HUWEBES, OKTUBRE 27, 2022

SHARE THE TRUTH

 586 total views

Huwebes ng Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Efeso 6, 10-20
Salmo 143, 1. 2. 9-10

Ang Poon ay papurihan,
siya ang aking sanggalang.

Lucas 13, 31-35



Thursday of the Thirtieth Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Efeso 6, 10-20

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso

Sa wakas, magpakatibay kayo sa pamamagitan ng inyong pakikipag-isa sa Panginoon at sa tulong ng dakilang kapangyarihan niya. Isuot ninyo ang baluting kaloob ng Diyos, upang mapaglabanan ninyo ang mga lalang ng diyablo. Sapagkat ang kalaban nati’y hindi mga tao, kundi mga pinuno, mga maykapangyarihan, at mga tagapamahala ng kadilimang namamayani sa sanlibutang ito – ang mga hukbong espirituwal ng kasamaan sa himpapawid. Kaya’t isuot ninyo ang baluting mula sa Diyos. Sa gayun, makatatagal kayo sa pakikipaglaban pagdating ng masamang araw na iyon, at pagkatapos ng inyong pakikipaglaban ay matatag pa rin kayong nakatayo.

Kaya’t maging handa kayo: gawin ninyong bigkis ang katotohanan, itakip sa dibdib ang baluti ng pagkamatuwid, at isuot ang panyapak ng pagiging handa sa pangangaral ng Mabuting Balita ng pakikipagkasundo sa Diyos. Taglayin ninyong lagi ang kalasag ng pananalig kay Kristo, bilang panangga’t pamatay sa lahat ng nagliliyab na palaso ng Masama. Isuot ninyo ang helmet ng kaligtasan, at kunin ninyo ang tabak na kaloob ng Espiritu, samakatwid, ang Salita ng Diyos. Ang lahat ng ito’y gawin ninyo sa pamamagitan ng mga panalangin at pagsamo. Manalangin kayo sa lahat ng pagkakataon, sa patnubay ng Espiritu. Kaya’t lagi kayong maging handa, at patuloy na manalangin para sa lahat ng hinirang ng Diyos. Ipanalangin din ninyong ako’y pagkalooban ng wastong pananalita upang buong tapang kong maipahayag ang hiwaga ng Mabuting Balita. Dahil sa Mabuting Balitang ito, ako’y sinugo, at ngayo’y natatanikalaan. Kaya’t ipanalangin ninyong maipahayag ko ito nang buong tapang, gaya ng nararapat.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 143, 1. 2. 9-10

Ang Poon ay papurihan,
siya ang aking sanggalang.

Purihin ang Poon, na aking sanggalang,
sa pakikibaka, ako ay sinanay;
inihanda ako, upang makilaban.

Ang Poon ay papurihan,
siya ang aking sanggalang.

Matibay kong muog at Tagapagligtas,
at aking tahanang hindi matitinag;
tagapagligtas kong pinagtitiwalaan,
nilulupig niya ang sakop kong bayan.

Ang Poon ay papurihan,
siya ang aking sanggalang.

O Diyos, may awitin akong bagung-bago,
alpa’y tutugtugin at aawit ako.
Tagumpay ng hari ay iyong kaloob,
at iniligtas mo si David mong lingkod.

Ang Poon ay papurihan,
siya ang aking sanggalang.

ALELUYA
Lucas 19, 38; 2, 14

Aleluya! Aleluya!
Papuri sa Hari natin
na ngayon ay dumarating;
kapayapaan ay kamtin.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 13, 31-35

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Dumating noon ang ilang Pariseo. Sinabi nila kay Hesus, “Umalis ka rito, sapagkat ibig kang ipapatay ni Herodes.” At sumagot siya, “Sabihin ninyo sa alamid na iyon na nagpapalayas ako ngayon ng mga demonyo at nagpapagaling, bukas ay gayun din; sa ikatlong araw, tatapusin ko ang aking gawain. Ngunit dapat akong magpatuloy sa aking lakad ngayon, bukas at sa makalawa; sapagkat hindi dapat mamatay sa labas ng Jerusalem ang isang propeta!

“Jerusalem, Jerusalem! Pinapatay mo ang mga propeta at binabato ang mga sinugo ko sa iyo! Makailan kong sinikap na kupkupin ang iyong mga mamamayan, gaya ng paglukob ng isang inahin sa kanyang mga sisiw, ngunit ayaw mo. Kaya’t lubos kang pababayaan. Sinasabi ko sa iyo, hindi mo na ako makikita hanggang sa dumating ang oras na sasabihin mo, ‘Pagpalain nawa ang dumarating sa pangalan ng Panginoon!’”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.



PANALANGIN NG BAYAN
Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon
Huwebes

Mulat sa ating misyon na magin propeta ng mahabaging pag-ibig ng Diyos, manalangin tayo sa Ama na gawin tayong tapat at matapang sa pagsasagawa ng ating mga tungkulin.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Makapangyarihang Ama, palakasin mo kami
sa kapangyarihan ng iyong pangalan.

Ang Simbahan sa pamamagitan ng kanyang mga pinuno nawa’y maging tapat sa kanyang pagiging propeta na ituro sa mga tao sa ating panahon ang mga tamang bagay na pinahalagahan ng Ebanghelyo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga naghahangad at nagpapagal para sa isang magandang bukas nawa’y hindi panghinaan ng loob o maghinanakit dahil sa mga pagtuligsa at paglaban sa kanila, bagkus, palakasin sila ng pag-ibig para patuloy na sumulong, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang tanggapin nang bukas sa loob ang Salita ng Diyos gaano man ito kahirap o magbibigay lamang ng agam-agam para sa atin, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nag-aalaga ng mga maysakit nawa’y hindi mapagod sa kanilang pagbibigay kalinga na mayroong personal na atensyon at paggalang, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga yumao nawa’y gawing malinis ng mapagpagaling na biyaya ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoong Diyos, nabuhay si Jesus tulad ng kanyang ipinangaral. Ibigay mo sa amin ang Banal na Espiritu upang makasunod kami sa kanya nang walang pag-aatubili patungo sa kanyang Kaharian kung saan siya ay Panginoon magpakailanman. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 23,723 total views

 23,723 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 56,805 total views

 56,805 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 85,156 total views

 85,156 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 152,887 total views

 152,887 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 174,314 total views

 174,314 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Biyernes, Hulyo 24, 2026

 1,722 total views

 1,722 total views Biyernes ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Sharbel Makhluf, Pari Jeremias 3, 14-17 Jeremias 31, 10. 11-12ab.

Read More »

Huwebes, Hulyo 23, 2026

 3,255 total views

 3,255 total views Huwebes ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Santa Brigida ng Sweden, namanata sa Diyos Jeremias 2, 1-3. 7-8.

Read More »

Miyerkules, Hulyo 22, 2026

 4,945 total views

 4,945 total views Kapistahan ni Santa Maria Magdalena Awit ni Solomon 3, 1-4a o kaya 2 Corinto 5, 14-17 Salmo 62, 2, 3-4, 5-6, 8-9 Aking kinasasabikan,

Read More »

Martes, Hulyo 21, 2026

 6,340 total views

 6,340 total views Martes ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Lorenzo ng Brindisi, pari at pantas ng Simbahan Mikas 7,

Read More »

Lunes, Hulyo 20, 2026

 7,463 total views

 7,463 total views Lunes ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Mikas 6, 1-4. 6-8 Salmo 49, 5-6. 8-9. 16bk-17. 21 at 23 Ang masunurin

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top