“Kristo sa Kariton” art piece ng mga street children, personal na tinanggap ng Santo Papa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,744 total views

Personal na tinanggap ng Kanyang Kabanalan Francisco ang handog na likhang sining ni Rev. Fr. Flavie Villanueva, SVD – founder ng St. Arnold Janssen Kalinga Center sa weekly audience ni Pope Francis sa St. Peter’s Square sa Vatican noong ika-16 ng Nobyembre, 2022.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ng Pari ang pambihirang karanasan na makaharap ang Santo Papa at maihandog ang sining na tinaguriang “Kristo Sa Kariton” na imahen ng isang batang ibinabahagi ang kapiraso ng tinapay kay Hesus.

Ayon kay Fr. Villanueva, idinisenyo niya ang art piece apat na taon na ang nakalipas na hinulma ni Chris Jorge at ginawa ng mga street children na tinutulungan ng organisasyon.

Nagkaroon din ang Pari ng maikling pagkakataon na maibahagi kay Pope Francis ang misyon ng Arnold Janssen Kalinga Foundation na pagtulong at pagbibigay dignidad sa mga dukha at palaboy gayundin sa mahal sa buhay ng mga biktima ng extra-judicial killings sa bansa.

“When I handed to our beloved Pope Francis the “Kristo Sa Kariton” (an art piece I designed 4 years ago and molded by Chris Jorge, but now being produced by our dear homeless and the Foundation), he was intently listening to me. I briefly shared to him the mission of Arnold Janssen Kalinga Foundation unceasingly & fervently seeks to re-create and empower the lives of street dwellers & the victims of extra-judicial killings.” Pagbabahagi ni Fr. Villanueva.

Taong 2015 ng itinatatag ng Society of Divine Word (SVD) congregation ang St. Arnold Janssen Kalinga Center sa pangunguna ni Rev. Fr. Flavie Villanueva upang magkaloob ng tulong para sa mga nangangailanngan lalo na ang mga palaboy sa lansangan.

Taong 2016 naman ng sinimulan ni Fr. Villanueva ang “Paghilom” program upang makatulong at makapagpaabot ng suporta sa lahat ng mga naiwang mahal sa buhay at kapamilya ng mga nasawi sa War on Drugs ng adminisrasyong Duterte.

Unang inihayag ng Pari na may tatlong misyon ang Arnold Janssen Kalinga Center na pagbibigay ng pangkabuuan at sistematikong pagpapahalaga sa dignidad ng bawat nangangailangan; pagkakaloob ng alternative learning system; at mapagkakakitaan upang muling maibalik ang self-worth ng bawat isa para sa pagkakaroon ng panibagong buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 4,885 total views

 4,885 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 40,675 total views

 40,675 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 82,567 total views

 82,567 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 136,423 total views

 136,423 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 163,105 total views

 163,105 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top