 2026

 7,121 total views

 7,121 total views Kapistahan ni Apostol Santiago 2 Corinto 4, 7-15 Salmo 125, 1-2ab, 2kd-3. 4-5. 6 Ang nagtanim na may luha ay aaning natutuwa. Mateo

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top