522 total views

34th Sunday of the Year Cycle C

2 Sam 5:1-3 Col 1:12-20 Lk 23:35-43

Noong si Jesus ay dinala kay Pilato, tinanong ni Pilato kung siya ba ay hari ng mga Hudyo. Maliwanag na sinabi ni Jesus na ang paghahari niya ay hindi ayon sa daigdig na ito. Kung ayon sa mundong ito ang paghahari niya, darating ang mga kakampi niya upang ipagtanggol siya sa kamay ng mga Hudyo. Pero hindi dito ang kanyang paghahari. Hindi tinanggi ni Jesus na siya ay hari, pero sinabi niya na iba ang pagiging hari niya. Ito ay kitang-kita sa ating ebanghelyo ngayon. Sa ulunan ng kanyang krus ay nakasulat: “Ito ang hari ng mga Hudyo.” Nakasulat pa ito sa tatlong lenguahe na ginagamit ng mga tao noon sa Jerusalem: Griego, Latin at Hebreo upang maging maliwanag sa lahat kung ano si Jesus, isang hari. Pero iba nga ang paghahari niya. Sa halip na naka-upo sa trono, siya ay nakibitin sa krus. Hindi siya nakadamit ng maringal at mamahaling damit. Siya ay sugatan at halos hubad. Ang nasa ulo niya ay hindi koronang ginto at mamahaling bato kundi tinik na nakabaon sa kanyang ulo.

Hindi siya pinapaligiran ng mga tao na pumupuri sa kanya at sunud-sunuran sa kanya na nakikita natin sa palasyo ng mga hari o mga presidente. Ang mga tao sa paligid niya ay mga kaaway at kinukutya siya. Nilibak siya ng mga pinuno ng mga Hudyo, ng mga kawal ng mga Romano at pati na ng isang magnanakaw na nakapako sa krus sa tabi niya. “Kung hari ka talaga, ipagtanggol mo ang iyong sarili,” ang sigaw ng mga ito. Iyan ang expected na ginagawa ng mga hari at ng mga leaders dito sa mundo natin, ipinagtatanggol nila ang kanilang sarili. Nakikinabang sila sa kanilang posisyon at parang natural na lang ito, kaya may kasabihan: What are we in power for? Bakit pa may kapangyarihan tayo kung hindi naman tayo makikinabang sa kapangyarihan na ito? Pero, iba nga ang paghahari ni Jesus. Tahimik na binata ni Jesus ang pasakit sa kanya. Hindi niya sinagot ang mga maling akusasyon at mga pagkukutya sa kanya. Naparito siya hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod at magbigay ng kanyang buhay para sa lahat.

Ang kumilala sa paghahari ni Jesus ay isang makasalanan, isang magnanakaw. Una, tinanggap niya na siya ay makasalanan. Nararapat lang na siya ay parusahan sa pagpako sa kanya sa krus. Pangalawa, tinanggap niya na si Jesus ay inosente. Wala naman siyang ginawang masama. Pangatlo kinilala niya na si Jesus ay hari, kahit na sa ganyang kalagayan. Sabi niya: “Jesus, alalahanin mo ako kapag naghahari ka na.” Ang makasalanang ito na nagsisisi sa huling sandali ng kanyang buhay ay kinausap at inaliw ni Jesus. Hanggang sa wakas ginagampanan ni Jesus ang kanyang gawaing pagliligtas. Pinangakuan siya ni Jesus. Ito ang huling salita ni Jesus sa isang tao bago siya mamatay: “Sinasabi ko sa iyo, ngayon di’y isasama kita sa Paraiso.” Doon magiging hayag ang paghahari ni Jesus, doon sa Paraiso.

Sana ang pagtanggap ng paghahari ni Jesus na ginawa ng magnanakaw na iyon ay magawa din natin. Tanggapin natin na si Jesus ay hari at paghariin natin siya sa atin. Iyan din ang ginawa ng mga Israelita kay David. Nang mamatay si Saul, si David ay kinilala agad na hari ng tribu ng Juda at naghari siya sa Hebron. Ang naiwang labing isang mga tribu ay kumampi kay Ishbaal, isa sa mga naiwang anak ni Saul na naghari naman sa Mahanaim. Nag-aaway noon ang dalawang pangkat na ito, ang pagkat ni David at ang pangkat ni Ishbaal. Noong pinatay si Ishbaal, ang mga leaders ng labing isang tribu ng Israel ay pumunta sa Hebron at doon nagpailalim na sila kay David. Nilangisan nila si David at kinilalang kanilang hari. Sumunod na sila kay David. Iyan ang narinig natin sa ating unang pagbasa sa aklat ni Samuel. Ang magnanakaw ay nagpailalim kay Jesus bilang kanyang hari. Ang mga Israelita ay nagpailalim kay David bilang kanilang hari. Magpapailalim din ba tayo kay Jesus bilang hari natin?

Ngayong Linggo ay kapistahan ni Kristong Hari. Hari si Jesukristo at kilalanin natin ito. Ngayon parang hindi pa klaro ang paghahari ni Jesus. Hindi siya pinapansin ng marami at parang nananalo pa nga ang kasamaan. Pero sa wakas ng panahon mahahayag sa lahat ang kanyang tagumpay at paghahari. Ngayon pa lang, kilalanin na natin siya at magpailalim na sa kanya.

Ano ba ang ibig sabihin na paghariin natin si Jesus sa ating buhay? Kung hari natin siya, pakinggan natin at sundin ang mga utos niya. At hindi naman mabigat ang pamatok niya. Ang Salita ni Jesus ay Salita ng Diyos at ito ay nagbibigay buhay at liwanag sa ating buhay. Kapag ginagawa natin ang kanyang salita nagiging kalugud-lugod tayo sa kanya at minamahal natin siya.

Kung hari natin si Jesus, pahalagahan natin ang mga taong pinahahalagahan niya. Ang mahalaga kay Jesus ay hindi iyong maraming alam, hindi iyong mga tanyag, hindi iyong may mga pangalan o posisyon. Ang mahalaga kay Kristong hari ay ang mga mahihirap, iyong mga isinasantabi ng lipunan, iyong mga taong minamaliit ng karamihan. Kapag pinapansin at tinutulungan natin ang mga ito, si Jesus ay ating pinaglilingkuran.

Kung si Jesus ay ating hari, mag-alay tayo sa kanya. Kilalanin natin na ang lahat ng bagay ay nilikha dahil sa kanya at sa pamamagitan niya. Ito ang sinulat si San Pablo sa mga taga-Colosas. Kaya natanggap natin ang lahat dahil sa kanya. Suklian natin ang kanyang pag-aalay. Maghandog din tayo sa kanya tulad ng mga pantas noong unang pasko. Hinanap nila ang sanggol na isinilang na maging Hari ng mga Hudyo sa kanilang pagsunod sa tala. At noong makita nila ang bata, naghandog sila ng mga alay na ginto, incenso at mira. Maghandog tayo sa ating hari. Ang handog natin ay ang ating panahon para magdasal, makinig sa kanyang salita at sumamba sa kanya. Ang handog natin ay ang ating talento na ginagamit natin upang makatulong sa kapwa at sa simbahan. Ang handog natin ay ang pera na inilalaan natin upang suportahan ang mga gawain ng simbahan. Ang mga ito ay tinatawag natin na balik-handog. Dahil sa kinikilala natin si Jesus na hari, magbalik handog tayo ng panahon, talento at pera.

Purihin natin si Kristong hari. Viva Cristo Rey! Viva Cristo Rey!

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kamag-anak, Inc.

 65,680 total views

 65,680 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »

Diplomasya ang susi

 69,659 total views

 69,659 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »

Educator sa DepEd

 80,551 total views

 80,551 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 92,993 total views

 92,993 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »

Hamon ng Climate Change

 103,754 total views

 103,754 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 30, 2024

 4,518 total views

 4,518 total views 13th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. Peter’s Pence Sunday Wis 1:13-15; 2:23-24 2 Cor 8:7. 8. 13-15 Mk 5:21-43 Napakaraming kasamaan ang nababalitaan natin at nararanasan – pag-aaway, karamdaman, bisyo, at marami pa. Ang pinakamasama na iniiwasan natin pero madalas na nangyayari at sinasadya pang gawin ay ang kamatayan. Ang Magandang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 23, 2024

 6,801 total views

 6,801 total views 12th Sunday of Ordinary time Cycle B Job 38:1.8-11 2 Cor 5:14-17 Mk 4:35-41 Nakakatakot talaga na datnan ng bagyo sa gitna ng dagat. Kahit na iyong malayo sa Diyos ay napapatawag sa kanya. Lahat ng santo ay natatawagan nila. Ang mga kasama ni Jesus ay mga mangingisda. Sanay sila sa dagat. Pero

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 16, 2024

 9,707 total views

 9,707 total views 11th Sunday of Ordinary Time Cycle B Father’s Day Ez 17:22-24 2 Cor 5:6-10 Mk 4:26-34 Happy Father’s Day sa mga tatay na nandito! Ang ikatlong Linggo kada buwan ng Hunyo ay Father’s Day. Pinapaalaala po sa atin ang mga tatay natin. Malaki ang influensiya nila sa atin at malaki ang utang na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 9, 2024

 10,646 total views

 10,646 total views Homily June 9, 2024 10th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 3:9-15 2 Cor 4:13-5:1 Mk 3:20-35 Bising-bisi si Jesus. Marami ang mga tao na pumupunta sa kanya at sa kanyang mga alagad. Marami ang dumadating upang magpagaling sa anumang karamdaman. Lalong marami ay dumadating upang makinig sa kanyang mga aral. May

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 2, 2024

 10,640 total views

 10,640 total views Homily June 2, 2024 Solemnity of the Most Holy Body and Blood of Christ Cycle B Ex 24:3-8 Heb 9:11-15 Mk 14:12-16.22-26 Napakalaki ng pag-ibig ng Diyos sa atin. Naging tao siya upang makapiling tayo. Kahit na siya ay umakyat na sa langit patuloy pa rin tayong pinangangalagaan. Ipinamamagitan niya tayo sa Ama.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 26, 2024

 14,358 total views

 14,358 total views Solemnity of the Most Holy Trinity Cycle B Basic Ecclesial Community Sunday Deut 4:32-34.39-40 Rom 8:14-17 Mt 28:16-20 Matapos ang makababalaghang karanasan ng mga Israelita sa paglikas nila sa Egipto at matapos ang mahabang paglalakbay nila sa disyerto ng apatnapung taon, pinaisip sila ni Moises bago sila pumasok sa lupaing ipinangako sa kanila.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 19, 2024

 16,204 total views

 16,204 total views Homily May 19, 2024 Pentecost Sunday Cycle B Acts 2:1-11 1 Cor12:3-7.12-13 Jn 20:19-23 Ang Pentekostes ay isang dakilang pista ng mga Hudyo, kaya mayroong maraming tao noon sa Jerusalem na galing sa iba’t-ibang bansa. Namimiesta sila. Sa kapistahan ng Pentekostes ipinagdiriwang ng mga Hudyo ang pagbibigay sa kanila ng mga batas ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 12, 2024

 16,201 total views

 16,201 total views Homily May 12, 2024 Ascension Sunday World Communications Sunday Mother’s day Acts 1:1-11 Eph 4:1-13 Mk 16:15-20 Bahagi ng buhay ng tao ay ang pag-welcome at ang pamamaalam. Kadalasan masaya tayo sa pag-welcome sa isang dakila o mabait na tao at malungkot tayo sa pag-alis niya. Masaya tayo sa pagtanggap sa auntie na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 5, 2024

 20,710 total views

 20,710 total views 6th Sunday of Easter Acts 10:25-26 1 Jn 4:7-10 Jn 15:9-17 Pag-ibig. Hinahanap-hanap ito ng marami. Ito ang nagbibigay ng kulay sa ating buhay at ito nga ang nagbibigay ng kabuluhan sa ating gawain. Kahit na mahirap at kahit na matagal, anumang hamon ay gagawin natin at magagawa natin kung tayo ay may

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 21, 2024

 26,026 total views

 26,026 total views Homily April 21, 2024 4th Sunday of Easter Cycle B Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 4:8-12 1 Jn 3:1-2 Jn 10:11-18 Taon-taon ang ika-apat na Linggo ng panahon ng Muling Pagkabuhay ay Good Shepherd Sunday. Maliwag ang sinabi ni Jesus sa atin ngayong araw: “Ako ang mabuting pastol.”

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 14, 2024

 28,184 total views

 28,184 total views Homily April 14, 2024 3rd Sunday of Easter Cycle B Acts 3:13-15.17-19 1 Jn 2:1-5 Lk 24:35-48 Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay ang tagumpay sa kasalanan. Ibinuhos na kay Jesus ang lahat ng fuersa ng kasalanan. Naranasan niya ang iba’t-ibang anyo ng kasalanan. Siya ay pinagbili ni Judas, pinagtinaksilan ni Pedro, pinagbintangan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 7, 2024

 30,342 total views

 30,342 total views Homily April 7, 2024 2nd Sunday of Easter Cycle B Divine Mercy Sunday Acts 4:32-35 1 Jn 5:1-6 Jn 20:19-31 Ang muling pagkabuhay ay hindi lang tagumpay ni Jesus. Tagumpay ito ng buong katawan ni Kristo kaya kasama tayong lahat diyan kasi kaisa tayo ng katawan ni Kristo. Narinig natin sa ating ikalawang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | April 6, 2024

 30,692 total views

 30,692 total views First Things First | April 6, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 10, 2024

 44,162 total views

 44,162 total views 4th Sunday of Lent Cycle B Laetare Sunday 2 Chr 36:14-16.19-23 Eph 2:4-10 Jn 3:14-21 Dinasal natin sa ating pambungad na panalangin: “Sa masigasig na pagsamba at matibay na pagsampalataya ang Sambayanang Kristiyano ay makadulog nawang masaya sa pagdiriwang ng dakilang kapistahan ng Pagkabuhay.” Nasa ikaapat na Linggo na tayo ng Kuwaresma. Sana

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 3, 2024

 44,585 total views

 44,585 total views 3rd Sunday of Lent Cycle B Ex 20:1-17 1 Cor 1:22-25 Jn 2:13-25 Kilala natin si Jesus na isang taong malumanay, mapagpatawad at mapagpasensya. Siya ay matulungin sa nangangailangan at madaling lapitan. Pero kakaibang Jesus ang napakinggan natin ngayon sa ebanghelyo. Pinagtabuyan niya ang mga taong nagtitinda sa templo, hinagupit ang kanilang mga

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top