684 total views

33rd Sunday of the Year Cycle C World Day of the Poor

Mal 3:19-20 2 Thess 3:7-12 Lk 21:5-19

Magtatapos na ang taon ng Simbahan. Sa susunod na Linggo ay ang huling Linggo ng taon ng Simbahan. Ito ay ang kapistahan ng Kristong Hari. Ang huling Linggo ay nagpapaalala sa atin ng Huling Panahon kung kailan mahahayag na ang paghahari ni Jesus sa kanyang muling pagbabalik. Ngayong Linggo inihahanda tayo sa muling pagbabalik ni Jesus. Ibig ng simbahan na maging handa tayo sa pagtanggap sa kanya.

Magiging handa tayo sa pagtanggap sa kanya kung ngayon pa lang tinatanggap na natin siya sa katauhan ng mga mahihirap kasi maliwanag na sinabi niya na kung ano ang ginagawa natin sa mga aba ay ginagawa natin sa kanya. Kaya ngayong Linggo, isang Linggo bago ng kapistahan ni Kristong Hari, ay ginawa ni Papa Francisco na World Day of Poor noong 2016. Ang mahihirap ang contact natin kay Jesus at si Jesus din ay naging mahirap para magkaroon siya ng contact sa atin. Kaya ang paksa ng World Day of the Poor ngayon taon ay: Alang-alang sa inyo si Jesus ay naging mahirap (2 Cor 8:9). Kung nanatili si Jesus na Diyos, kung hindi siya nagpakababa, hindi natin siya maaabot. Nagpakababa siya – naging tao siya, at naging dukha pa nga, upang maabot natin siya, maintindihan natin siya, at matularan natin siya.

Ang mga Hudyo ay nag-aantay ng pagdating ng Mesias o ng Kristo na ipapadala ng Diyos. Tinatawag nila ang pagdating na ito na Araw ng Panginoon. Talagang darating ang araw na ito kasi ito ay ipinangako ng Diyos. Ang pagdating ng araw na ito ay parang pagdating ng isang matinding apoy. Susunugin ng apoy na ito ang mga masasama tulad ng pagsunog sa dayami. Pero ang sinag na ito ay magpapagaling at dadalisay sa mga mabubuti. Ito ang sinulat ni propeta Malakias sa ating unang pagbasa. Dumating nga ang Araw ng Panginoon sa pagdating ni Jesus. Kaya ang panawagan niya ay magsisisi kayo. Ang apoy na dumating ay ang pagsisisi. Nalilinis ang mga makasalanan sa kanilang pagsisisi, pero ang mayayabang na hindi kinikilala na sila ay makasalanan, wala na silang maidadahilan pagdating ng parusa.

Binibigyan pa tayo ng pagkakataon ni Jesus. Iniwan niya sa atin ang mga aral niya upang maisabuhay natin ito sa tulong ng Banal na Espiritu. Pero babalik uli siya. Pagdating niya ang mga bagay na parang permanente, tulad ng matitibay at malalaking buildings ay guguho. Hinahangaan ng mga tao noon ang templo ng Jerusalem na nakatayo sa mamahalin at malalaking bato. Walang maiiwan dito. Babagsak ang mga ito. Ngayong ang hinahangan natin ay ang mga skyscrapers at malalaki at matataas na buildings sa New York, sa Doha, sa Kuala Lumpur, sa Tokyo o sa Makati. Ang lahat ng ito ay guguho din.

Ang tanong ay: Kailan? Hindi sinagot ni Jesus ang tanong na ito. Sabi niya na may mga tanda sa pagdating ng Huling Panahon pero hindi pa ito mangyayari ngayon. Huwag natin akalain na dahil sa mga digmaan malapit na ang wakas. Sa ating panahon may mga digmaan na sa buong mundo at nagkakampi-kampihan na ang mga bansa. Kinampihan na ng US at mga bansa ng European Union ang Ukraine, at ang Russia naman ay kinakampihan din ng Belarus, ng Iran at ng North Korea. Inaawitan ang China na kumampi sa kanya. Nagbabanta na ang Russia na gagamit ng nuclear weapons. Ito na ba ang katupusan ng mundo? Dumating na ang pandemia na damay ang lahat ng mga bansa at milyon-milyon ang namatay at may banta ng mga bago at malala na mga virus na darating. Katapusan na ba? Ang mga tagasunod ni Kristo, na siya ang buhay at ang katotohanan, ay inuusig.

Kinokontra ng pinalalaganap na fake news ang katotohanan at pinapatahimik ang naninindigan sa katotohanan sa mga bashing at pati na sa pagkulong at pagpatay sa kanila. Kinikitil ang buhay sa ngalan ng pro-choice at sa ngalan ng health care. Nangyayari ito sa usapin ng abortion. Paano naging health care ang pagpatay ng bata? Ang gulo na ng mundo natin. Ang tama noon at mali na ngayon para sa maraming tao.

Ano ang gagawin natin sa ganitong sitwasyon? Sabi ni Jesus, huwag tayong matakot. Kakampihan tayo ng Diyos. Masasagot natin ang mga bintang at paratang sa atin. Hindi tayo pababayaan ng Diyos. Pangako ni Jesus: “Kapopootan kayo ng lahat dahil sa akin, ngunit hindi mawawala ni isang hibla ng inyong buhok.” Ano ang kailangan? Persevere! Manatiling matatag! “Sa inyong pagtitiis tatamuhin ninyo ang buhay na walang hanggan,” wika ni Jesus.

Ano ba ang ibig sabihin ng pagtitiis? Basta na lang ba mag-antay na walang ginagawa? Ito ang ginawa ng ilan sa Thesalonika. Pinagalitan sila ni Pablo. Hindi na nagtratrabaho ang ilang mga Kristiyano doon kasi magwawakas na raw ang mundo. Bakit pa sila maghahasik, hindi na nila ito maaani? Bakit pa mag-aalaga ng hayop, mamamatay naman ang lahat? Dahil sa hindi na sila nagtratrabaho, wala na silang inaatupag kundi manghimasok sa buhay ng may buhay. Nagmamarites na lang. Humihingi na lang ng pagkain. Umaasa na lang sa iba. Iba ang halimbawa na binigay ni Pablo at ng mga kasama niya. Oo, nagtuturo sila na babalik uli si Jesus at magugunaw ang mundo. Pero hindi lang sila nag-antay. Nagtratrabaho sila at sinusuportahan nila ang kanilang sarili sa kanilang paggawa. Si Pablo ay isang tagagawa ng tolda at ito ang hanap buhay niya. Nagbibigay sila ng halimbawa. Kaya nasabi niya: “Huwag ninyong pakanin ang sinumang ayaw magtrabaho.”

Minsan nasabi din ni Jesus na gamitin ninyo ang di maaasahang kayamanan ng mundong ito upang magkaroon kayo ng kaibigan sa langit. Ito rin ang pagtitiis na hinihingi sa atin habang nag-aantay tayo sa pagbalik muli ni Jesus. Magsikap tayo na magbalik handog na sa Diyos ng ating panahon, yaman at talento upang sa wakas ng panahon hindi niya tayong madatnan na walang inalay sa kanya. Ang dami niyang mga biyaya na binibigay sa atin. Maging generous din tayo sa pagtulong sa iba. Ang ating naitulong sa pagbabalik handog ay hindi nawala sa atin kasi ang lahat na ibinigay sa Diyos at sa ating kapwa, lalo na sa mahihirap, ay pag-iimpok natin para sa kabilang buhay.

Ang mga Egipciano ay naniniwala sa kabilang buhay. Kaya sa paglilibing sa kanilang mga patay, lalo na sa kanilang mga hari at mayayaman, sinasama din nila ang mga kagamitan na maaaring kailangan nila sa kabilang buhay, tulad ng kama, upuan, suklay, mga pagkain, mga hayop, pati pa nga mga alipin. Ang mga iyan ay inililibing sa loob ng kanilang mga pyramid. Hindi tayo naniniwala na kailangan natin ang mga bagay na iyan sa kabilang buhay. Ang mapapakinabangan natin sa kabilang buhay ay ang mga kabutihan na nagawa natin sa mahihirap dito sa mundo. Ang mga balik-handog natin ang mapapakinabangan natin sa kabilang buhay. Kaya mag-impok na tayo ng kabutihan para sa langit habang inaantay natin ang wakas ng panahon na siguradong darating.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 49,268 total views

 49,268 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 54,686 total views

 54,686 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 61,393 total views

 61,393 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 76,186 total views

 76,186 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 82,342 total views

 82,342 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 5, 2024

 3,728 total views

 3,728 total views 6th Sunday of Easter Acts 10:25-26 1 Jn 4:7-10 Jn 15:9-17 Pag-ibig. Hinahanap-hanap ito ng marami. Ito ang nagbibigay ng kulay sa ating buhay at ito nga ang nagbibigay ng kabuluhan sa ating gawain. Kahit na mahirap at kahit na matagal, anumang hamon ay gagawin natin at magagawa natin kung tayo ay may

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 21, 2024

 9,046 total views

 9,046 total views Homily April 21, 2024 4th Sunday of Easter Cycle B Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 4:8-12 1 Jn 3:1-2 Jn 10:11-18 Taon-taon ang ika-apat na Linggo ng panahon ng Muling Pagkabuhay ay Good Shepherd Sunday. Maliwag ang sinabi ni Jesus sa atin ngayong araw: “Ako ang mabuting pastol.”

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 14, 2024

 11,204 total views

 11,204 total views Homily April 14, 2024 3rd Sunday of Easter Cycle B Acts 3:13-15.17-19 1 Jn 2:1-5 Lk 24:35-48 Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay ang tagumpay sa kasalanan. Ibinuhos na kay Jesus ang lahat ng fuersa ng kasalanan. Naranasan niya ang iba’t-ibang anyo ng kasalanan. Siya ay pinagbili ni Judas, pinagtinaksilan ni Pedro, pinagbintangan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 7, 2024

 13,362 total views

 13,362 total views Homily April 7, 2024 2nd Sunday of Easter Cycle B Divine Mercy Sunday Acts 4:32-35 1 Jn 5:1-6 Jn 20:19-31 Ang muling pagkabuhay ay hindi lang tagumpay ni Jesus. Tagumpay ito ng buong katawan ni Kristo kaya kasama tayong lahat diyan kasi kaisa tayo ng katawan ni Kristo. Narinig natin sa ating ikalawang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | April 6, 2024

 13,712 total views

 13,712 total views First Things First | April 6, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 10, 2024

 27,182 total views

 27,182 total views 4th Sunday of Lent Cycle B Laetare Sunday 2 Chr 36:14-16.19-23 Eph 2:4-10 Jn 3:14-21 Dinasal natin sa ating pambungad na panalangin: “Sa masigasig na pagsamba at matibay na pagsampalataya ang Sambayanang Kristiyano ay makadulog nawang masaya sa pagdiriwang ng dakilang kapistahan ng Pagkabuhay.” Nasa ikaapat na Linggo na tayo ng Kuwaresma. Sana

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 3, 2024

 27,611 total views

 27,611 total views 3rd Sunday of Lent Cycle B Ex 20:1-17 1 Cor 1:22-25 Jn 2:13-25 Kilala natin si Jesus na isang taong malumanay, mapagpatawad at mapagpasensya. Siya ay matulungin sa nangangailangan at madaling lapitan. Pero kakaibang Jesus ang napakinggan natin ngayon sa ebanghelyo. Pinagtabuyan niya ang mga taong nagtitinda sa templo, hinagupit ang kanilang mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 25, 2024

 31,655 total views

 31,655 total views 2nd Sunday of Lent Cycle B Gen 22:1-2.9.10-13,15-18 Rom 8:31-34 Mk 9:2-10 Hindi madali ang panawagan sa atin ng kuwaresma kung talagang seseryosohin natin itong gawin. Kailangan nating kalabanin ang tukso na palaging lumalapit sa atin. Kailangan nating tanggihan ang ating sariling hilig lalo na iyong nakakasama naman sa atin. Kailangan tayong maglaan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 20, 2024

 34,411 total views

 34,411 total views First Things First | February 20, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 19, 2024

 34,411 total views

 34,411 total views First Things First | February 19, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 18, 2024

 34,393 total views

 34,393 total views First Things First | February 18, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 18, 2024

 37,894 total views

 37,894 total views Homily February 18, 2024 1st Week of Lent Gen 9:8-15 1 Pet 3:18-22 Mk 1:12-15 Ang panahon ng Kuwaresma ay panahon ng pagpapahalaga ng ating binyag. Minsan lang tayo bininyagan pero ang katotohanan ng binyag ay ating isinasabuhay sa bawat sandali ng ating buhay. Dahil sa binyag, nagkaroon tayo ng bagong buhay. Nakiisa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 17, 2024

 34,392 total views

 34,392 total views First Things First | February 17, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 16, 2024

 34,387 total views

 34,387 total views First Things First | February 16, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 15, 2024

 34,387 total views

 34,387 total views First Things First | February 15, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top