Let solidarity overcome our political and economic divisions -Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,461 total views

Hinimok ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal ang mananampalataya na tularan ang kapakumbabaan ni Hesukristo na nakilakbay sa sangkatauhan.

Ito ang mensahe ng arsobispo sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Kristong Hari ang hudyat sa pagtatapos ng liturhikong taon ng simbahang katolika.

Ayon kay Cardinal Advincula, bilang hari nakiisa si Hesus sa sanlibutan sa kabila ng pagiging makasalanan ng tao.

Hinimok ng Kardinal ang mananampalataya na maging daluyan ng pag-asa ng mga nalulumbay at pinanghihinaan ng loob.

“As king, he fosters solidarity, gives us life, and extends upon us his mercy. Let us seek his grace so that we too may become agents of solidarity, bearers of life, and missionaries of mercy for each other,” pahayag ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas.

Sinabi ng arsobispo na mahalagang magbuklod ang pamayanan upang matulungan ang mga nakararanas ng kahirapan sa lipunan.

“Like Jesus our King, let solidarity overcome our political and economic divisions. Let there be no solo Christian among us, for we are always in communion,” dagdag ni Cardinal Advincula.

Aniya, taliwas sa pagiging hari na nakaluklok sa trono ng palasyo si Hesus ay nakipamuhay sa sanlibutan lalo na sa panahon ng mga pagsubok at mahihirap na karanasang kinakaharap.

Apela ni Cardinal Advincula sa kristiyanong pamayanan na maging liwanag at magbigay buhay sa bawat isa sa pamamagitan ng paglingap sa nangangailangan.

“Let us also bring life to one another, like Christ our King. Let us help and encourage one another. Let us be signs of hope for one another. Let us bear Christ to one another, especially those among us who are forlorn, discouraged, and distressed,” ani ng cardinal.

Umaasa ang punong pastol ng arkidiyosesis na maging katuwang ang bawat isa sa misyon ni Hesus na kalingain ang bawat nangangailangan sa pamayanan lalo na ang mahihina at naisasantabing sektor.

“Like Christ our King, let us also demonstrate mercy towards each other. Let our acts of allegiance to Christ flow into acts of charity for one another, especially those who are needy and underprivileged among us,” giit ng arsobispo.

Batay sa kasaysayan unang ipinagdiwang ng simbahang katolika ang Dakilang Kapistahan ng Kristong Hari tuwing huling Linggo ng Oktubre ngunit alinsunod sa kautusan ni St. Paul VI noong 1969 ay inilipat ito sa huling Linggo ng Karaniwang Panahon bilang paghahanda sa Adbiyento o bagong taong liturhiko ng simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 2,767 total views

 2,767 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 38,557 total views

 38,557 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 80,449 total views

 80,449 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 134,411 total views

 134,411 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 161,210 total views

 161,210 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top