Lalahok sa One Million Praying the Rosary, pinasalamatan ni Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 741 total reads

Umaasa ang punong pastol ng Archdiocese of Manila na pahalagahan ng mananampalataya ang pagdarasal ng santo rosaryo.

Ito ang mensahe ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa gaganaping One Million Children Praying the Rosary ng Pontifical Foundaton – Aid to the Church in Need (ACN).

Sinabi ni Cardinal Advincula na magandang regalo sa Mahal na Ina ang inisyatibo ng ACN lalo’t pagbuklurin sa panalangin ng santo rosaryo ang mga kabataan mula sa iba’t ibang panig ng daigdig.

“Malugod kong binabati ang lahat ng mga lalahok sa One Million Children Praying the Rosary. Kay halagang regalo sa atin ng ating Mahal na Ina ang santo rosaryo … Maunawaan nawa natin ang mas malalim na kabuluhan nito,” pahayag ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas.

Batid ng arsobispo na sa pamamagitan ng santo rosaryo ay tinuruan ng Mahal na Birhen ang sangkatauhan na maging matiyaga at tapat sa buhay pananalangin.

Nilinaw ng cardinal na bagamat nai-uugnay kay Maria ang pagrorosaryo ito naman ang paraan ng Mahal na Ina na ituon ang tao kay Hesus na nagligtas sa sanlibutan.

Una nang umapela si Pope Francis sa makikilahok sa One Million Children Praying the Rosary na ipanalangin ang natatanging intensyon na mawakasan ang digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine na nakapipinsala hindi lamang sa mamamayan kundi sa pandaigdigang ekonomiya.

Iginiit din ni Cardinal Advincula na sa santo rosaryo ay maaring idulog ang kahilingan ng kapwa, ng lipunan at simbahan sapagkat ito ay nakatutulong na mapalapit ang tao sa Diyos.

“Kahit kailan at saan ay maaari tayong magdasal ng rosaryo; ang araw-araw na pagsambit nito ay humuhulma sa ating puso para sa Diyos at kapwa … Nawa’y hindi lamang ito maging laman ng ating bulsa o bag, o nakasabit sa ating leeg at sasakyan,” giit ni Cardinal Advincula.

Gaganapin online sa October 18 ang One Million Children Praying the Rosary sa pangunguna ng ACN Phlippines katuwang ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na mapapanuod sa page ng ACN – Aid to the Church in Need, TV Maria at iba pang social media pages ng mga simbahan.

Inaanyayahan ng ACN ang mga estudyante, paaralan, institusyon at maging ang mga pamilya na makiisa sa pagdarasal ng santo rosaryo sa natatanging intensyon na mawakasan ang karahasan, pandemya at paghilom ng sanlibutan.

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 2,592 total reads

 2,592 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 8,609 total reads

 8,609 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 46,279 total reads

 46,279 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 272,549 total reads

 272,549 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 166,015 total reads

 166,015 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 259,618 total reads

 259,618 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top