Ang Kapakanan ng Maralita ang Dapat Mauna

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 541 total views

Maraming mga Filipino ang nag-aalinlangan ngayon. Marami ang kinakabahan na sa patuloy na pagbagsak ng piso at sa pagtaas ng bilihin sa ating bayan. Lumiliit na ang buying power ng mga Filipino, nanghihina na rin ang loob ng marami nating kababayan.

Nitong mga nakaraang buwan, maraming mga eksperto na ang nagpayo sa mga mamamayan na maghanda sa posibleng global recession dahil sa pandemya, pagtaas ng inflation rate, pagtaas ng presyo ng langis, food shortage, at ang ayaw tumigil na Russia-Ukraine War.

Napakaraming hamon sa ating ekonomiya kapanalig, at karamihan sa kanila, wala sa ating sphere of control. Ang mga ordinaryong mamamayan tulad natin ay maituturing na  helpless sa patuloy na pagbagal ng ating ekonomiya. Ayon nga sa International Monetary Fund (IMF), maaaring maapektuhan sa darating na 2023 ang ekonomiya ng ating bansa ng mga global shocks dahil maaaring bumaba mula 2.9% tungo sa 2.7% ang global economic growth. Maari umanong bumagal ang economic growth ng bansa  mula 6.5% tungo sa 5%.

Kumpara sa ibang mga bansa, maganda pa rin naman ang performance ng ating ekonomiya kapanalig. Kaya nga lamang, sa bawat pagbagal ng ating ekonomiya, may sektor sa ating lipunan na lagi na lamang natatamaan – ang mga maralita nating kababayan. Sa katunayan, mas mataas ang poverty rate ng ating bansa ngayon kumpara noong 2018. Base sa Preliminary Results of the Family Income and Expenditure Survey (FIES) noong 2021, ang poverty incidence sa ating bansa ay nasa 18.1% percent na. Katumbas ito ng mga 19.99 million Filipinong nabubuhay sa poverty threshold na nasa P12,030 kada buwan para sa pamilyang may limang miyembro. Noong 2018, nasa 16.7% ang ating poverty incidence.

Dahil nga dito, mas maraming mga Filipino ngayon ang dumidiskarte na para lamang madadagdan ang kanilang kita. Hindi na sapat ang isang income stream para sa marami nating mga kababayan. Kailangan nang lagi may ibang raket upang magkasya ang budget sa tahanan. Ano bang magagawa ng pamahalaan upang hindi laging gipit ang mga mamamayan?

Ayon sa isang isang pag-aaral ng World Bank, isa sa mga maaaring gawin ng pamahalaan ay prudent spending – pagtitipid o pagiging masinop sa pag-gasta. Payo din nito ang mas maayos na tax collection at ang epektibong pagtugon sa inflation rate.

Kapanalig, mahihirap maghanap ng kumikitang kabuhayan sa ating bansa kung mabagal ang pagtugon ng pamahalaan sa mga hamon sa ating ekonomiya. Sabi nga sa Economic Justice for All ng the US Catholic Bishops, “Ang obligasyon na magbigay ng katarungan para sa lahat ay nangangahulugan na ang mahihirap ang may nag-iisang pinaka-kagyat na pang-ekonomiyang prayoridad sa budhi ng bansa.”  Kapanalig, bago ang mga leisure travels, bago ang mga party, bago ang pamumulitika, ang kapakanan ng maralita ang siya lagi dapat inuuna ng pamahalaan at lipunan.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 69,582 total views

 69,582 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 144,196 total views

 144,196 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 224,275 total views

 224,275 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 267,414 total views

 267,414 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 264,260 total views

 264,260 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mula Batanes hanggang… saan?

 69,583 total views

 69,583 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 144,197 total views

 144,197 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 224,276 total views

 224,276 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 267,415 total views

 267,415 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »
Scroll to Top