Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 872 total views

Kapanalig, kahit pa may kaunti kang ipon, kahit pa nga mayaman ka na, ang kahirapan o poverty ay laging naka-antabay lamang. Isang tao lamang ang magkasakit sa inyong pamilya, maaaring malimas ang naipon at naipundar mo sa mahabang panahon. Ganyan kabigat ang health care sa ating bansa. Sa mahal ng lunas at gamot, lagi kang maaring mahulog sa makapit na bitag ng kahirapan.

Marami nga sa atin, nagtitiis na lang sa sakit kaysa magpatingin sa doctor. Gastos kasi agad, kapanalig, kahit sa konsultasyon pa lamang, at hindi naman agad agad nabibigyang lunas ang mga dinadaing na sakit sa katawan.  Pumupunta na  lamang sa doctor o hospital ang marami nating mga kababayan kapag hindi na kayang tiisin ang mga nararamdamang sakit, o di kaya, hindi na maitago o nakaka-abala na ang mga sugat o bukol na natubo sa kanilang katawan. Kaya’t kadalasan, sa halip na makatipid, mas malaki na ang problema kapag nagpunta na sila sa doctor.

Dito pa sa bansa natin, marami ang informal workers. Sakto lang ang sweldo kada araw. Kapag hindi pumasok, kailangan ng mangutang. Kaya’t kapag nagkasakit sila, o di kaya nagpatingin sa doctor,  mula na sa utang ang panggastos nila.

Mainam sana na may health insurance ang mga mamamayan natin. Maswerte ang mga nasa pormal na sektor dahil maliban sa PhilHealth, may mga medical insurance din ang kanilang mga opisina. Bawas ang kanilang gastos kapag sila ay nagkasakit o kahit pa kaanak nila. Pero para sa malaking bahagi ng ating populasyon, PhilHealth lamang ang kanilang salbasyon sa gastos sa doktor o ospital. Pero sa laki ng gastos sa health care sa bansa, lalo na kapag seryoso o malala ang sakit, kulang na kulang ang coverage ng PhilHealth. Tinatayang sagot pa rin ng mamamayan ang 44.7% ng kanilang health expenditures. Kung maralita ka at fixed o maliit ang sweldo mo kada araw, mahirap tustusan ang gastos sa pagkakasakit.

Kapanalig, kung gagamitin lamang ng pamahalaan ang bahagi ng tax revenues nito para taasan ang budget nito para sa kalusugan, gagaan ang pasanin ng maraming mamamayan at mas lulusog pa sila at mas makaka-ambag sa paglago ng bayan. Dapat unahin ng pamahalaan ang budget para sa kalusugan ng mamamayan, kaysa sa mga gastusin gaya ng confidential funds. Hindi ata naiisip ng ating mga pinuno na ang pagkakalinga sa kalusugan ng tao ay input din o puhunan, na malaki ang bentahe hindi lamang para sa mga mamamayan, kundi para sa bayan.

Ang kalusugan ng tao ay integral sa kanyang dignidad. Tinatawag tayo ng pananalig na kilalanin ito sa ating lipunan. Kailangan, kongkretong makita sa ating mga batas at polisiya, na atin itong pinangangalagaan. Paalala ng Evangelium Vitae:  The dignity of each human person and the pursuit of the common good are concerns which ought to shape all economic policies.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Gaslighting

 16,979 total views

 16,979 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 84,708 total views

 84,708 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 107,860 total views

 107,860 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 177,975 total views

 177,975 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 251,443 total views

 251,443 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Gaslighting

 16,981 total views

 16,981 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 84,710 total views

 84,710 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 107,862 total views

 107,862 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 177,977 total views

 177,977 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »
Scroll to Top