“Kristo sa Kariton” art piece ng mga street children, personal na tinanggap ng Santo Papa

 1,137 total views

Personal na tinanggap ng Kanyang Kabanalan Francisco ang handog na likhang sining ni Rev. Fr. Flavie Villanueva, SVD – founder ng St. Arnold Janssen Kalinga Center sa weekly audience ni Pope Francis sa St. Peter’s Square sa Vatican noong ika-16 ng Nobyembre, 2022.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ng Pari ang pambihirang karanasan na makaharap ang Santo Papa at maihandog ang sining na tinaguriang “Kristo Sa Kariton” na imahen ng isang batang ibinabahagi ang kapiraso ng tinapay kay Hesus.

Ayon kay Fr. Villanueva, idinisenyo niya ang art piece apat na taon na ang nakalipas na hinulma ni Chris Jorge at ginawa ng mga street children na tinutulungan ng organisasyon.

Nagkaroon din ang Pari ng maikling pagkakataon na maibahagi kay Pope Francis ang misyon ng Arnold Janssen Kalinga Foundation na pagtulong at pagbibigay dignidad sa mga dukha at palaboy gayundin sa mahal sa buhay ng mga biktima ng extra-judicial killings sa bansa.

“When I handed to our beloved Pope Francis the “Kristo Sa Kariton” (an art piece I designed 4 years ago and molded by Chris Jorge, but now being produced by our dear homeless and the Foundation), he was intently listening to me. I briefly shared to him the mission of Arnold Janssen Kalinga Foundation unceasingly & fervently seeks to re-create and empower the lives of street dwellers & the victims of extra-judicial killings.” Pagbabahagi ni Fr. Villanueva.

Taong 2015 ng itinatatag ng Society of Divine Word (SVD) congregation ang St. Arnold Janssen Kalinga Center sa pangunguna ni Rev. Fr. Flavie Villanueva upang magkaloob ng tulong para sa mga nangangailanngan lalo na ang mga palaboy sa lansangan.

Taong 2016 naman ng sinimulan ni Fr. Villanueva ang “Paghilom” program upang makatulong at makapagpaabot ng suporta sa lahat ng mga naiwang mahal sa buhay at kapamilya ng mga nasawi sa War on Drugs ng adminisrasyong Duterte.

Unang inihayag ng Pari na may tatlong misyon ang Arnold Janssen Kalinga Center na pagbibigay ng pangkabuuan at sistematikong pagpapahalaga sa dignidad ng bawat nangangailangan; pagkakaloob ng alternative learning system; at mapagkakakitaan upang muling maibalik ang self-worth ng bawat isa para sa pagkakaroon ng panibagong buhay.



truthshop
Shadow
Spiritual Frontliner banner

BE OUR PARTNERS!

ads
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow


Subscribe Now to Received Latest News and Blogs

Subscribe to us and receive latest News & Updates in your inbox